Mae
Papunta kami ngayon sa paboritong tambayan ng babaeng yun .Bilib din ako sa babaeng yun madaling kausap ng palabasin siya ng proff.Lihim kaming napatawa sa ginawa niya kanina.Nganga kasi yung proff kung di pa siya sinabihan ng kaklase namin malaman tulo na laway nun.
Malapit na kami pero naphinto kami ng may kayakap siyang babae.Tigalgal kami
"Ahm Girls naisip niyo ba ang naisip ko?" Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanila.Naramdaman ko na lang may bumatok sa kin
"Aray naman Ann!ang sakit makabatok to oh!" Pagrereklamo ko
"Puro ka kasi kalokohan"Sumabat na si marie
" sorry po nagjojoke lang!tara na nga"ako tsaka mabilis na tinungo kung saan si briana.Hindi nila kami napansin .
"Hmmm" ako yung.nakarkong kilay ng makita ko kung sino kasama niya.Kasama ito ng bruha ng school teka paanong??
"Hi Guysss" nakangiti sabi nito sa amin....mukhang nabasa niya ang mukha naming nagtatanong
"This is ---" "I know she's one of julalay ng bruha ng school ,bakt mo siya kasama?bakit siya nandito ?bakit mo siya ka--aray naman!" Bumatok na naman ngayon si marie naman.Tinignan niya ko ng masama .Ano bang kasalanan ko at lagi akong may batok?huhuhu
"Tumahimik ka muna mae,Nag sasalita pa nga si briana" Marie
"Explain " maikling sabi ni ann nakaarko pa rin ang kilay.Wow!ang pangit niya--"aray,p--"binatukan na naman ako ulit.Narinig ko ang tawa ng kasama ni kristy at sinamaan ko ito ng tingin .Di kami close no pero nginitian niya lang ako . "ano na naman kasalan ko ann?nakadalawa ka na --mali tatlo kasama na yung kanina!" Singhal ko.
"Ikaw kasi ,basa na kita,Pangit ako ?ha?ha? At isa pang rinig ko badwords" Siya.Mind reader mindan kasi ito tsk."nagkakamali ka?!minsan mali rin ang basa mo sa utak ko,Maganda ka kaya,MAGANDA"pagdidiin ko.Syempre joke lang .Ako lang ang maganda
"Then Good" naniwala naman.Whaha.
"Oh ano na?" Marie na halatang nababagot sa kahintay ng explaination ng isa.
"Pwede ba umupo muna kayo" briana. at Umupo na kami nakacircle form kami total nakajeans kaya comportable kaming nakaupo.Katabi ni briana ako kasunod ko si ann ,Sunod si marie which mean katabi niya si sino nga to..??
"By the way guys this is Selena,pamilyar kayo sa kanya diba.Ahmm...She's my ........Childhood BESTFRIEND" pagpapakilala niya.
"Whaatttt?" Chorus naming tatlo.Hindi kasi kami makapaniwala eh isa to sa mga bully eh..Teka?paanong naging bestfriend niya to?never ko pa silang nakita.Tinignan ko ang dalawang bruha .Alam kong ganun din ang nasa isip nila.
"Paano kami naging bestfriend?Narinig niyo naman Childhood,it means bata pa lang kam--" selena
"Alam ko ang ibig ng childhood tsaka hindi ikaw dng tinatanong namin" mataray na sabi ni ann.Haha.Tumahimik siya
"Guys tahimik muna please its a long story eh di ko alam kun saan sisimula" brianna
"Edi simulan mo sa simula ,Duhh" marie
"Oo na .kalma okay?" Briana .Bumuntong hininga siya at tinignan si Selena at napunta sa amin.
Brinna
Ang hirap naman magexplain.Ayokong sabihin lahat sa kanila para narin sa safety nila.Ayokong pati sila madamay lalo na nagparamdam na ang mga yun
"Ganito kasi yun inshort ways.Nagkakilala noong 8 years old ako at 9 naman siya.Naging magkalaro kami sa playground .After 3 years habang naglalakad kami sa plaza ,May biglang kumuha kay selena at pinasok sa van hinabol ko sila pero dahil bata pa ako at mahina hindi ko na sila nahabol .iyak ako ng iyak noon sa bahay.Pero pinatuloy ko lang ang pagaaral then after for 7 years nagkita kami dito sa school dahil sa galit at tampo ko hindi ko siya pinansin at ayun kung bakit ngayon lang kami nagkabati" syet!pati ako nagsisinungaling sa mga kaibigan ko.Patawad guys.I loved you all .Tumingin ako kay selena na nakakunot ang noo.Alam kong oati siya di makapaniwala sa kasinungalingan ko.Tinignan ko ang tatlong kong kaibigan bakas sa mukha nila ang gulat at di makapaniwala.