Myungsoo
"Guys! Si Myungsoo nasa Robinson mamaya by 4PM. Kaya naman kung dala n'yo ang books niya ay pumunta na kayo, sayang 'yung opportunity na malapitan siya, 'di ba? Balita ko pa naman ang gwapo niya sa personal." sigaw ng isa mong kaklase na naging dahilan para tingnan kung dala mo ang libro ni Myungsoo.
Nang makita mong dala-dala mo 'yun ay abot-tenga na ang ngiti mo. Agad mo namang nilapitan ang bestfriend mo para yayain ito.
"Karen, please. Pumunta na tayo sa booksigning ngayon. Nand'on 'yung crush kong author sa Wattpad. Si Myungsoo!" sabi mo sa kaibigan mo habang papalabas kayo ng room nyo.
"Ayoko nga." sabi niya sayo na naging dahilan para mapanguso ka.
"Sige na nga. Tara na."
Nang marinig mo 'yun ay halos magtatalon ka na sa tuwa dahil sa wakas, makikita mo na ang lalaking matagal mong ini-i-stalk sa Wattpad. Makikita mo na ang lalaking naging dahilan para magsulat ka rin ng mga stories katulad niya.
"Finally, makikita ko na ang lalaking nakakausap ko sa Wattpad." sabi mo sa sarili mo habang nasa comfort room kayo ng school nyo, at nag-ayos.
Makalipas ang ilang minuto ay handa na kayong umalis ng kaibigan mo ng may biglang tumawag sa'yo. Sinagot mo 'yun kahit na hindi na tinitingnan ang caller I.D.
"Hello, sino 'to?"
(Anak, umuwi ka ng maaga ha? Hindi mo naman siguro nakalimutang birthday ng Papa mo, 'di ba?) sagot ng Mama mo sa kabilang linya na naging dahilan para malungkot ka.
"Y-yes Ma. Pauwi na rin po ako." masayang sagot mo sa kanya pero ang totoo'y nalulungkot ka dahil hindi mo makikita ang taong matagal mo ng hinahangaan.
Nang mapansin ng kaibigan mong bigla kang nalungkot, niyakap ka niya ng mahigpit at tinapik-tapik ang balikat mo.
Napa-buntonghininga ka na lamang, at niyaya na ang kaibigan mo pag-uwi. Masakit man sa dibdib pero hinayaan mo na lamang kasi kasalanan mo rin naman. Nakalimutan mong birthday ng Papa mo at isa 'yung malaking pagkakamali.
"Siguro hindi pa ito ang tamang pagkakataon na makita kita, Myungsoo." sabi mo sa sarili mo habang nakatingin sa malayo.
***
"Anak, 'di ba dapat masaya ka kasi birthday ni Papa?" nakangiting sabi ng Papa mo habang kumakain kayong magkakasama.
"Syempre naman, Pa. Masaya po ako. Bakit naman po ako hindi magiging masaya?" sabi mo sa Papa mo habang hindi makatingin ng diretso sa mga mata niya.
Agad naman niyang hinawakan ang kamay mo na ikinagulat mo. Kakausapin mo na sana ang Papa mo ng may iabot niya sa'yo ang isa pang libro ni Kim Myungsoo sa'yo.
"Wala ka pa nito, 'di ba? Para sa'yo 'yan. No need to thank me okay? Go. Baka hindi mo pa maabutan 'yung crush mo." sabi ng Papa mo sa'yo na naging dahilan para yakapin mo siya at ngitian.
Kinuha mo sa kanya ang librong bigay niya at nakangiting lumabas ng bahay n'yo. Agad ka namang pumara ng tricycle, at nagpahatid sa Robinson.
Nang makasakay ka, napatingin ka sa relo mo at sa kasamaang palad, alas siete na ng gabi. Kaya naman, nakaramdam ka na ng kaba, at lungkot.
Maaabutan pa ba kita, Myungsoo?
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating ka na sa mall kung saan magaganap ang fansigning niya. Dali-dali kang pumasok d'on, at hindi na pinansin kung mukha ka ng kabayo dahill sa bilis ng lakad mo. Hinanap mo agad ang event center at pumunta d'on, kaso nga lamang, sa kasamaang palad, wala ka ng nakitang mga tao d'on maliban sa mga staff na nililinis ang mga upuang nagkalat. Agad ka namang nalungkot dahil d'on at napa-buntonghininga na lamang.
"Siguro nga hindi pa kita makikita." sabi mo sa sarili mo at itatago na sana ang mga librong hawak mo ng bigla na lang may humawak sa kamay mo, at hinila ka.
Tiningnan mo 'to, at tatarayan na sana ng mamukhaan mo siya.
"Lyle, anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong mo sa crush mo.
Oo, crush mo si Lyle Salvador na myembro ng banda ng school n'yo. Kahit na para sa iba'y suplado sya, sobrang bait at lambing naman niya sa'yo na naging dahilan para magustuhan mo siya. Sa katunayan matagal na kayong magkaklase dalawa. Isang taon na nga lamang at ga-graduate na kayong dalawa sa kursong Engineering.
"Lyle, saan ba tayo pupunta?" tanong mo ulit sa kanya na naging dahilan para humarap siya sa'yo at ngitian ka.
Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso mo dahil sa mga ngiti niyang nakakapagpatigil ng mundo mo.
"Bibili kita ng ice cream, Baby. Ang lungkot mo na naman, e. Ano bang nangyari?" nakangiting sabi niya sa'yo sabay hawak sa kamay mo kaya naman, ngayon, magka-holding hands na kayong dalawa.
"Kasi hindi ko naabutan 'yung crush ko. Si Myungsoo. Ang dami ko pa namang libro niya. Nakakahinayang na hindi niya 'yun na-pirmahan, at hindi ko siya nakausap. Alam ko na pwede ko siyang i-chat sa Wattpad para kunwari hihingi ako ng advice sa kanya para sa story ko, pero ang totoo n'yan, kaya ko lang naman siya mine-message kasi gusto ko siyang makausap. At kung kailan abot-kamay ko na siya, hindi naman ako nakapunta kasi birthday ni Papa, at syempre, siya ang pinili ko. Pero, kahit na dapat masaya akong successful 'yung surprise namin para sa kanya, nalulungkot pa rin ako kasi hindi ko siya nakita." pagke-kwento mo sa kanya, at nagulat ka na lamang ng naglakad kayo pabalik sa event center.
"Lyle, bakit pa ba tayo babalik d'yan? Wala na si Myungsoo." sabi mo sa kanya pero parang wala siyang naririnig.
Nang makarating kayo sa event center ay hinila ka niya papunta sa isa pang lamesa na hindi tinanggal ng mga naglilinis d'on kanina. Umupo siya sa upuan d'on at nakangiting tumingin sa'yo.
"Hi, ako nga pala si Kim Myungsoo. Ang lalaking nakakausap mo sa Wattpad. Ang lalaking hinahanggan mo ang stories. Pero sana, mas okay kung ina-admire mo ako kasi crush mo ako. Ako kasi, crush kita. Matagal na. Kaso nga lang, hindi ako makaamin sa'yo. Nahihiya kasi ako. Alam ko kasing mataas ang standard mo sa lalaki kaya lahat ng nararamdaman ko, dinaan ko sa pagsusulat. At masaya akong nagugustuhan mo sila kasi lahat 'yun para sa'yo." nakangiting sabi niya sa'yo na naging dahilan para manikip ang dibdib mo dahil sa kilig na nararamdaman mo.
"Lyle.."
Hindi mo na naituloy ang sasabihin mo dahil bigla niyang hinawakan ang kamay mo, at inabot sayo ang isang nakabukas na libro.
"Read the last sentence. Page 78." nakangiting sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata mo.
Nginitian mo siya, at saka tiningnan ang libro na inabot niya sa'yo. Napa-buntonghininga ka na lamang dahil sa kilig na nararamdaman mo, at saka sinimulang basahin ang sinasabi niya.
"Lyle, I like you. Ever since naging ganyan ka kalambing at ka-sweet sa akin, nagustuhan na kita. Ako ba, gusto mo rin ba ako?"
Nang mabasa mo 'yun ay halos magtatalon na sa tuwa ang puso mo dahil hindi mo akalaing ang librong dating binabasa mo ay makakapagpaamin sa'yo sa taong akala mo magkaiba. Pero ang totoo pala, isa lamang sila.
"I like you, too. No, I love you. At kahit na walang permanente sa mundo, I'll prove to you that my love for you will surpass everything."
Author's Note: Due to random selection, si Myungsoo 'yung next. Omy. Sana nagustuhan nyo. ^^ Woohyun's next. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/76497452-288-k512095.jpg)
BINABASA MO ANG
INFINITE Imagines
Короткий рассказThis is dedicated to all my fellow Inspirits <3 Photo from pinterest