AUTHOR..
"Sa wakas nakabalik narin,hahaha ituloy na natin ito guys para sa nalalapit nang pag wawakas, tnx ulit at pasensya na kung ngayon lang me naka pag UD,medjo nag ka problem lang nang konti..😄😄😄
ANTOINETTE..(P.O.V)
Tumakbo ako,pa akyat at pumasok sa kwarto namin ni kaye kinuha ko yong maleta ko,at pasalampak na nilagay ang mga damit ko,wala akong pakialam kahit magulo ang pag kakalagay ko,ang alam ko lang nasaktan na naman ako,walang tigil ang pag agos nang mga luha ko,nang marinig kong bumokas yong pinto nang kwarto at kahit,hindi ako lumingon alam kong si kaye ang pumasok.
"Wifie,kausapin mo naman ako' please.. mag usap mona tayo nang maayos.
Sabi ni kaye habang ramdam kong papalapit sya sakin.
Hindi ako,lumingon tinuloy ko yong pag iimpaki ko,naramdaman kona lang na niyakap nya ako habang nakatalikod parin ako,at pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko,ang higpit nang yakap nya sa bewang ko,habang umiiyak,napa tigil ako sa ginagawa ko.
"Nette, wag mo naman akong iwan ulit,di ko kaya alam mong mahal kita,patawarin mona ako" sabi ni kaye habang yakap parin ako nito.
Hindi ako makasagot,napatakip na lang ako sa bibig ko,dahil lalong lumalakas ang hikbi ko,nasasaktan man ako sa mga oras,na ito pero nangingibaw parin yong pag mamahal ko kay kaye.
"Wifie,kung hindi kita mahal hahanapin ba kita,? Hindi mo lang alam kung gaano ako nasaktan nang mawala ka sa tabi ko,halos mabaliw ako sa kakaisip kung anong gagawin ko,para lang bumalik ka sa piling ko.
Nette patawad kong lagi na lang kita nasasaktan,pero sana pag isipan mo monang mabuti, kung ano man ang maging desesyon mo,eririspeto ko kung gusto mona talagang iwan ako wala na akong magagawa,basta tandaan mo lang mahal na mahal kita at bukas yong tahanan ko,pag oras na gusto mong bumalik.
Mahabang,sabi ni kaye at naramdaman kong lumoluwag yong yakap nya hanggang sa tuloyan na itong bumitaw napahagolhol na ako,lalo na nang maramdaman kong tinapik muna nito ang balikat ko bago sya tumalikod.
Lumingon ako, at nakita kong nakatungo si kaye na dahan-dahan ang lakad palapit sa pinto,nang nasa harap na ito,nang pinto para buksan na ito tumigil mona ito sandali.
At hindi na ako nag alinlangan pa,tumakbo ako palapit dito at niyakap ko ito habang nakatalikod ito,at sinandal ko yong ulo ko sa likod nito at ramdam ko yong malakas na iyak ni kaye at hinawakan nya yong kamay ko na nasa bewang nya.
"Sorry boyfie,kung di mona kita pinakinggan" garalgal na sabi ko.
At dahil sa sinabi ko,biglang humarap si kaye at niyakap agad ako nang mahigpit,gumanti nalang ako nangyakap dito hinagod ko pa yong likod nito.
"Salamat Wifie, napatawad mona ako,wag mona akong iiwan ha..? Sabi ni kaye habang hinahagod nito ang buhok ko.
"Hindi na,promise' sagot kona man dito.
Humiwalay ito sa yakap ko at hinawakan ang mag kabilang pisnge ko habang pinapahid ang mga luha ko,naka tingin ito sa mga mata ko.
Nginitian ko ito,ngumiti din ito sakin at para kaming mga baliw ngumingiti kahit may luha paring bumabagsak sa mga mata namin.
"I love you wifie"
"I love you too boyfie"
At dahan-dahan bumaba ang mukha nito,palapit sakin at naramdaman kona lang na dumampi ang labi nya sa labi ko.
BINABASA MO ANG
"IN MY DREAMS"
RomantikIsa ka sa mga fans nyang nangangarap na mapansin balang araw.. Pero dimo inaasahan ang pang yayari.. Pag gising mona lang isang umaga..si idol katabi mona..? ang malala pa dahil sa nangyaring yon kailangan nyo mag sama sa isang bubong.. Wahh'...
