Chapter 1: " Danilo "

859 10 4
                                    

♪♫ Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako ... Hinahanap-hanap pag-ibig mo .... At kahit wala ka na .... Nangangarap at umaasa pa rin ako .... Muling makita ka at makasama ka ... Sa araw ng Pasko ♫♪

December 3, 2011

  * Umiiyak *

" Bes ! hindi ko na kaya to !! Ano bang ginawa ko ?! Minahal ko naman siya ng tapat ah ?! Pero bakit niya ako pinagpalit sa impaktang promdi na yon ? I really don't understand !!! Ang kapal niyang iwanan ako !! Magbabayad siya !!! GAGANTI AKO !!!!!!! "

" Bes, tama na .. hayaan mo na sila .. masamang gumaganti baka magkasala pa ng mas malaki"

Ako si Nika at kasalukuyan akong nagdadalamhati dahil sa pagbebreak namin ng boyfriend ko. Wag niyo ng Itanong kung bakit at baka mas lalo pa akong mabwiset ..  By the way ako nga pala si Nika Mae E. Mendez ,, just call me Niki ang panget kase ng first name ko .. Maganda, sexy, mayaman , SPOILED BRAT that's my summary ... Well I came from a very well known family here on our baryo .. hindi ko nga alam kung bakit ang beauty ko ay dito pa sa baryong ito napunta. Well my daddy is the Alkalde of this Baryo , while my mom Is the Konsehal here.. So overall kami lang naman ang pinakamayamang pamilya dito. Well , halos or sabihin na nating sa amin nakasalalay ang mga hanapbuhay ng tao dito .. nagtatrabaho kasi sila dito sa hacienda .. Si daddy well you can say that he's always spoiling me .. ayaw niya sa mga promdi  .. pero ewan ko ba kung bakit npagpapasensyahan niya yung mga trabahador niya .. Si mommy naman siya tlga ung tubo galing dito .. well .. maganda si mommy .. mabaet at mahal na mahal siya ng mga tao dito ..

Well back tayo dun sa iniiyakan , I'll make sure na pagbabayaran niya lahat ng ginawa niya !!! luluhod siya sa harap ko at marerealize niyang dapat hindi niya na ako iniwan !! makikita niya !!

 -----------------------------------------------------------------------------

Kinabukasan ...

*Pumasok sa Loob ng classroom *

" Hi bes !! musta na ? ang ganda ng araw noh ? hayy .. ano bang lesson natin ngayon ? " 

" oh bes ? ok ka na agad ? parang kahapon lang hagulgol ka ah ? " nga pala ito nga pala ang bestfriend kong si Minda .. well siya lang ata ang promding kasundo ko dito sa baryong ito .. well Fact siya lang naman ang valedictorian namin dito :D

" Alam mo bes , you need to learn how to forgive and forget " hahaha !!!! humanda ka sa akin Greg !!!

" Sus dami mong alam , forgive and forget pa nga ? alam kong wala yan sa diksyurnaryo mo .. "

" Alam mo bes, ganyan tlga ang buhay ,, kelangan nating magmove on .. hindi naman habangbuhay iikot lang kay Greg ang buhay ko diba ? "  hindi ako makakamove on hanggat di ako nakakaganti sa impakta at impaktong un !! magsisisi sila !!

" Sus , sige na ikaw na Love guru , speaking of andiyan na si Greg oh ! "

" Ay oo nga , wait lang ah .. maggugood morning lang ako , para di niya naman sabihing BITTER ako sa kanya " Humanda kang impakto ka !! akala mo kawalan ka sa buhay ko !!!

* lumapit kay Greg *

" Hi Greg ! Good Morning ! how's life ? " papahiyain kita ! humanda ka ..

" Eto ok lang, ikaw ba ? 

" Hmm , let me think yeah , yeah I'm good , but I'm better without you .. alam mo dapat pala akong magapasalamat sa bago mong girlfriend kase buti na lang pinulot niya yung basura sa harap ko :) "

" Bes ! Greg !  tama na yan ! " awat ni Minda sa aming dalawa ni greg

" Ok lang ako Minda , alam mo Niki dapat ka lang talagang magpasalamat sa bago kong girlfriend dahil kung hindi niya pinulot ang basurang tulad ko hindi mo maamoy yang masangsang mong ugali !!! "

* Sinampal*

" I hate you Greg !! for all these years na minahal kita ito lang ang igaganti mo sa akin ! magbabayad ka ! " sabay walk out ako ng bongang bonga ..

tumakbo ako ng malayong malayo sa room na iyon wala akong pakialam kung saan ako mapupunta basta ang mahalaga makalayo sa lugar na iyon, kay Greg , sa Sakit na nararamdaman ko ... paikot ikot, pagala gala , sa palengke , sa mall , sa park , sa plaza buong araw hindi ko alm kung saan ako mapapadpad hanggang sumapit na ang gabi ... Bumuhos ang isang katatakot takot na ulan na may kasamang kidlat at kulog .. humanap ako ng masisilungan at doon ko nakita ang simbahan ng aming baryo, ang simbahan ng San Martin ....

Pumasok ako sa loob madilim .. malamig .. nakakatakot dahil puno ito ng mga santong gawa sa kahoy at marmol ... umupo muna ako sa pinakalikod na upuan ng biglang may lumabas na tao sa harapan ng altar .. madilim kaya di ko siya makita .. lumapit siya sa akin at nagtanong ...

" Miss, ok ka lang ? basang basa ka ? heto panyo oh .. "

isang malaanghel na boses ang narinig ko mula sa lalaking nagbigay sa akin ng panyo itatanong ko na sana ang pangalan niya kaso ..

 " kuya !!!!! tawag ka na ni father !! bilisan mo daw "

umalis na siya .. kasabay ng pag alis niya ay tumila na ang ulan .. lumabas na ako sa simbahan at tumingala sa langit .. malinaw at kitang kita ko lahat ng mga bituing nagninining .. naalala ko na may hawak pala akong panyo ... puti, mabango, malambot at may nakaburdang pangalan ...

" DANILO S."

---------------------------------------------------------

sori natagalan .. next update po ay sa Tuesday :D ...

kindly VOTE, SPREAD, LIKE AND COMMENT !!! Tnx :D

- Song Hyun Kyung

Simbang Gabi ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon