Chapter 5

5 1 1
                                    

-5-

I decided to get out of the library at iniwan si Grey sa loob. Dahil sa nakita niya, parang hindi siya makahinga.

Naiinis at na naaasar ako! Napaka womanizer niya! Parang kahapon ako lang kahalikan niya and then now, iba naman? Argh! Parang gusto ko manuntok dahil sa frustration. Ang lakas pa niyang mag iwan ng kiss mark?! Hayop na yun! 

Nagulat na lang ako ng  bigla nag ring ang cellphone ko tumatawag sa akin si Grey.

"Where the hell are you?! Bakit bigla ka na lang nang iwan?!" Bungad nito sa kanya.

"Hello din!" Sarcasm na sabi niya rito.

"Not funny. Bakit ka lumabas agad di mo man lang ako tinawag?" Mahinahon na sabi ni Grey.

"Sorry. Dito pa lang naman ako sa hagdan hintayin kita rito. Bilisan mo. Sumisikip kasi and dibdib ko."

"Are you okay? I'm on my way. Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Pag-aalalang tanong nito.

"No, I'm fine. Thanks." Tinapos ko na tawag at naupo.

Sa totoo lang wala naman akong pakialam dapat sa nakita ko. Sino ba ako sa kanya? Isa lang naman akong hamak na may gusto sa kanya.

Pero hindi ko magawang hindi malungkot at ma-disappoint sa kanya dahil sa mga nakikita ko lalo lang niya pinapakita na totoo ang sinabi ng ilan. Na pinapaikot niya lang ang mga babae sa palad niya. Kapag nakuha na niya ang gusto niya iiwan ka na nito, na parang basura na walang ng silbi at pakialam. Hindi siya naniniwala nuon dahil hindi pa niya ito nahuhuli pero nitong mga nakaraan araw, para hindi malabong totoo ang mga sinasabi ng ilan tungkol rito.

Pero sa loob niya, may konting porsyento na naniniwalang mali ang mga ito

Napabuntong hininga na lamang ito. Maya maya pa ay dumating na si Grey at sabay na kaming pumunta sa next class namin. Naglalakad na kami ng bigla itong nagsalita

"Oo nga pala, pinabibigay ni Black naiwan mo daw yung panyo mo." Sabay abot nito ng panyo niya.

Para akong naubusan ng dugo sa sinabi ni Grey. Pa-paanong niyang nalaman na kanya yun? Nakita ba siya nakasilip sa kanila? Malamang Oo dahil kung hindi paano niyang nalaman na kanya ito?

Parang gusto niyang sabunutan ang sarili. Masyado kasi siyang curious sa lahat ng bagay kaya tuloy ngayon parang gusto na niyang lamunin siya ng lupa.

Ano na lamang ang gagawin niya kapag nag krus ang landas nila?

Sinubukan niyang kalimutan na lang ang nangyari kanina. Gusto niyang mag focus na lang sa tinuturo ng prof niya pero maya't maya'y pumapasok sa isip niya ang eksena kanina. Hindi tuloy siya mapakali the whole time. Parang gusto niyang hugutin ang puso niya dahil sa sobrang kaba lalo na't kaklase niya ito mamaya.

Natapos ang dalawa niyang subject at lumabas na sila ni Grey para pumunta sa susunod nilang klase.

"Ayos ka lang ba? Para kang na tataeng ewan?" Sabi ni Grey rito.

Kung wala siyang iniisip baka natawa siya sa sinabi nito kaya nasuntok na lamang niya ito. Sa totoo lang baka mas worst pa sa sinabi nito ang itsura niya.

"Parang ayoko pumasok sa last subject namin. Boring ung prof namin na yun. Pwede bang maki sit-in sa inyo?"

"Hindi pwede strict ang prof namin na yun, alam niya kung sino talaga ang students niya. Hindi naman kasi katandaan yun kaya mas mabuting pumasok ka na lang. Tiisin mo na lang. Malapit pa naman na ang Midterm." Mahabang lintanya niyo.

"Ganun ba?"

"Okay ka lang ba talaga? May masakit ba sayo? Pansin ko lang kanina ka pa ganyan. Kanina tinitignan kita ang lalim ng iniisip mo."

"Ayos lang."

"Nagaalala lang naman ako sayo. Alam mo namang mahal kita." Sabay tawa nito ng malakas. Kinagat niya ito sa braso dahilan kung bakit napasigaw ito nag malakas. Napatingin tuloy sa kanila ang mga tao.

"Hindi ka naman mabiro!" Sabay himas nito sa brasong kinagat niya. Inirapan na lamang nita ito.
Maya maya pa ay nakarating na sila sa room kung saan siya hinahatid ni Grey. Nagpaalam na ito sa kanya at siya naman ay pumasok sa loob.

After 15 minutes dumating na ang prof nila. 20 minutes mula nag- umpisa ang klase hindi pa din dumadating si Black hanggang sa nag 30 at nag 45 minutes. Nakakahinga siya ng maluwag dahil may feeling siya na wala na sigurong balak pumasok si Black sa klase nila. Pero deep inside medyo malungkot siya dahil dito lang sila nagkakalapit.

Napahinto na lang silang lahat ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Black. Magulo ang buhok nito at gusot gusot ang damit. Overall, gwapo pa rin. (Lol.)

Umiling na lang ang prof namin at pinagpatuloy ang pagtuturo. Habang ako sobrang kinakabahan.

Mas lalo akong kinabahan nang may biglang humila pa atras sa upuan ako. Alam kong si Black yun at  wala akong balak lingunin siya baka mahimatay ako sa bilis ng tibok ng puso ko.

Pero mas lalo ang na gulat sa ginawa nito.





"White, baby." He whispered while kissing my ears down to my neck. Fvck.

Good girls- not my type.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon