AFTER THREE YEARS
ANTOINETTE..(P.O.V.)
Naka hinga ako,nang maluwag nang tumigil na ang eroplano na sinasakyan ko,siguro naman ngayon,naka move on na ako sa masakit na nakaraan ko,mula nang mag hiwalay kami ni kaye ilang buwan lang din ako namalagi sa manila at palagay ko hindi ko kaya,kaya naisipan ko mangibang bansa,tatlong taon ako,sa THAILAND namasukan ako don bilang manager nang isang hotel at pag may free time ako,hindi ako nag papahinga kahit anong sidelines pinasukan ko basta maranga lang.
Sinubsob ko yong panahon ko sa trabaho para kahit papano hindi sumagi sa isip ko,ang sakit na dinanas ko dati,pero hindi ganon kadali bago ko nalampasan ang pighati,isang taon mona bago ako nasanay at tanggapin lahat nang nangyari,pilit kong binangon ang sarili ko,lumaban ako para sa sarili ko at pamilya kong umaasa sakin,wala akong ibang inisip kundi pamilya,lumabas narin ako sa mundo nang pag-ibig kaya kahit may mga nanliligaw sakin sa THAILAND,hindi ko pinag aksayahan nang oras,para ano pa..?
Para maging tanga na naman..?
Kalimutan ang sariling damdamin para sa iba..? Mag bulagbulagan kahit nasasaktan kana..? Anak"..! Nang kambing..!! Wag na oyy'..!! Itutulog ko na lang,pag gising ko may muta pa ako,hindi kona kailangan nang bato para ipokpok sa ulo ko dahil sa hirap na pinag daanan ko,natauhan na sa wakas ang ulo kong utak dilis dati,ngayon utak daga na ang meron ako,hahaha"Ahm,ma'am mawalang galang na po,hindi pa ho ba kayo baba..? Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko,dahil sa tanong nang isang flight attendant.
Napalingon ako sa paligid ko,at uo nga ako na lang ang tao sa loob nang eroplano,napahiya ako nang konti.
"Ahm' sorry ms. Nakatulog yata ako,hehe thanks sa uulitin hehe..
Ngumiti na lang nang alanganin yong babae,lumakad na ako pababa,
Nang nasa labas na ako,nakita kong nakaabang na sila nanay pero sa likod ko parin sila naka tingin palingonlingon,natawa na lang ako,lumapit ako sa harap nila.
"Excuse lang miss,tumabi kana man nang kunti,padating yong anak ko baka di nya kami makita,ang tangkad mo kasing nakaharang sa harap namin hehe.. sabi ni nanay sakin na kina gulat ko,kaya di ako naka pag salita agad.
"Nanay,wala pa naman si Toinette,baka mamaya pa yon" sabi naman ni kuya habang nangangamot sa ulo.
Ah,alam kona hindi siguro nila ako nakilala dahil sa sunglass na suot ko,kaya tinanggal ko ito at pinatong sa ulo ko.
"Nanay,nakakatampo naman po kayo" sabi ko kay nanay pero natawa ako dahil lumingon pa ito sa likod nya para tingnan kong sino ang tinatawag kong nanay.
"Naku,anak baliw na yata itong babae sa harap natin,sayang maganda pa naman,pero may saltik yata sino kaya tinatawag nyang nanay tayo lang naman ang nandito" dinig kong bulong ni nanay kay kuya.
"Ako si Antoinette Montales,27 yrs old,tapos sa kursong HRM kumakain nang tatlong beses sa isang araw at naliligo ako araw-araw,may nanay akong makulit pero mabait,may kuya akong batugan,may kapatid akong cute,masipag ako at mabait pag tulog at makinig kayo sa huling sasabihin ko.. sabi ko kila nanay na naka tanga lang sakin..
"Bahay namin,
Maliit lamang,
Pero,pero..malinis ito
Pati na kusina..Kanta ko na sinabayan nila nanay at sabay-sabay din kaming nag tawanan..
"Hahaha.. Antoinette,anak ikaw nga,anak hindi ka namin nakilala" sabi ni nanay na naka ngiti na may luha sa mata,at niyakap ako nang mahigpit.

BINABASA MO ANG
"IN MY DREAMS"
RomanceIsa ka sa mga fans nyang nangangarap na mapansin balang araw.. Pero dimo inaasahan ang pang yayari.. Pag gising mona lang isang umaga..si idol katabi mona..? ang malala pa dahil sa nangyaring yon kailangan nyo mag sama sa isang bubong.. Wahh'...