Hmmhm?

158 2 1
                                    

Tinatype ko ito habang hinihintay mag-load yung Ep.5 nung "The Heirs". So anyway.. bakit nga ba "Hmmhm?" ang title nito? Ewan ko rin sa totoo lang.

Naalala ko kasi yung tanong nung Filipino teacher namin kanina.

"Bakit kapag nagsimulang tumibok ang puso, nagiging makulay na ba ang lahat?" 

Not exactly ganyan yung tanong.. pero ganyan na rin yung pinalalabas.

May ganyan kami kasi yung isang selection sa book eh may connection sa "Love" o "Pag-ibig". Ang title pa nga nun eh "Ang mananayaw ng Izu". Galing Japan na trinanslate sa Tagalog.

Muntik na akong matawag kasi akala ko babasahin na. Yun pala.. sasagutin muna yung tanong.

Naisip ko.. kung tinawag kaya ako.. ano ang magiging sagot ko?

Tutunganga ba ako?

Sa totoo lang eh hindi ko kasi alam yung sagot. Love? Makakain ko ba yan? Mabubusog ba ako dahil diyan? Eh sasaktan lang ako niyan ako eh!

Wala akong experience sa love love na yan. Kung mayroon, eh nandun sa Korea.. nagtatrabaho. (If you get what I mean!!). Pero considered ba iyon? Sa palagay ko.. hindi.

Kasi hindi naman talaga. 

Kapag nagmahal, I don't think nagiging makulay ang lahat. At some point siguro, oo. Pero "some point" lang yun. For me kasi, kakambal na ng "pag-ibig" ang salitang "pagkabigo". Masakit magmahal. At the same time daw, masarap. Ewan. Malay ko ba? *shrugs* Makulay? Ewan. Black and White kasi ang tingin ko dun eh. Kaya.. ewan ko nalang talaga. Parang Yin and Yang lang.

Napakagulo kasi ng "love". Weird. Hindi malaman! Pero may follow up question eh.. "Ano bang pakiramdam ng nagmamahal?" 

Yung kapag nakita mo na tumatawa yung crush mo, mapapangiti ka na? Ewan ko.. yan yung sagot ng classmate ko eh.

Kung ako yung tinanong niyan, ang sagot ko eh.. Nawawala sa wisyo.

Na-realize ko kasi (kung tama man yung realization ko), na kapag nagmamahal ang isang tao.. parang bigla nalang silang umiiba. Nagiging hindi sila.. sila.

Nalilimutan nila kung ano yung "tama" sa "mali" (Kung mayroon ngang tama at mali sa pag-ibig).

Ang gulo hindi ba? Pero.. tama ba ako?

Pero pakiramdam ko, tama ako.

Ang taong nagmamahal, nawawala sa wisyo.

Ang taong nagmamahal, nag-iiba. (could be in positive or negative way.)

Ang taong nagmamahal, mahirap intindihin. May sarili silang rules sa sarili nila. May mga pinaniniwalaan silang "tama" kahit ang hirap sabihin na "tama" yung paniniwala nila kasi sa point of view ng iba---tulad ko, eh "mali" yoon. Ewan. Hindi ko talaga alam at siguro'y wala nang balak pang alamin iyon.

Kayo? Anong sagot niyo? Kokontrahin niyo ba yoong sinabi ko?---este, naisip? O.. magkapareho tayo ng iniisip?

xxx

Huh?Where stories live. Discover now