>> 02 <<

7 0 0
                                    

>> 02 <<

''Mom. Stop it. I don't want to hear about that again,'' napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit. 

''But, Blake. Her family is one of the richest in our country! You should've accepted her marriage proposal. Tutal, you're already 18. Pwede ka nang magpakasal.'' pagpipilit ni Mom.

''For how many times do I have to tell you, Mom, na ayoko? A-YO-KO.'' I stood up and was about to leave my mom when I heard her say,

''Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal kayo ni Kyle.  And that's final. You can't do anything about it.'' anya sabay walk out.

Napahawak ako sa sentido ko. Mom's always forcing me to accept that freaking lunatic girl's marriage proposal. I already rejected her for how many freakin' times that I can't count, but she still keeps on insisting me. She even blackmailed me. But her tactics won't work on me.

Argh. Why does she have to be my Mom? She's annoying.

I wore a bright and cheerful smile and went to school.

> Mei's POV <

*Yawn

Argh, nakakaantok. Wala kasing teacher, eh. Absent. Ito namang mga classmates ko, ang ingay. Waa! Lord, help me. 

I'm a bipolar. Minsan, gusto ko maingay at masaya ang atmosphere, pero minsan naman, gusto ko tahimik lang at nag-iisa ako.

And I want to be alone right now.

Ang ingaaaaay. Ang sakit sa ulo. Tumayo ako. Pupunta na lang ako sa clinic. May bipolarity disorder na yata ako.

Habang naglalakad naman ako sa hallway papunta sa clinic, nakita ko na naman yung taong pinakaayaw kong makita. Fudge. Sa kamalas-malasan naman oh. Nakakainis.

Di ko na lang siya pinansin. Pero napansin kong parehas na naman ang direksyong tinatahak namin. 

Uwaaa. This can't be happening.

Pero.. ayun. Magkaparehas nga kami ng destinasyon. Sa clinic.

Humingi ako ng gamot sa sakit ng ulo. Siya din. Bakit ba pareho kami?

Tapos pumasok na kami dun sa isa pang room sa clinic. Kaso, malas na naman. 

Dalawa lang yung kama dun tapos wala pang kurtina. Di pa siguro napapalitan. Pero dahil masakit ulo ko, no choice, humiga na ko sa isa sa mga kama. Ganoon din ang ginawa niya. Pero sa kabila siya. 

Hindi pa rin kami nag iimikan. 

... Nakakailang ...

Tumalikod ako. Pero maya-maya, naramdaman kong parang may nakatingin naman sa likod ko kaya lumingon ako. Nakita kong nakatingin si Blake sakin habang balot na balot ng kumot.

''Anong tinitingin-tingin mo?'' sabi ko.

Umiling lang siya bago pumikit ng mariin. Pansin kong parang super pula ng mukha niya. Ano kaya nangyari?

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Syempre may awa pa rin ako, noh?

''Hoy, anong nangyayari sa'yo?'' nakapamewang na tanong ko.

''W-wala kang pakialam..'' halos pabulong na sabi niya. Aba't--!

Siya pa ang may ganang magtaray ehh mukha na siyang may sakit. Hinawakan ko ang noo niya. Pero agad ko ding binawi nang magmulat siya.

''M-may.. M-may lagnat ka! Umuwi ka na sa inyo.'' pakiramdam ko nilalagnat na din ako. What's happening to me?

''No! Ayokong umuwi!'' sigaw niya sabay talukbong ng kumot.

The Mischievous Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon