Sunggyu
Katatapos lamang ng klase mo, at ngayon ay dali-dali kang sumakay ng jeep para makarating agad sa library kung saan kayo laging nagkikita ni Sunggyu, ang lalaking matagal mo ng hinahanggaan at pinagmamasdan sa malayo. Ang lalaking kahit na ilang beses mo ng iparamdam ang motibo mo sa kanya ay wala lang.
"You're five minutes late." iritadong sabi niya sa'yo habang nakatingin sa relo niya.
"Alam mo namang ayaw ko ng naghihintay ako, 'di ba?"
Napailing ka na lang, at umupo sa harapan niya na ngayon ay may binabasang libro na may kinalaman sa subject na lagi niyang itinuturo sa'yo, ang Accounting.
"So, how's your first day? May inaral na ba kayo?" tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata mo.
Napaiwas ka na lamang ng tingin dahil sobrang bilis na ng tibok ng puso mo sa sinabi niya. Umiling ka na lang sa kanya, at kunwari ay may tinetext pero ang totoo ay pasimple mo siyang kinukunan ng picture.
"Sabi na nga ba, e. So, wala pala talaga tayong gagawin ngayon. Tara, umuwi na tayo." nakangiting sabi niya sa'yo habang inililigpit ang gamit niya.
Kahit na halos mabaliw na ang puso mo dahil sa ngiti niya, hindi mo pa rin maiwasang malungkot dahil hindi mo siya nakasama ng matagal ngayon.
"Sige, mauna ka na Sunggyu. Bibili pa ako ng merienda ko. Wala pa kasi akong nakakain simula kaninang tanghali." sabi mo sa kanya habang inaayos ang upuang ginamit mo.
Tumalikod ka sa kanya, at nagsimula nang maglakad papalayo. Pinakiramdaman mo kung nand'on ba siya sa likod mo, pero nabigo ka. Dahil walang Sunggyu na nasa likuran mo.
"Siguro kailangan ko ng tapusin 'tong tutorial natin." nasabi mo sa sarili mo habang naglalakad papauwi sa inyo.
Kahit na may kalayuan ay mas minabuti mo nang maglakad. Alam mo kasing kapag napabilis lang ang pag-uwi mo ay kung ano-ano na naman ang iisipin mong makakasakit sa damdamin mo.
***
Ilang linggo na rin ang nakakalipas mula nang makausap mo siya, at sa totoo lang, namimiss mo siya. Pero pinigilan mo ang sarili mo dahil nararamdaman mong habang patagal ng patagal na nakikita mo siya, mas lalo siyang napapalapit sa puso mo. Kaya naman, itinuon mo ang atensyon mo sa pag-aaral para hindi mo siya maisip kaso sa tuwing titigil ka sa mga ginagawa mo, hindi mo maiwasang mapatingin sa picture niya na nasa cellphone mo. Napailing ka na lamang dahil sa ginagawa mo, at napagdesisyunan nang maglakad-lakad. Makalipas ang ilang minuto ay dinala ka ng mga paa mo sa park kung saan ka laging naglalabas ng nararamdaman mo mula n'ong bata ka pa. Umupo ka sa pinakadulong swing kung saan walang taong dumadaan at nakapaligid. Nagsimula ka nang mag-duyan, at mamaya-maya pa ay napa-buntonghininga ka na lamang ng bigla mo siyang maalala.
"Akala ko, Accounting lang tinuturo mo sa akin. Pero bakit pati 'tong puso ko, naturuan mo ng magmahal. Sumagot ka. Ginayuma mo ba ako, Sunggyu? Bakit ganito na lang ang epekto mo sa akin? Bakit kahit gustuhin kong alisin ka dito sa isip ko hindi ko magawa? Umamin ka, anong glue ang ginamit mo at ang tindi ng kapit mo sa puso ko? Bakit kahit ang daming gwapo d'yan, ikaw pa rin ang gusto nitong puso ko. Aish. Bakit naman kasi sa dinami-dami pa, bakit sa isang cold at badboy na katulad mo pa ako nagkagusto? Bakit ba ikaw pa ang nagustuhan ko, Gyu? Sumagot ka."
Iduduyan mo sana ulit kung nasaan ka ngayon ng may nagpahinto dito, at lumuhod sa harapan mo.
"Sorry kung nagiging snob ako sa'yo. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong gawin sa harapan mo. Sobra akong natataranta tapos ang bilis pa ng tibok ng puso ko. Sorry kung naguguluhan ka sa mga ginagawa ko, pero alam mo, lahat ng tinanong mo sa akin, 'yan din ang mga saktong tanong na gusto kong sagutin mo."
Pagkasabing-pagkasabi niya n'on sa'yo ay hinawakan niya ang kamay mo na mas nagpadagdag pa sa kilig na nararamdaman mo ngayon. Tiningnan mo siya at nagulat ka nang makita mo siyang nakatingin ng diretso sa mga mata mo. Kakausapin mo na sana ulit siya ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa'yo at sabihin ang mga salitang nagpatigil sa mundo mo.
"I love you. At gagawin ko ang lahat para mapatunayan ko 'yun sa'yo."
BINABASA MO ANG
INFINITE Imagines
Short StoryThis is dedicated to all my fellow Inspirits <3 Photo from pinterest