4

15 2 0
                                    

Sungyeol.

"What is love?" tanong ng prof mo kaya naman napahalumbaba ka at  nagsimula na namang mag-imagine.

Iniimagine mo na si Myungsoo, isa sa mga varsity dito sa university nyo, ay bigla na lang papasok sa room niyo; may dalang bulaklak at nakangiting nakatingin sa'yo. May hawak din siyang gitara at kinakantahan ka habang unti-unting naglalakad papunta sa kinauupuan mo. Lumuhod siya sa harapan mo habang sinasabi sayo na matagal ka na niyang gusto at gusto nyang magpaalam sa magulang mo para ligawan ka.

Napahagikhik ka sa iniisip mo kaya naman, tinawag ka ng teacher mong si Angelica, ang pinaka-kilalang bitter sa university nyo. Kinakabahan kang tumayo at nakipagtitigan sa kanya na ngayon ay nakahalukipkip ang kamay. Tinaasan ka niya ng kilay kaya naman, hindi mo naiwasang kabahan.

"Looks like you are in love, Ms. Montes. Mind sharing it with us?"

Ramdam na ramdam mo sa boses niya ang irita kaya naman, hindi mo magawang magsalita.

Napatingin ka sa mga kaklase mo at halos lahat sila, sayo nakatingin. Nag-aalangan kang ngumiti sa kanila, pabalik sa teacher mong mas lalong tumaas ang kilay sa'yo.

Please save me, Myungsoo.

Paulit-ulit na sabi mo sa isip mo, pero hindi katulad nang dati, walang dumadating na Myungsoo.

Napabuntonghininga ka na lamang at magsasalita na sana nang biglang may kumatok sa pinto. Lahat kayo ay napatingin d'on at halos magtatalon ka na sa tuwa nang makita mo ang taong nand'on. 

Si Myungsoo! 

Laking gulat mo nang makita mo ang mga bagay na iniimagine mo lang kanina. Bulaklak, chocolates, gitara.

Nginitian mo siya pero hindi ka niya tinatapunan nang tingin sa halip, nakatingin siya kay Mary, ang napapabalitang nililigawan ni Myungsoo. Napatingin ka sa teacher mong si Angelica. Inaasahan mong papalabasin na niya si Myungsoo pero nagulat ka na lang sa sinabi niya.

"Talagang hindi ka magpapatigil maligawan mo lang 'yang si Mary no? Tsk tsk." natatawang sabi niya kaya naman, napaupo ka na lang at umubob. Nilagay mo na rin ang headset sa tenga mo para hindi mo na marinig pa ang mga susunod na mangyayari.

Napabuntonghininga ka na lang at nagulat ka na lang nang may humawak sa kamay mo. 

Si Sungyeol, ang bestfriend mo.

Tiningnan mo siya at sinamaan ng tingin. Aalisin mo na sana ang pagkakahawak sa kamay mo pero binelatan ka lamang niya at tinuro ang headset mo. Agad mo namang inalis 'yun at nagulat ka na lang sa sunod na nangyari.

Inalalayan ka niyang makatayo at tinawag ang atensyon ng lahat ng tao sa silid nyo, kasama si Myungsoo.

Sasabihin mo pa sana kay Sungyeol na ang scene stealer niya nang bigla na lamang siyang nagsalita.

"Si Y/N nga pala, girlfriend ko. Five years from now."

Pinandilatan mo siya ng mata at kokontrahin na sana ang sinabi niya pero muli syang nagsalita.

"Alam ko namang hindi pa niya ako gusto ngayon, pero kapag kinasal kami, sinisigurado kong abay kayong lahat. Kasama ka na Myungsoo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

INFINITE ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon