Week 3 Review Response: yoshiro_hoshi

95 4 9
                                    

Hi mga kapatid! Salamat po sa matiyaga ninyong pagbabasa ng CODE CHASERS! Haha!

Bago po ako magsimula sa response, gusto ko lang pasalamatan ang mga bumubuo ng FWFC CLUB sa pagpayag nilang pasalihin ako ulit dito sa second cycle. Sobrang nagpapasalamat ako sa napakalaki nyong tulong sa akin bilang baguhang manunulat. At sana marami pa kayong matulungan na gaya ko na gustong maging mahusay sa larangan na ito ng pagsusulat.

Ano po na ang CODE CHASERS?

Ang Code Chasers po ang kauna-unahang story na ipinost ko sa wattpad. Pero hindi ito ang pinaka-unang story na ginawa ko. Code Chasers was my 11th story, first conceptualize noong 2012 at ang original title ay "Gothic" at pinaka-espesyal ito sa akin so far. Tungkol ito sa sumpaan ng walang hanggang pagkakaibigan (whoa! Hahah!) at kung paano natin iki-keep ang promises natin sa iba.

Okay! Tama na sa background! Heto na ang response ko!

ellesanity

Salamat sa pag-highlight ng mga technicalities ko! Hahaha! Sakit ko na talaga 'yan, at hanggang ngayon nag-aaral pa din ako na i-correct ang mga iyan. Heheh. Yung opesina----oo nga no?! Sabi nga ni Kuya Kit, tinatawag daw iyon na "write as you pronounce it syndrome" , kung saan kung paano ko siya sinasabi---ganoon ko siya isinusulat. Eh nasanay ako na "opesina" imbis na "opisina", kaya hayan—hahahah! Syunga lang ng peg! Pero huwag kang mag-alala, aayusin ko na iyan.

Tungkol sa pagmention mo ng "Tokyo ghoul", nito lang yun sumikat diba? Oo alam ko ang anime na iyon (at super astig talaga!), pero maniwala ka sa hindi----hindi ko kinuha ang term ko na "ghoul" sa anime na iyon. Nakuha ko ang term na Ghoul mula sa isang magazine (otakuzine---yung anime magazine? Fan na fan ako nun eh! Pero dalawang issues lang ang meron ako—issue no. 9 at 25 lang, parehong regalo sa akin) Nakuha ko ang term na "Ghoul" mula sa vol. 1, issue no 9, page 30-31entitled "Clash of the Undead Slayers" –vampire Hunter D vs Alucard of Hellsing dated: 2009 (wow, ang tagal na pala?). Sa bungad pa lang may mababasa ka nang "ghouls". Nag-search ako sa dictionary tungkol sa meaning non at nalaman ko na pertaining pala yon sa monster. At dahil naastigan ako sa term, kaya yun ang ginamit ko. Laking gulat ko na lang na nakokompare ang ghoul ko sa Tokyo ghoul.

Tama ka sa "pandora's box" feels! Greek myth lover din ako! At isa sa pinaka peborite ko si Pandora at yung kahon na may lamang "hope". Hihihi! Inspired yun kahon ko sa kahon ni pandora. Pero yung kahon lang-----not the mismong story.

Isang tanong para sa iyo ellesanity-------------YAOI FAN KA DIN BA?! Kyaaaahhh!!!!!!!! Feel na feel ko yung reaksyon mo kina Noah at Fillan!!!! Hahaha! Sa kasamaang palad kapatid----friends lang talaga sila. Huhuhu....hindi ko kayang gumawa ng yaoi!!!! (why??????????????! Huhuhuhuhu! T__T)

HearmJan

You really, really, really....sound so professional bro! Nagulat ako sa naging komento mo. Akala ko gigisahin mo ako ng husto. At salamat sa ibinigay mong link kapatid! Babasahin ko iyon ng paulit-ulit gaya ng advice mo. :D Nagulat din ako na gusto mo ng mahahaba na chapter! (well, hindi lang naman ikaw ang reader ko na nagdemand ng mahabang chapter—at marami-rami sila hu, kaya nga kung minsan nahihirapan akong mag-decide kung mahaba o maikli ang updates ko kasi may mga nagdedemand na habaan ko pa, eh ang haba na nga eh!) Pero thanks! You really helped me.....

bentchbites

Wow, salamat sa mga nakakataba mong komento! (Really sweet...kaya nakakataba! Hahah!) Salamat sa pag-mention ng pag-hop ng scenes ko. Totoo yon, naghohop nga siya (madalas) nakakalimutan ko kasing maglagay ng divisions lalu na kapag ginaganahan akong magsulat. At tamad din akong mag-proof read! Heheheh, pasensya na...

