Shanna's POV
"Hoy babae! Tanghali na! Gumising kana dyan! May general cleaning tayo ngayon! Kaya bumangon kana bago pa kita makaladkad sa pababa ng kama mo!" Sigaw ni Kuya Nathan sa tapat talaga ng tenga ko.
"Ano ba kuya! Ang aga pa kaya! Istorbo ka naman eh! Magkikiss na kame ni Yook Sungjae sa panaginip ko umepal ka naman!" Malakas na sigaw ko kay kuya na may halong pagka antok pa sabay takit ng kumot sa ulunan ko.
"Aba! Malandi ka talaga! Ang bata bata ko pa ang dami mo ng lalaki! Diba may Kai kana? Tapos sasabihin mo ngayon Yook Sungjae naman?! Ang papangit naman ng pangalan nun pangalan pang aso eh! Sasabihin na talaga kita kay mama na madami kang lalaki! Dinaig mo pa ako ah. Kaya tumayo kana dyan kung ayaw mong hilahin talaga kita dyan sa hinihigaan mo."
Hindi ko pinansin si Kuya Nathan kahit sobrang ingay nya pa. Shocks! Kahit kelan talaga ang daldal nya!
Medyo matagal kong pinapakiramdaman si kuya habang nakapikit parin ako dahil sa antok. Medyo dumapa ako habang nakatakip padin ng kumot ang buong katawan ko ng biglang may humawak ng paa ko sabay hila pababa sa kama kaya napasigaw ako sa sobrang gulat."Waaaaaah! Aray ko kuya! Sige na. Panalo kana. Tatayo na ako!!" >_<
Malapit na akong malaglag sa kama kasi konti na sa kalahati ay malalag na ako. Buti nalang binitawan ako ni kuya."Tsk! Babangon ka din naman pala gusto mo tinatakot ka pa. Bumaba kana at mag breakfast para makapaglinis na tayo at maagang matapos para makapagsimba nadin tayo."
Sabi ni Kuya Nathan sabay labas sa kwarto ko.Pagkalabas ni kuya ay tumayo na rin ako deretso sa cr naghilamos nag ayos ng buhok at bumaba narin para kumain ng agahan.
Nang matapos na akong kumain ay hinugasan ko na ang mga pinagkain at dumiretso sa sala kung saan nakita ko ang bunsong kong kapatid na si Solaris na nagwawalis at si mama na nagpupunas ng ibaibabaw. Si kuya naman ay nag kakatapos lang maglinis ng kwarto nya at dumiretso naman sya sa garahe para maglinis. Ako naman ay naglinis sa may kusina at kung saan saan pa.Hapon na kame natapos ng general cleaning namin sa bahay kaya naman nagpahinga na kame at nagmiryenda kasi mamaya ay magsisimba na kame.
Kinausap muna namin si papa sa skype bago kame umalis. Nagtatrabaho kasi sya sa Canada as a Technician.Mga 6:30 pm ay umalis na kame ng bahay para magsimba. 7 pa naman ang start ng misa kaya hindi naman kame malelate.
(Sa Simbahan...)
Nasa loob na kame ng simbahan at sa may bandang gitna kame umupo.
[Arrangement ng pagkakaupo namin sa mahabang upuan sa simbahan]
•=Kuya Nathan-Mama-Solaris-Ako-*Vacant space*=•Mag i-start na ang mass ng biglang may umupo sa upuan na inuupuan namin na bakante pa kaya pasimple akong tumungin sa gilid ko para tingnan kung sino at laking gulat ko na ang katabi ko ngayon ay si Jumiel! Kasama ang kanyang kapatid na si Emelyn at ang yaya nila na si Mang Nilya. Si Jumiel ay ultimate crush ko na halos nung kinder ko pa crush!
Alam ko na bata pa ako pero hindi naman siguro masamang magkaroon ng crush diba.Nakatingin sa harapan kung nasaan si father at nagsesermon ng word of God. Samantalang ako naman ay pasimpleng nakatingin parin sa kanya, grabe! kahit 17 palang sya pero mukha na talaga syang binata.😍
Matangkad sya na halos hanggang dibdib nya lang ata nya ako o balikat. Maputi na makinis, sakto lang ang pagkatangos ng ilong, mapipilatik ang kanyang pilik mata na may kasingkitan ang korte ng mata nya at ang kanyang labi ay may pagkamanipis na hugis puso pero sya ay medyo mapayat na masasabi kong keri naman kasi di naman nabawasan ang pagkapogi nya. Siguro nung umulan ng kapogian ay nasalabas tong lalaking to kaya madami ang nasalo nya.Napansin nya siguro na nakatingin ako sa kanya kahit na pasimple pa kaya tumingin sya sa gawi ko. Akala ko ay sisimangutan nya ako o kung ano pamang negative na naiisip ko kasi kahit na mukha syang anghel ay parang may pagkasuplado at maseryosohin ang kanyang dating.
Ngunit mali ang hinala ko sa kanya kasi nginitian nya ako ng saglit at tumingin na ulit sya sa harap. O to the M to the G! Grebe! Hende ke mekere ete! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko.
Sorry God if hindi ako nakafocus ngayon sayo. :(
Kasi naman po pinatabi nyo sakin si crush pero hindi naman po sa sinisisi ko kayo kasi wala po akong karapatan na gawin yun sa inyo pero God grebe po to ah medyo nakakaloka.Natauhan nalang ako sa mga kabulastugan na ginagawa at iniisip ko ng magsitayuan na ang mga tao dito sa simbahan at kakantahin ang 'Ama namin' na kanta. Naghawakhawak kaming pamilya ng kamay at nagulat ako ng hawakan ni Jumiel ang right hand ko. Nakaramdam ako ng milyon-milyong bultahe sa kamay ko kung saan hawak ni Jumiel. Hindi ako makapag concentrate sa kanya pero ginawa ko ang best ko na mag focus sa kanta at syempre sa misa. Nang matapos ang kanta ay nagbitawan na ang mga kamay at ang kamay namin ni Jumiel. Ganon pala ang feeling kapag nahawakan mo ang kamay ng crush mo noh bukod sa nakakaloka at nakakakilig eh may mararamdaman ka pala na milyon-milyong bultahe pero di naman nakakamatay haha.
Nagtuloy tuloy na ulit ang misa kaya naman nag focus na talaga ako at nakinig kay father.*~•••~•••~•••~•••~•••~•••~•••
Natapos na ang misa at lumabas na kame sa simbahan ngunit hindi parin maalis sa mga labi ko ang ngiti kaya naman hinarang ako ni Solaris kaya napahinto ako.
"Ate! Anyare sayo? Bakit kung makangiti ka eh ngiting hangang langit?" Inisonteng tanong sakin ng bunso kong kapatid na si Solaris
"Syempre nakatabi nya si Jumel ba yun? Kaya nagkakaganyan ang ate mo."
- Kuya Nathan"Kuya! Jumiel yun! Hindi Jomel. Hindi sya ang reason ko kung bakit ako nakangiti ngayon noh! Nakangiti ako kasi ano, ah-ahmmm... La-lagi tayong binebless ni God. Yun! Yun kung bakit ako nakangiti ngayon." Pigil na inis kong sabi kay kuya kasi ba naman! Ang lakas nya masyado eh! Lakas mang inis.
"Ahhh ganon pala naman kuya kaya pala nakangiti si ate noh. Now i know! 😁" Nakangising sabi ni bunso with matching hagod pa sa kanyang baba
"Oo nga bunson now i know nadin. hahaha"
- Kuya Nathan"He! Mama oh! Lagi nalang akong pinagtutulungan ni kuya at bunso oh!"
"Hala! Hindi naman ah..."
Sabay na sabi ng ni kuya at bunso."Hay nako mga anak tama na yan ah. kakagaling lang natin sa pagsisimba kaya dapat magkasundo sundo kayo at magmahalan. Hmmm tara sa jollibee doon nalang tayo mag diner kasi alam ko gutom na ang mga pogi at ang maganda kong anak."
Nakangiting sabi ni Mama.*~•••~•••~•••~•••~•••~•••*
Nakauwi na kame galing sa simbahan at sa jollibee kung saan kame kumain kasama ang family ko.
Dumiretso na ako sa kwarto ko, nagpalit ng damit at nahiga na sa kama. Hayyy ang sarap talaga sa pakiramdam na makapagsimba kahit na hindi naman talaga ako nakapag focus dahil kay Jumiel. Nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko ng bigla nalang may mga tanong na pumasok sa isip ko. Bakit kaya hindi nila kasama ang mama at papa nila? Bakit kaya yaya lang nila ang lagi nilang kasama? Hay nako shanna! wag ka ngang maraming tanong sa sarili mo. Lord sorry kanina and thanks ah kasi dahil sayo nakatabi ko at nahawakan ko si Jumiel. Sana maging friend ko manlang sya hihi. Parang ang daming nangyari sa araw na to ah sana lagi nalang ganito masaya. ☺
Kinikilig padin ako hanggang sa unti-unti ng bumibigat ang mga mata ko sa sobrang pagod at antok.👉Author's POV👈
Hi guys! Thank you sa patuloy na pagbabasa nyo 😘
Libre po ang mag Comment and Vote kaya wag na po kayong mahiya oy ✌😁
Thank you and love you all. God bless
YOU ARE READING
I'm only His One Night Stand (On going)
Genç KurguKaramihan sa mga nararamdaman ng isang tao ay pagkalito nito sa kanyang raramdaman lalo na't wala syang Assurance. Mahirap mag-assumed at mahirap din naman ang umasa lalo na kung sa huli ay baka ilaw lang din naman pala lamg ang masasaktan. Hindi la...