TTWCT CHAPTER 1

34 3 3
                                    

Update: 1189 words
___________________________________________

Max's POV

Riiinngggggggg!!!

Hayy!! Buti naman at tapos na ang last subject namin.
Konti na lang maloloka na ako chos XD!!

Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ng room.

"MAAAAAX!!!"

Uh-oh. Ayan nanaman sila.
Nakita ko sila Alex na tumatakbo papunta saakin.

Mabilis akong nag iba ng daan at kumaripos kaagad ng takbo dahil baka maabutan pa nila ako.

"OYY MAX!! MAY LABAN PA TAYO!! WAG KA NG TUMAKAS ULIT!!" Sigaw naman ni Marco na hinahabol na ako kasama yung iba.

"SABING AYAW KONG SUMALI SA LARO NIYO EHH!! LUBAYAN NIYO AKO!!!" sigaw ko tsaka tumakbo ng sobrang bilis. Dahil nga sa babae ako at lalaki sila, nahuli nila ako (>_<) kelan ba nila maiintindihan ang pinagkaiba ng gusto sa ayaw?!

"At saan mo naman balak pumunta??" Sa planetang wala kayo Kevin! Sa planetang wala kayo!!. Ngumiti ng nakakaloko si Kevin at tumingin saakin. Agad naman nila ako hinawakan sa magkabilang braso at yung iba naman ay sa may binti ko.

"Waaaaahhhhh!! Bitawan niyo ako!! Ayaw ko ngang sumali ehh!!!" Sigaw ko at nag papadyak padyak mabitawan lang nila. Yung mga dumadaan ay napapatingin saakin at nag bubulong bulungan.

Taktee!! Ayaw kong gumawa nang eksena rito kaya bitawan niyo na ako (>~<)\\!!

Mukha atang nabasa si Alex ang laman ng utak ko kaya lumapit siya saakin sabay sabing-- "Too late! Nahuli ka na namin," natatawang sabi nila Alex at nag simula ng mag lakad kasama
ako.

Mukha akong baliw na nakalabas sa asylum sa itsura ko ngayon kaya sumimangot na lang ako at hindi na lumaban dahil alam kong wala naman talaga akong laban sa mga mokong na ito ehh (=____=*)

--court--

Pagkarating namin ng court, nakita kong puno nanaman ang bleachers at marami nanaman ang nag sisitilian nung nakapasok kami ng court.

Bale nahati ang bleachers namin. Sa may part kung nasaan ang kabilang court, duon nakaupo ang taga ibang school habang sa isang parte naman ay galing sa school namin. Dami talaga supporters dito hahaha XD.

"Ano nahuli niyo na ba siya??" Tanong ni coach at tumingin kila alex. Coach! Hindi ako aso!! Yan ang gusto kong sabihin pero mas masarap manahimik kaya go lang ng go! Tsss!. Tumango naman habang tumatawa si kevin at tinuro ako.

"Ito siya coach! Grabe coach! Ang hirap niyan habulin!!" Umismid na lang ako at binigyan ng masamang tingin si kevin. 'Mahirap your face!!' Tumawa na lang si kevin sa ginawa ko.

"O siya! Bitawan niyo na iyan at may laban pa tayo" sabi ni coach at tinuro gamit ang nguso ang team na nasa kabilang court na nakatingin lang sa amin.

Nagningning naman kaagad ang mata ko kaya--- "NO MAX!! Duon sa locker room ang punta mo! HINDI SA BLEACHERS!!" Akmang uupo na ako ehhh....

"COAAACH!! I DON'T WANNA!!" sigaw ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni coach na naging dahilan ng pag tango ko.
"Sabi ko nga mag lalaro na"

Kaya binitawan na nila ako at tinulak kaagad papunta sa locker room kung saan ako mag papalit.

___

Pagkatapos kong mag palit ay lumabas kaagad ako at pumuwesto kasama ang mga kasama ko. Tinignan ko naman ang mga nasa kabilang court at nakita ko silang nakatingin lang saakin at nag smirk.

Heck!! Ako lang ba? O talaga namang mapanglait ang mga tingin nila? Tsk! Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng naglalaro rin ng basketball?? Poor poor *smirk*

Tinignan ko sila ng seriyoso at kumindat. Yung isa naman parang natuwa sa ginawa ko pero wala na akong pake. Tsk boys. Let the game begin *evil smile*.

____

Ni gather kami ni coach at kinausap.

"So kalaban natin ang Alpha Academy. Sila ang isa sa may magagaling na manlalaro sa basketball kaya kailangan natin galingan upang makapasok sa finals" sabi ni coach na naging dahilan ng pagkagulat ko. Akala ko weakling sila tsk, di bale! Ayos na rin ito! Hahaha

"Eh coach kahit naman matalo tayo, meron pa rin tayong chance na makapasok sa finals kung mananalo tayo sa susunod nating laban" mahabang pahayag ni Marco na naging dahilan nang pagtango naming lahat.

"Wag kayo magpakasigurado. Mas makabubuti nang manalo tayo ngayon kaysa sa hintayin pa natin ang susunod nating laban upang manalo" coach

"Coach is right, team. Hahayaan na lang ba nating matalo tayo at malay niyo, matalo rin tayo sa susunod na game.. papayag ba kayo??" Pag sang ayon ni team captain nila kaya napatango na muli ang lahat.

"First five natin si Max, Carl, Marco, Kevin at Alex. So bring your game faces on, enjoy and win the game" dagdag ni coach at sinenyasan niya kaming pumunta na sa puwesto namin. Determinado naman kaming tumango at pumunta na sa puwesto namin.

Tumingin naman ako sa mga kalaban namin. Hmm matatangkad sila ahh. Siguro mga nasa balikat nila ako pero wala na akong pake. Pero ayos lang! Ipapakita namin kung gaano kami kagaling.

Tinignan ko naman ang iba pa nilang ka team at naramdaman kong may nakatingin saakin. Lumingon ako at nakita ko ang isang lalaki na deretso lang nakatingin at seriyosong nakatingin saakin. Pumunta siya sa harap ko at tumawa.

"Babae?? Mukhang mapapadali ang laro namin ng dahil sayo ahh??" Payabang na sabi niya na naging dahilan upang kumulo ang dugo ko. Masama ko siyang tinignan at nag smirk.

"Oo. Babae. But watch your words *smirk* wag kang maniguradong mananalo kayo ng dahil sa babae ako mister. Malay mo, ako pala maging dahilan ng pagkatalo ninyo" naka cross-arms kong sabi at tumingin sa kanya ng masama.

Tinaas niya ang isang kilay niya at sinuri uli ako mula ulo hanggang paa. "We'll see" sabi niya at umalis na.

"Yabang ni Max namin ahh??" Tumatawang sabi ni Kevin at inakbayan ako. Mabilis ko namang tinanggal ang pagkakaakbay niya at sinamaan siya ng tingin.

"Wooaah! Easy dude!" Natatawa na lang sabi ni kevin at tinaas ang kamay na parang nag susurrender.

"Wala ehh!! Minaliit niya ang isang tulad ko! Hindi porket babae ako, hindi na ako marunong mag basketball!! Tsk" Pagmamaktol ko na naging dahilan ng pag iling nila sabay tawa.

"Kakaiba ka talaga" sabi na lang ni Marco at pumuwesto na. Pumuwesto na rin kami sa aming puwesto at nag ready.

"PRRRTTTT" pito ng referee simbolo na simula na ng laro.

Let the game begin *smirk*. Pero sana manalo kami. Lalong lalo na at magagaling ang makakalaban namin hayyss..

Hmm.. lets see kung sino mananalo sa next chapt
___________________

A/N!!

Sorry kung pangit yung update huhu.. pag ayaw niyo ng story about basketball, okay lang saakin ^_^ pupuwede niyo po tanggalin ang story ko sa library niyo kung yun ang ikasasaya ninyo hehe..

Sa lahat ng gusto pang ipagpatuloy ang storiya ko, MARAMING SALAMAT PO. Sana po ipagpatuloy niyo lang po iyan at samahan si Max sa kanyang journey to forever hehe jk.

Uulitin ko po, sa mga ayaw po ng story na ito, pupuwede niyo na pong tanggalin sa mga library ninyo. Thankyou po!!

Friendly po ako kaya message niyo na lang ako kung may suggestion kayo. I need your help actually, first time ko lang kasi ito kaya... bare with mehhh kapamilya wahahah

So VOTE and COMMENT thanksss

Xoxo *author*

That Thing We Call Tadhana (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon