Brianna POV
Bago ako umuwi dumaan muna ako sa grocery store bumili ng kailanganin sa bahay syempre kahit ganito ako katamad sa gawaing bahay,gusto ko parin tumulong and I love them so much than to my life.
Sumalubong sakin ang bunso kong kapatid ,yumuko ako sa kanya tsaka yumakap at humalik sa pisngi.
"Kumusta ang First Day of school ng Bunso namin hm?"Malambing kong sabi.
" Masaya ate! Hehehe"
"Talaga ? Baka naman pasaway ka ?" Tudyo ko
"HINDI Ah ,may star ako ate binigyan ako ni maam" Ipinakita sakin ang star malapit sa pulso niya nakalagay.
"Ang galing naman ng bunso namin dahil diyan ...." Sinalubong ko siya ng halik sabay kiliti.
"Ate hahaha tama na ,haha ate ,hahah" tawa niyang sabi .pero patuloy pa rin ako.
Bumaba na ang 3 ko pang kapatid.
"Ate buti dumating kana " Rhea isang taon ang tanda ko sa kanya.Ngumiti lang ako
"Kumusta ang unang araw sa klase ?Mga inday at toto?" Ako
"Nice !may pasalubong si Ate!" Jhon ang pangatlo saming magkakapatid 16 years old.
"Yehey!" ANGEL pang apat nasa 13 years old .At hinalukat ang dala kong pasalubong.
"Okay naman ate!masaya!" Rhea
"Ok lang ,marami naman nagkacrush sakin "john tsaka ng pogi sign.Tumawa ako.
"Oo ate!yung mga pangit at bungi sa school haja!"sabat ni Angel habang bibubuksan yung Piatos at hinablot ko sa kanya.Nagpout pa ng luka.Maghahapunan na kakain pa piatos.
" tumahimik ka diyan pangit!"Tsaka siya tinignan ng masama ni john.
"Sabi nung Bungi,Ngan ,pangingi naman ng ngumber mo,ngexmate ngayo hahaha"asar niya kay john at pangungu niyang kwento natawa naman ako.Makukulit talaga.
"Isa pa!" Pikon na sigaw nito at tumahimik na si angel . Napailing na lang ako sa mga asaran nito.
"Tama na yan" suway ko.
"Nasaan si Mama?" Tanong ko kay Rhea
"Hindi pa dumadating eh"rhea habang inaayos ang dala ko.Biglang Bumukas ang Pinto
" Ma ,buti dumating na kayo,may dala na akong Gamot at kakailanganin natin "Nakangiti kong sabi.
" Saan mo nakuha ang pinangbili mo diyan ana?"takang tanong ni mama na kakarating lang halatang pagid ito.
"Ma ,magpahinga muna kayo,Rhe,magluto kana ,John,bumili ka ng tubig papaubos na yung iinumin natin" ibinigay sa kanya ang pambili "at Angel,tulungan mo si ate Rhea mo" dugtong ko at nagsialis na sila.Habang si bunso nanood lang ng cartoon at naglalaro ng binili ko para sa kanya.Nakatayo pa rin si mama
"Sagutin mo ang tinatanong ko briana,saan mo nakuha?"mama
" May part time job na ako ma ,nasaan si papa?"pag iiba ko
"Dadating narin mamaya pinapaubos niya lang yung tinda ,nauna na ko ,para madala ko na dito ang kakainin natin ,Timing na rin nandito ka babalik pa ko doon" pagpapaliwanag niya
"Ah magpahinga na lang kayo ako na ang pupunta kay papa," nakangiti kong sabi
"Mabuti na kung ganun,pero anong trabaho iyon briana at napapansin ko pa noong isang gabi,malaki din yung perang dala mo?" Mama