>> 04 <<
I cleared my throat.
Calm down. Baka masapak mo 'yan.
Kinulbit ko siya. Muntik ko na siyang mahampas nang bigla siyang humarap. Napasigaw lang ako.
''Fudge! Bakit ka biglang humaharap! Buwisit! Nakakagulat! Packing tape! Huhu..'' napahawak ako sa dibdib ko. Sa sobrang gulat ko, ang lakas ng tibok ng puso ko. Kaso, parang O.A naman yung pagkabog. Kailangan ko na nga yata talagang magpunta sa doktor.
''You poked me. Paano akong hindi haharap? Bobo mo.'' ani Blake at humarap na ulit sa binabasa niyang libro. Sinilip ko yung binabasa niya. Baka SPG yun.
Pero mystery novel pala binabasa niya.
Bakit nga ba nandito ako ngayon sa classrom?
Ganito kasi yun..
*FLASHBACK
Naiirita na 'ko sa dalawang 'to. Dito ba naman maglambingan sa harap ko? Tss.
Ito kasing si Amila. Niyaya-yaya ako kumain sa canteen kasama si Karl, tapos maglalampungan lang sila sa harap ko. OP much.
''Ayy, Mei, Mei..'' tinawag ako ni Karl.
''Ano?''
''May favor ako.''
''Ano?''
''Maggagawa tayo ng project mamaya.''
''O tapos?''
''Pakitawag naman si Blake.''
Nanlaki ang mga mata ko.
''Oh, bakit parang gulat na gulat ka dyan?'' si Amila.
''W-wala! B-bakit ba ako ang tatawag sa kanya? Dapat ikaw Amila! Ikaw ang ka-group niya ah! Dinadaya n'yo ko! Madaya kayo! madaya!''
''Oy, chillax. Bakit highblood ka agad?'' nakakunot ang noong tanong nio Amila. Tapos si Karl naman, parang tuwang-tuwa pa. Problema noon?
''Hoy, bess. Yang boyfriend mo, pagsabihan mo nga! Tatambangan ko sa kanto mamaya yan!'' tinuro ko si karl. Tinawanan lang nila ako. Bumuntong-hininga ako.
''Oh, sige na bessss... Tawagin mo si Blake. Doon tayo sa puno.'' sa punong tinambayan ko kahapon ang tinutukoy ni Amila. Tambayan naming mag-bestfriend yun eh.
Wala akong nagawa, kaya nagpunta ako sa classroom. Buti na lang nandoon si Blake. At nag-iisa siya. Mabuti na lang.
*PRESENT
Naka-cross arms ako habang nakatingin kay Blake na seryoso sa pagbabasa. Hindi ko napigilang suriin siya.
Aww fudge. Ang cute. Ang gwapo. Tapos matalino pa. Sikat pa. Friendly pa.
Napailing ako. Ano ba'ng mga pinag-iisip ko? Diba kaaway ko yan?
''Hoy Blake.'' tawag ko.
''Ano ba?'' naiinis na siya. Namewang ako.
''Tinatawag kita ng maayos ha!'' sabi ko. Tumingin siya sa akin.
Wala. Nakatingin lang siya.
Ako naman, nailang. Buwisit.
''A-ano?'' inis na tanong ko. Bakit ba ako nauutal? Ahh, baka dahil sa sobrang inis ko sa kanya. Nangangatal na siguro ako sa galit.
''Wala. Ano bang kailangan mo?'' sa paraan ng pagtingin niya, parang nababasa niya ang isip ko.
''Pinapatawag ka ni Amila. Doon sa puno kahapon. Dalian mo.'' ani ko at tumalikod na.
Naramdaman kong sumusunod siya. Napabuntong-hininga ako.

BINABASA MO ANG
The Mischievous Love Story
Roman pour AdolescentsGirl hates boy... Boy hates girl... But.. is it really 'HATE' they feel for each other? Or... they are only in denial of their feelings?