TGR#64

413 24 3
                                    


JIYEON'S POV


I can't believe this. 


He really did it. 


I thought he is just joking that time.


Lee Byunghun, why?


"Totoo ba 'tong nasa allkpop? Break na kayo ni LJoe?!" hindi makapaniwalang sabi ni Qri unnie. 


Nakatingin lang ako sa laptop ni Qri unnie. Nandito kaming lahat sa may kitchen table at nagulat ako nang tinawag nila ako. 


(BREAKING!!!!!) 

TEEN TOP'S LJOE AND T-ARA'S PARK JIYEON REPORTEDLY BREAK UP AFTER ONE YEAR OF DATING


Natulala ako after kong mabasa yung headline ng article. Gusto kong tumawa dahil wala akong ka-alam-alam dito. Parang nung isang araw lang iniisip ko pa na baka nagbibiro lang si LJoe nung araw na 'yon but this article proves it. He really broke up with me. 


Hindi ko pinansin yung pagtawag ng mga unnies ko ng pangalan ko at umakyat ako sa kwarto. Nilock ko yung pinto bago ko nilapitan yung cellphone kong nasa may kama. Mabilis kong hinanap yung caller ID ni LJoe at tinawagan ko siya. Puro ring lang hanggang sa nag-beep na, mukhang pinatayan niya ko ng tawag.


Napaupo ako sa may kama at habang nakatitig ako sa cellphone ko hindi ko namalayan na napahiga na pala ako. Tinaas ko yung kamay ko at tinignan ko yung cellphone ko na sinusubukan pa ding tawgaan si LJoe hanggang sa makita ko na naman yung "end call" he rejected my call again. 


Tinakpan ko ng kaliwang braso ko yung mga mata ko. I'm not crying but I feel so lost. 


Nagulat ako nang biglang magring yung cellphone ko, I sit up again and look at it. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang caller ID ni Mama. Oh my god, anong gagawin ko? Anong sasabihin ko sakanya? For sure, magagalit siya sakin. For sure, ako ang sisisihin niya. Kung kanina hindi ako naiiyak, ngayon naman sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nararamdaman ko rin ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. 


Nakahinga ako kahit papaano nang tumigil sa pagtunog yung cellphone ko. I'm sure she will call me again later. I don't know what do say if that happens. Bakit biglaan naman? Bakit hindi ako sinabihan ni LJoe? Oo, sinabi niyang magbreak na kami nung anniversary dapat namin pero I didn't take it seriously. I never thought that he is serious that time because after that we really have fun playing with his new dog. 


Kinalas ko yung battery ng cellphone ko at saka ako humiga sa kama. I should be happy, right? Kasi eto na yung katapusan ng pangloloko ko sa lahat. This is the end of using LJoe to protect myself. If I can just be brave and tell Mama everything wala na sanang problema. Pero kahit ilang taon na ang lumipas, I'm still weak, takot pa rin ako sakanya. 


How old am I already? Bakit hanggang ngayon hindi ko pa kayang ipaglaban ang gusto ko?


They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon