Week 1 Review Response : ellesanity

95 5 7
                                    

Hi everyone! First of all, nais ko kayong pasalamatan sa pagtanggap saakin sa FWFC at sa ikalawang cycle. Salamat sa lahat nang nagbasa at naghain ng review sa story ko.

I've been writing Counter Spell for almost three years. January 2013 nang una ko 'tong i-publish sa wattpad. It took 13 chapters bago ko ito in-unpublish for major revisions dahil sa totoo lang, wala akong concrete na plot para rito noon.

Nahirapan din akong mag-update dahil nga nahirapan akong dugsungan ang k'wento, so itinigil ko muna. Nakatatlong revise na ata ako hanggang sa finally, nabuo ko rin ang plot na gusto ko para sa story, though medyo malayo na ang kinalabasan sa original. It was completely different, I only retained the title. Last March or April 2014 (I guess?), I started working on this story again. Hanggang sa ayun nga, nagtuloy-tuloy na ang pagpasok ng idea sa utak ko kaya lang masyado naman akong naging busy (mostly due to acads stuffs) kaya bumagal ang pag-update ko.

I know still have lots to improve kaya naisipan kong sumangguni rito. Kaya naman thankful ako sa lahat nang payo niyo.

To aftermat, salamat po dahil nagustuhan mo ang k'wento. Salamat sa payo, asahan mong susundin ko ang lahat nang iyon sa abot ng aking makakaya.

Kay MissBulilit, salamat sa pagbasa at pag-review ng aking k'wento. Hanggang ngayon, nalilito pa rin ako sa paggamit ng "nang" at"ng." Minsan nga napagpapalit ko sila unconsciously, e, though I try to minimize my errors as much as possible. Originally, CounterSpell was written in 1stPOV, na ni-convert ko lang into 3rdPOV para mas malawak ang maging scope ng k'wento kaya naka-focus ang mga naunang chapter kay Alice. Pero h'wag kang mag-alala, later on ay mafo-focus ang k'wento kay Jack, since he's one of the main protagonists.

Salamat din kay Kuya HearmJan sa masusing pagpuna sa aking k'wento.Natumbok mo lahat ng "weakness" ko. Lalo na pagdating sa pagsusulat ng action scenes, specifically when it comes to martial arts. I lack knowledge in that department kaya naman minsan nahihirapan akong mag-describe ng combat scenes. And I also noticed na medyo kulang mga sa emotion ang ibang scene na naisulat ko, like what you have said. Tungkol naman sa k'wento ng parents ni Alice, mayro'n na akong plano para ro'n. Actually I am planning to write a prequel on the future about her parents titled "Counter Spell:The Gate Keeper", but anyway, thanks sa suggestion. Sisikapin kong i-apply ang lahat nang aking natutunan sa mga sumunod na kabanata.

Maraming salamat po Kuya bentchbites dahil nagustuhan mo ang k'wento, to the point na binasa mo hanggang sa latest chapter. Nakakataba lang ng puso dahil sa lahat ng k'wentong naisulat ko, ito talaga 'yung pinagbuhusan ko nang sandamakmak na effort. Mula sa plot, grammar,setting, characters, lahat ay pinag-isipan ko. Nakakatuwa lang na may mga nakaka-appreciate nang sinusulat ko. And aware rin po ako na hindi balanced 'yung english at tagalog sa story ko. Ang plano ko kasi talaga, pure tagalog ang k'wento kaso na-realize ko na 'diko pala kaya 'yun nung umabot na 'ko sa point na kailangan konang gumawa ng action scene. May mga lines din na mas komportable akong isulat sa ingles kaya ganun. Again, salamat! :D

Thank you Greenlime8 for reviewing my work and for the compliment! I am flattered! Chos. Kidding aside, to answer your questions, maypagka-historical na modern po ang setting ng k'wento (medyo magulo)but in an alternate world, na gawa-gawa ko lang. Minsan na medyo dumadalas, panay english 'yung naiisip kong dialogue kaya conyo ang kinalalabasan, pero sinisikap ko namang iwasan 'yun. Saka kasi minsan, feel ko mas cool 'yung magiging dating ng lines pag iningles ko. Don't worry, plano ko po talagang gawan ng story ang nangyari dati, like what I've mentioned above. Again, thanks a lot!:)

Salamat po ReddHumann sa pagre-review sa gawa ko. I learned a lot. Sa mga susunod na chapter, I'll explain how their power works, the certain conditions, their limits, and its side effects. Don't worry, ayaw ko rin sa mga "perfect" slash "God like" na protagonist'cause I find them boring. Mas may thrill pa rin kapag may touch of reality ang mga characters ng story. I am glad that you enjoyed reading my work. And regarding the setting, historical ito na maypagka-modern, I guess, since it is set in an alternate world. Medyo magulo ba? Hirap kasi talaga akong gumamit ng pure tagalog lalo na pag dating sa action scenes, and at the same time, 'di naman ako grammar expert pagdating sa English kaya tag-lish ang story. So ayun:3

To Reserell, thank you for reviewing my work. Salamat at na-enjoy mo ang k'wento. Regarding the prologue, I wrote it that way 'cause Ilike it simple and mysterious. Tipong simple pero may dating. Ganun. Anyway, thanks sa suggestion! :D

Thanks to imakemyowndestiny for the review. Salamat dahil nagustuhan mo ang k'wento. I'll try my best to improve my characters and to balance the languages I use in the upcoming chapters.

Arigatougozaimasu yoshiro_hoshi nee-san for the review! Salamat po dahil nagustuhan mo ang gawa ko. Hehe. And about Alice's powers, may manifestation po ng kaniyang powers sa Chapter 1, 'di mo lang siguro napansin. Feel free to add my story to your library! ;)

Thanks frostysnowman113 for the compliment! I am glad that you enjoyed reading my work. I'll do my best to improve my skills. Thanks for the encouragement, kahit na-nosebleed ako sa english mo, hahaha! Hindi ako professional na manunulat, nakakatuwa lang talagang makabasa ng papuri mula sa aking mga mambabasa. Seriously, though,thanks a lot! ;)

And sa "most helpful reviewer of the week," these are my top two (in no particular order):

-HearmJan

-ReddHumann

Sobrang nahirapan talaga akong mamili sa kanilang dalawa. Pero finally, nakapag-decide rin ako. And tenenentenen!


I choose ReddHumann! (Congrats!)

Sa lahat kasi nang nag-comment, sa 'yo ako pinakamaraming natutunan at na-realize :)

Again, thank you guys for reading and reviewing my work! Thanks for inspiring me! God bless you.

FWFC Cycle 2 Review BookDonde viven las historias. Descúbrelo ahora