Prologue

77 0 0
                                    

Koleen Changco

" So, Liabilities include Accounts and wages payable, accrued rent and taxes, trade debt, and short and long-term loans. Owners' equity is also termed a liability because it is an obligation of the company to its owners."

Para kong lumilipad sa langit habang tinitignan sya sa pagsasalita. Kabisado ko na nga ata bawat bukas at sara ng bibig nya.

"Huyyyy Babaeng may malapad na ngiti!"

ay Shemay. Kapagka naiistorbo nga naman ang Pangangarap mo oh. Lintek na kaibigan to.

Kasalukuyan akong nagde day dream ng guluhin ako sa pagkaka upo ng best friend ko.

"Tinatanong ka ni sir Dj."

"Huh? ano daw? Come again sir."

kita sa mata ni sir ang pagkadismaya dahil halata na hindi ako nakikinig sa kanya at lumilipad sa puso nya, ay este sa nguso nya, ay ano ba yan. Basta lumilipad sa kung saang lupalop ang utak ko.

"Ms. Changco, i said what is Credit and debit?"

Jusko. kahit pa muka syang naiinis e ang kisig padin nyang tignan. Bago pato mapunta kung saan pa man e sasagot na lang ako. Para nadin ma impress si Dj. Haha. Chaross lang

"Okay. Ehem. So credit An entry on the right-hand side of an account record in double entry bookkeeping. It has the effect of decreasing an asset or expense account, or of increasing a capital, liability, or revenue account.

while Debit, In double-entry bookkeeping, entry on the left-hand side of an account record. It has the effect of decreasing a capital, liability, or revenue account, or of increasing
an asset or expense account."

Nakakahingal yun a. pero Easy lang yun. Well, ganito talaga kapag nag aaral. Nagiging normal na yung mga nalalaman.

"Woah. I'm impressed Ms. Changco. Very good. Take a sit."

alright. 1 point! Iba talaga kapag maganda ka, plus matalino pa.

"Ang hangin naman. Grabe Lakass."

"Alam mo wala na nga akong sinasabi sayo, nakakapag react kana. Echusera ka ha."

"Bobita ka talaga, ako konsensya mo e. Kaya alam ko na yang mga entry mo sa utak kapag tungkol kay sir Dj. Pwera lang pag tungkol na sa Accounting, hirap ng kumonek."

"Blah Blah Blah. And dami mong sinsabi jan."

"Ang Kabogera ng taon. Ms. Koleen Changco. oh diba? Bagay na bagay."

Inilapat nya pa sa hangin ang mga kamay nya na parang may iginuguhit na kung ano sa hangin.

"At ikaw, Ms. Jasmin Cruz, Ang title mo ay.. wait. let me think. ah! i knew it. Ang Chikadora ng Taon plus Chismosa ng lahat ng pagkakataon."

"Haba friend. Iksian mo naman."

May sapak talaga sa utak tong bestfriend ko. I don't even know why am i still on her side rigjt now. But definitely, i'm happy. Though may pagka sira ulo tong bestfriend ko, nakakapag isip oa naman to ng matino at nabibigyan ako ng Matinong advice.

""Ms. Changco, Ms. Cruz? Did i interrupt both of you? Nakakaistorbo ba kami sa usapan nyo?"

Yun lang. May pagka Masungit lang talaga tong Professor ko
But nothing change. Crush ko padin sya.

"Were sorry Dj, ay Sir Dj. Dina mauulit."

Tumalikod na lang si Dj at nagsimula ulit magsulat sa board. Dahil parehong C ang Surname namin ni Jas, naging magkatabi kami sa Accounting. Kaya ayun, super daldalan kami lagi kahit nagkikita naman kami madalas.

*Kriiiiiiiiiiiingggggggg!

"Sa wakas! Naka survive din sa Accounting. Namatay nanaman ang utak ko for 3 hours. Tatlong oras Friend, Nakakaloka, to the highest maximum degree of my Hotness."

"Ahm, friend di kaya masyado ka nang nadala ng utak mo sa malayong lugar at nagde deliryo kana?"

Alas singko na ng hapon ng matapos ang last subject namin sa Class for this day. 3hrs nga ang Accounting at aaminin kong mahirap talaga ito lalo na para sa mga taong walang hilig dito. At isa nadun ang Bestfriend ko.

"Koleen, my bestfriend. Wag kang OA okay? Palibhasa pabor na pabor sayo ang mga ganito. Favorite mo Acctg, Plus crush mo pa nagtuturo, plus pogi nga naman si sir Dj, kaya inspired kang mag aral at makinig sa mga Debit, credit, whatsoever na yan."

"Alam mo ikaw! Konting konti na lang papasakan ko na ng kung anong matigas na bagay yang bunganga mo. Napaka daldal mo Jasmin."

"Too much information my friend. Saka? Bunganga talaga? Labi lang to friend. kissable kaya to. Look."

Ngumuso pa sa harapan ko si Jasmin at akmang hahalik sa akin pero pinigilan ko iyon at iniharang ang mga kamay ko sa mga Labi nya.

"Get out of my sight. Itabi mo yang Mala kweba mong bibig Jasmin."

"Sungit."

"Can we now go home now Jasmin, my friend."

"Yes Koleen, my friend. I'll ride on you alright, no buts no No's. Lets go."

"You always not giving me choices huh. You Talking brat."

And thats me, thats Us. Ganyan kami lagi ng bestfriend ko. Aso't pusa pero magkasundong magkasundo naman pagdating sa maraming bagay.

I'm Koleen Changco, and this is my life.

My Professor, My CrushWhere stories live. Discover now