Chapter 2: Success

7 0 0
                                    


Continuation......

Medyo matagal na kameng nakaupo at nanonood padin sa mga nag peperform sa stage.
Magagaling talaga sila at walang tulak kabigin ba. Hay nako sana talaga kahit papaano ay may mapala kame dito. Hindi naman sa pinagsisihan ko ang pagsali namin sa contest na ito dahil una palang ginusto naman namin to. Pero diba ang sarap sa feeling na bukod sa kagistuhan mo na sumayaw ng kpop eh manalo ka at may maipagmalaki ka kapag may makakaalam na sumasali kayo sa contest.

Medyo na bobored na ko kasi ang tagal naman matapos para malaman na kung sino ang nanalo eh. Biruin ba naman na '12 noon' kame dumating dito kasi sabi sa fb pag ng event na to 12 daw ang start pero nagstart naman talaga sila eh mga 3 na ng hapon kaya nakakaloka ah pero ok naman narin yun lasi makapagready kame at relax sa galing sa byahe namin. Medyo nasakit na yung tummy ko kasi mag 8 na pero di pa kame nakain. Hay nako ang layo kasi ng bilihan ng pagkain kaya halos lahat kame tinatamad kumain kahit gutuman na.
Tumingin ako sa paligid at napansin ko na ang mga kalaban namin sa contest eh yung iba di nanonood kasi nakipag picture-ran sila sa mga crush nila at kakilala nadin. Kaya naman since gusto ko rin makapagpapicture eh may naisip akong pwedeng gawin. 😈

(Lumapit ako kay mina na nakaupo at nanonood padin sabay sabi na) "Psst! Mina tara papicture tayo kina pogi oh shocks! Ang ang hahot nila eh mga mukha na talang korean-no kahit halata namang pilipino. 😍"

"Ano ka ba! Batang-bata mo pa ganyan ka makapang nasa ah. Nako Shanna iwas landi di pa bagay sayo. Macknei ka namin kaya mag behave ka lang dyan!"

"Ay! grabe sya oh sinabi ko lang na hot sila malandi na agad ako? Uunie nemen! Mensen leng te eh! Makisabay ka naman sakin picture lang di naman kagatan ih hihi"

"Nako wag ako ang kulitin mo Shanna kukitin mo din sina Britney. pag pumayag sila papayag na din ako. Syempre ano pa nga ba ang magaga ko kung oo din sila eh majority win eh. 😒"

"Ay! Kaloka talaga sya oh! Haha kunwari ka pa eh gusto mo din pala. Hmmm wait usod ka dyan ng konti bubwelo ako kina claire haha."

Lumapit ako kina claire at kinausap ko nga sila about sa picture picture na yun. Akala ko di sila papayag eh gusto din pala nila haha nahihiya lang pala sila na magyaya kaya buti nalang daw at nagyaya ako.

Nagpapicture na kame kung kani-kanino mapababae at palalaki na mamagaganda at pogi. Ang kulit pala pag nagpapicture ka kasi naakbay sila ihhh kinikilig tiligi iki hahaha 😂
Hindi naman kame nailang sa mga nang aakbay kasi wala naman silang lalo pangmamanyak ang datingan nila at pag kilis kaya keribels lang. 😁

Nang matapos na pagpapapicture namin kung kani-kanino eh natapos nadin ang mga sumayaw din sa stage at magtotal ang mga judges ay nagpunta na si Samantha na emcee ng kpop dance cover na ito at nagsalita na. Kaya back to reality! Ito nanaman kame, kinakabahan na excited.
Inannounce na ng emcee ang mga best best na ganito ganyan.
Pauwi na sana kame dahil kinuhan na namin ang bag namin pero napahinto kame nang sinabi ng emcee na '1st runner up and best EXO Cover Group is the K-Xolution!'
Sa gulat namin at tuwa ay basta nalang namin ibinato ang bag namin sa kinauupuan namin. Diresto kameng nagpunta sa stage para kuhanin ang trophy at certificate namin. Nagkaroon ng kaunting picture-ran tsaka pa kame bumaba ng stage.

"Thank you Lord! Finally! Nagkameron din tayo ng award kahit na di talaga tayo ang nag champion diba guys ok nadin naman kasi naka first naman tayo at may extra pang best EXO cover group! Imagine! May mga lalaki din nagcover ng EXO but tayo ang napili."
Tuwang-tuwa na pag kakasabi ni Ate Rina.

"Oo nga eh! worth it talaga ang mga paghihirap natin! Sana magtuloy tuloy na to. ☺"
- Ate Leida

"Sorry guys naging negative thinker ako ah."
- Britney

"Ako din sorry."
Sabay na sabi naman nina Mina at Claire

"Ano ba guys ok lang yan! Hindi din naman talaga natin maiiwasan na hindi panghinaan ng loob kaya natural lang yan. Basta ang mahalaga ngayon eh may napatunay na tayo. ☺
Kung nagawa natin ngayon na mag 1st runner up edi possible na maging Champion tayo in next cover dance contest na sasalihan natin. 😁
Kaya tama na ang drama kasi gutom na ako eh kain na tayo kahit saang past food sa labas at kainlangan na nating umuwi ngayon kasi 10:30 pm na mahihirapan na tayong magcommute nito eh."
Patawa kong sabi dahil kahit na super saya ko ngayon kasi worth it sa wakas ang lahat ng pagod namin di ko talaga idedeny pa na sobrang gutom na talaga ako at pagod kaya gusto ko ng kumain at magpahinga sa malabot kong kama

*~..~..~..~..~..~..~..~..~..~..~*

1:45 am na akong nakauwi sa bahay at ganon din ang mga kagrupo ko kasi nag sipag text-san na sila sakin at ganon din naman ako sa kanila. Hindi naman ako pinagalitan ni Mama kasi nagtext naman ako sa kanya at tinawagan naman sya ni Ate Rina nung nasabyahe pa kame pauwi.
Dumiresto na ako sa kwarto ko inilagay sa gilid ng study tabe ang bag ko at nagpalit ng damit na pangtulog.

Hayyy nakakapagod ang araw na to. But masasabi ko na isa din ito sa pinakamasyang nangyari sa buhay ko. ☺
Pumikit ako at para irelax ang mata ko at alalahanin ang nangyari kanina hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.


❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

👉Author's Moment ^_^👈

Hi guys wala pa po sa kalahati ito kumbaga nagsisula palang hehe but for sure nagtataka na po ang iba kung bakit parang hindi suit ang title sa nasaba nyo hehe. 😁
Kaya kung patuloy po nyong susubay-bayan ang story na to maiintindihan nyo din kung bakit ☺

Wala pong bayad ang kung gusto nyong mag comment at mag vote ❤

Thank you po sa mga nag basa at magpapatuloy sa pagbasa 😘
God bless po

I'm only His One Night Stand (On going)Where stories live. Discover now