(C) That Thing We Call Tadhana chapt. 6
Please vote and comment! Kamsahamnidaaa!! {^_^}
___________________________________________________________________TLE ROOM
Max's POV:
Nandito kami ngayon sa TLE room at nag luluto. Ang assigned recipe saamin ay menudo at meron din kaming assigned tables each group.
"Ano ba Bianca! Hindi ganyan kung paano maghiwa ng carrots!!"
"Harold!! Ano ba ginagawa mo?!"
"Ano ba! Marunong ba talaga kayo mag luto??"
Kanina pa kami nandito pero puro ganyan ang maririnig mo sa grupo namin. Tinignan ko ang nasa kabilang grupo at kaagad na nanlumo dahil karamihan sa kanila, patapos na. Kami gagawa pa lang!!
Ay jusmiyong marimar!!
"Ako na nga!! Ganito kasi mag hiwa ng carrots!" pag aagaw ko ng kutsilyo kay Bianca at pinakita sa kanya kung papaano mag hiwa ng carrots. Ginaya niya naman ito at mabuti at nakasunod naman (=___=)
"Ayy langya!! Marunong ka naman pala Max ehh! Kanina pa kami gumagawa dito, ikaw nakatunganga ka lang diyan kanina! Tapos marun---" I cut her off immediately.
"Oo na oo na! Ehh kung magluto na lang kaya muna tayo bago mo ako pagalitan?" I glared at her kaya kaagad siyang tumango.
Tinuro ko na rin kay Harold kung papaano tanggalin sa mabilis na paraan ang balat ng bawang at sinimulan ko ng lutuin ang menudo.
Tumutulong din naman saakin ang iba ng bigla na lang nawalan ng gas.
"Halaaa!! Ma'am! Nawalan kami ng gas!"sigaw ng isa pa naming kagrupo. Kaagad namang lumapit saamin si ma'am.
"Ayy bakit naman kayo mawawalan ng gas?? O sige, Max puntahan mo nga yung maintenance at papuntahin mo dito" kaagad naman akong tumango sa utos ni ma'am at aalis na sana ng makita ko yung carrots.
(=______=*) tch!! Jusmiyong marimar!! Bakit ang liliit nung hiwa sa may ibabaw?! Papagalitan ko na sana si Bianca kaso naisip ko na mamaya na lang at kakainin ko na lang ang maliliit para di sayang.
Diba mabait ako? HAHA kakainin ko tohh \\(^__^)//
Linagay ko ang maliliit na hiwa ng carrots sa kamay ko at nag simula ng lumabas ng kitchen. Habang kinakain ko ang carrots, nakita ako ng isa sa mga kaklase ko.
"Huy Max! Saan ang punta natin?"
"Maintenance" Maikli kong sagot at dumeretso na sa maintenance room. Kaagad ko namang ipinaalam sa kanila na kailangan sila sa TLE room at umalis na.
Habang papabalik ako, nakasalubong ko ang principal namin na may kasamang lalaki na ngayon ko lang nakita.
"Good morning po!" Pagbigay galang ko at ngumiti. Oh diba! Ang bait ko talaga HAHA!
"Ikaw pala iyan Max! Pupuntahan sana kita sa klase mo dahil may kailangan tayong pag usapan." literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ma'am at napuno ng pagtataka ang mga mata ko.
"Hala ma'am! Naging mabuti naman akong bata! Bakit mo po ako pinapatawag?" Halos mataranta na ako kaya di na napigilan nila ma'am at nung kasama niyang lalaki na matawa.
"Basta sumama ka na lang saamin" utos niya kaya ng mag simula na silang mag lakad, tahimik lang akong sumunod na may payuko-yuko pang nalalaman. Mukha tuloy akong may malaking kasalanang nagawa (T___T)
Tch!! Nag report ba yung kahapon about saakin?! Tsss mga chismoso at sumbongero naman pala ng mga yun! Ohh baka naman may nagawa akong kasalanan na hindi ko lang alam?!---
Naputol na lang ang pag iisip ko ng makarating kami sa office ni Ma'am. Umupo kaagad si Ma'am sa likod ng table niya habang kami naman ng lalaki, magkaharap na umupo sa harap niya.
"Okay Max--" for the second time, may pinutol nanaman akong salita.
"Ma'am sure po ba kayong wala akong ginawang kasalanan??"
Mukha atang nainis si ms principal sa pag putol ko sa sasabihin niya kaya napayuko na lang ako sa kahihiyan.
"As you can see. I'm with Mr. Warmientino, the principal of the Alpha Academy.."
Nagulat ako ng banggitin ni Ms Principal ang Alpha University kaya napuno nanaman ng pagtataka ang ulo ko kaya nakinig na muna ako kay ms principal sa mga susunod niyang sasabihin.
"..and congratulations!! Ikaw ang napiling exchange student from the Muztan Academy!" Tuwang tuwang sabi ni Ms Principal pero kaagad naman akong tumutol.
"Pero ma'am! Bakit po ako?"
"As you can see, you are one of the top students here in Muztan Academy and you are the only chance kasi lahat ng nasabihan namin ay nag back-out" bigla naman ako nanlumo sa narinig ko.
"Ma'am puwede rin po ba mag back -out?" I asked her but she shook her head in response.
Nalungkot ako kasi Muztan Academy is where my second home and my second family is. Hindi ko kayang iwan na lang ito.
"I'm sorry Max. Well anyway.. ngayon na pala ang pag transfer ng exchange student. At ngayon na rin ang date ng pag transfer mo. Don't worry, everything's in order"
Ang sabi pa ni Ms Principal ay kaya naririto si Mr. Warmientino ay dahil sa susunduin niya ako papunta Alpha Academy.
"Don't worry. We already informed this to your mother and she gladly grabs the opportunity"
So ayun na. The next thing I know, nasa loob na ako ng kotse ni Mr. Warmientino.
"I'll assure you. Magugustuhan mo ang school namin" nakangiting pahayag ni Mr. Warmientino so I smiled back and turn my attention at my side.
Sana di ko sila makitaaaaa (T_____T)
_______________________________________Hi? Hehehe please vote and comment!!! {{(^______^)}}
![](https://img.wattpad.com/cover/76625557-288-k536472.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing We Call Tadhana (On-Hold)
Romance[[Sorry po sa cover photo ><.. wala pa po ako mapili ehh hehe]] WARNING!!! This book is KIND OF related to basketball kaya kung ayaw niyo basahin ang mga book na related sa basketball (especially pag babae ang nagbabasketball) , okay lang po s...