Wednesday. Walang pasok si Julie pero maaga pa rin siyang gumising. Game 6 na kasi ng NBA finals at gusto niyang panuorin ang laro para kay Elmo.
“Baka late na naman magising yun since naglaro na naman sila ng LoL kagabi.” She said to herself. After niya maghilamos at magtoothbrush ay bumaba na siya para pumwesto sa sala. Laking gulat niya nang nasa hagdan pa lang ay rinig na niya ang malakas na tawa ng papa niya.
“HAHAHAHAHA. Matatalo ka na naman ata. Kalma ka lang kasi.” Sabi nito. Tuluyan nang bumaba si Julie at laking gulat niya kung sino ang kausap ng papa niya.
“Moe?”
“Oh. Gising ka na pala anak. Kanina pa si Parekoy dito eh.” Her dad said at saka pa tinuro si Elmo na nakaupo sa mahabang sofa nila.
“Good morning!” masayang bati nito. Hindi naman agad nakasagot si Julie dahil she was still surprised to see him there ng ganun kaaga.
“A-anong ginagawa mo dito?” she asked.
“Came to watch the game with you.” He replied as he patted the space beside him. Julie sat next to him at saka siya tinignan nito. “What?”
“Infairness sayo, ang aga mo talaga dito ha?”
“Hahaha. Good morning to you too, baby.” Sabi ni Elmo at saka pa humalik sa noo ni Julie.
“Hoy, makakiss ka naman andyan si papa oh!”
“Haha. Nako anak, okay na okay lang yan. Diba parekoy?” at nakipag-apir pa si Elmo sa daddy ni Julie.
“Seriously Papa, siya na ba ang anak mo ngayon?” Napailing na si Julie while saying that.
“Sige na, tara na. Let’s have breakfast all together. Mamaya baka magstart na yung game.” Marivic said to everyone.
Everyone’s enjoying their breakfast. Actually it was Elmo who cooked kaya talaga siya maaga. He also wanted to surprise Julie. It’s his way for making up with his beloved girlfriend and to her family.
FLASHBACK
“Hi, goodmorning Tito.” He greeted.
“Oh, parekoy ang aga mo yata? Siguro okay na kayo ni Julie no?”
“Alam niyo po?”
“Syempre naman Elmo, alam mo naman yung anak namin very transparent yan. Good to know na okay na kayo. Alam mo naman na ayaw na ayaw kong nakikitang umiiyak ang anak ko at nasasaktan. Sino bang may gusto di ba?” Jonathan frankly said to him.
“Opo, Tito. Sorry po sa nangyari sa amin ni Julie. Instead of making it easier for her, knowing na she’s been going through something, nakisali pa po ako. Kaya po yesterday I have decided na hindi ko na po kaya yung nangyayari sa amin. And naisip ko rin po na I should be there for her, to be her crying shoulder, to support her, to take care of her, to make her smile and to love her faithfully.” Elmo was teary eyed when he said that to his girlfriend’s dad.
“Alam ko na sincere ka, Elmo and true to your words. Thank you. And it was wonderful hearing those words. At least alam kong tama na ipinagkatiwala ko sayo ang panganay ko.” Jonathan said and smiled.
“Teka, parekoy ano ba yang mga dala dala mo? Parang ang rami yata?” he added.
“Ayun po Tito, since maaga po ako, susulitin ko ang bawi ko kay Julie. Magluluto po ako ng breakfast natin and aayain ko po sana siya na lumabas later. Kung pwede lang po?” He smiled widely.
“Sakin okay lang, ewan ko sa maganda kong anak. Hehe. Osya sige na, pumasok ka na ron sa loob lilinisan ko lang ‘tong kotse. Feel at home.” Sabay tapik sa balikat ng binata.