Will you teach me how?
~*~*~*~
Paano ba magmahal? Ano bang nararamdaman ng taong nagmamahal? Ano ba ang ikinaganda ng taong nagmamahal? Ano ang maganda sa pagmamahal? Ano ang makukuha ko sa pagmamahal? Liligaya ba ako kapag ako'y nagmahal? Masasaktan? O.. mawawala sa wisyo? O pwedeng lahat ng nabanggit ko?
Napakaraming tanong.. ngunit.. sa isang tanong lang umiikot ang storya at buong pag-iisip ko sa mga oras na ito..
Paano ba?
Kapag nagmahal ba, dapat umamin?
Dapat.. magkaroon ng koneksiyon?
Dapat.. makunteto sa kung anong meron..
O.. dapat magmahal nalang mula sa malayo?
Hindi ko alam.
At ako'y naguguluhan.
Umamin? Hindi pa ganoon kasira ang ulo ko para umamin.
Mapapahiya lamang ako.. at ayokong nangyayari saakin iyon.
Napabuntonghininga ako habang nakatitig sa lalaking nakikipag-kulitan sa mga kaibigan niya.
Sasabihin ko ba?
Matagal-tagal ko na ring nararamdaman ito.. pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
Paano ba? Paano ba magmahal? Dapat ba maging demanding? Dapat ba magpakamartir? Dapat bang kalimutan nalang?
Sa panahon ngayon.. mahirap na ang magmahal. Mahirap.. lalo na kung hindi mo alam kung papaano. Papaano ang gagawin mo kapag nangyari na saiyo.
"Carla!" narinig kong tawag saakin ng isa kong kaklase. Napakunot ako ng noo. Istorbo sa pagtitig ko kay Mark.
"Bakit?" Medyo paangil kong singhal kay Gene.
"Kita ka!" Sabi niya at nanlaki naman ang mga mata ko. Bigla pa siyang tumawa ng malakas kaya ang daming napatingin sakanya.
Linapitan ko nga at hinampas. Bumulong pa ako sakanya. Kainis kasi.
"Huwag ka ngang maingay!" Sabi ko at tumawa lang ulit siya at iniwan ako.
Napasimangot naman ako. Weirdo talaga ang babaeng iyon. Pero.. ang galing niya ah! Ni hindi ko nga pinapahalata na nakatingin ako kay Mark pero nahalata niya.
Tss.
* * *
YOU ARE READING
Huh?
ChickLitCollection ng favorite quotes ko at kung ano-ano pa. Try mo basahin! Dali! :D Ah! Baka lagyan ko rin ito ng short stories! :D October 13, 2013 ChickLit #108 October 14, 2013 ChickLit #450, Other #897 ChickLit #154 October 26, 2013 ChickLit #219