Hayaan mo, aayusin ko ito sa oras na dumating na ako sa editing phase.

PS. Huwag kang mag-alala, hindi isang blessed one si Fillan, at never siyang magiging isang Pinagpala---higit pa siya sa mga iyon! Kaya hindi ka madidisapoint-----trust me! Hahaha!

ReddHumann

Wow, sa lahat ng nag-review....ikaw ang sumampal sa akin straight to my face! Kumbaga sa street fighter ---- FATALITY ang natanggap ko! Ang dami kong napulot sa review mo na dumating sa puntong na-realize kong "ugh....ang dami ko pang dapat matutunan!!!!" Pero ang pinaka-tumatak sa akin sa sinabi mo, ay yung "info dumps", "lazy route ng History Exposition" (eksperto ka sa mga ito----sa mundo pa lang ni bagani, pinatunayan mo na yan sa akin.). "Trust thy readers", ang walang kamatayang "tenses" ko na ewan ko ba, paano ko ba siya ikokorek? (at...can someone explain to me about tenses? Kung hindi nyo pa naitatanong, bopols talaga ako sa English. Sulat lang ako ng sulat, I really don't know the terms----------nakakaawa naman ako....) The gender neutral issues, at higit sa lahat-----the CULTURE! Ang totoo, wala ng kuktura na namamayani sa Agrivan at Providence, kasi the whole scene happened after Armageddon. According to the Bible (Rev. 21:1) "And I saw a new heaven and new earth, for the first heaven and first earth passed away, and the sea is no more (Rev. 21:24) and (all) the nations will walk by it's light (as one) --- sa pagkakaintindi ko, wala nang mga kultura, kaya hindi na ako nag-specify ng lahi (kung sila ba ay amerikano o Chinese o Filipino----general name na lang like English names ang ginamit ko, since common naman ito sa mga fantasy stories)

At ang pinakamatinding fatal injury----the "tiwala sa sarili" ouch....tama ka. Dumarating nga ako sa puntong doubtful ako sa ilalagay ko since Biblical-based story ito (at ayaw ko naman na magalit sa akin si Lord!) At sinabayan pa ito ng pagiging nega ko. Wala akong masabi...you really hit me in my head!

Pero natuwa ako sa sinabi mo about me (the "Dear Yoshiro Hoshi" part)...talaga? Wala akong nasabi, napanganga ako. Parang di ako karapatdapat sa papuri mo....

aftermat

Salamat po sa pagbasa! Salamat po sa pag-point out ng technicalities ko (naka-note lahat yon) Wala na akong masabi---nasabi ko na lahat sa taas eh. Hahahaha!

imakemyowndestiny

Salamat kapatid sa papuri mo sa gawa ko. Nakakahiya naman....huhuhu!

MissBulilit

Salamat din sa iyo!!! Hahah nakaktuwa ang komento mo kahit maikli. Nakaka-refresh, sobra.

Phew! Nanakit ang kamay ko sa kaka-type!

Muli, thank you sa mga nagbasa!!! At salamat sa tulong nyo, mga kapatid!!!!

And for the win....

Our best COMMENTATOR (drums roll...)

TADAN!!!! --------- ReddHumann !!!!!!!!! Hahahah! Deserve mo ito kapatid!!!! Hahaha! Sana pag may time ka, ipaliwanag mo naman sa akin ang mga na point out mo na weaknesses ko. Gusto kong malaman ang mga iyon----further!

Salamat!

***Yoshiro Hoshi***

FWFC Cycle 2 Review BookDonde viven las historias. Descúbrelo ahora