>> 03 <<

9 0 0
                                    

>> 03 <<

''Okay, class. May project tayo. By pair 'to okay? Since hati ang class natin sa saktong 10 girls and 10 boys, girls lang ang bubunot. Kung kaninong name ang mabunot ninyo, yun ang makaka-pair ninyo, maliwanag?'' sabi ng teacher namin.

Absent siya ng five days, tapos project agad ang bungad pagkapasok? Oh-Em-Gee.

Pumila na ang girls sa unahan. Panlima pa  'ko sa bubunot.

Nung time ko nang bubunot, nagdasal muna ako na sana hindi ko maka-group si Blake. And voila! 

Dininig ang panalangin ko. Tuwang-tuwang bumalik na ko sa kinauupuan ko.

''Okay, sabihin ninyo sa'kin isa-isa kung sinong nabunot ninyo. Andres,'' tinawag na isa-isa ang surname namin.

''Karl,'' sagot ko nung ako na ang tinawag. Tuwang-tuwa ako nun kaso biglang may umepal na classmate.

''Ma'am, may naulit pong pangalan sa bunutan.'' sabi nung kaklase kong nagtaas ng kamay.

Oo nga. May naulit nga. So ayun, nagbunutan ulit. Nakakainis naman ehh.

Pero si Karl ulit ang nabunot ko. Yay!

''Okay ganito, ang gagawin ninyo ay isang malaking storybox. Magtulungan, okay? Ayokong malaman na isa lang ang gumawa at ang isa ay tunganga lang. Part ito ng K-12 curriculum, at mas mataas ang grade ng project, okay?'' sabi ni teacher. Tapos ipinaliwanag nioya na kung paano gagawin. 

Pagkalabas nung teacher, lumapit sa'kin si Amila.

''Oy, palit tayo.. Huhu..'' sabi niya sakin sabay abot nung papel niya na nabunot.

''Bakit, sino bang partner mo?'' nakalimutan ko na boyfriend nga pala ng isang 'to si Karl.

''Si Blake,''

''Ayaw ko nga!'' react ko agad. No way, highway! Ayokong maka-partner yun noh!

''Bakit ba ayaw na ayaw mo kay Blake? Eh parehas naman kayong maingay at makulit? Di kayo magkasundo.'' sabi ni Amila. Napaisip din ako. Bakit nga ba?

''E-eh.. ewan! Ahh, basta. Ayoko sa kanya.'' umismid ako.

''Tsk. Naman si bess, oh. Sige na! Gusto ko makapartner si Boyfie.'' hala! Paiyak na si Bess.

''Tsk, ganito na lang.. sama-sama na lang tayong gagawa ng project, okay? Basta ayaw ko siyang kapartner.'' pumayag naman siya at tuwang tuwang umupo sa tabi ko. Buti na lang late ang teacher. Paalis alis na naman si Amila sa upuan.

Pero bumalik din ito sa upuan niya dahil dumating na ang teacher.

LUNCH BREAK

Nagpunta kami ni Amila sa canteen. Kaso punuan. Walang vacant seats. Kaya um-order na lang kami at kakain sa may puno sa field sa labas. 

''Ami !" may tumawag kay Amila. Si Karl. Hala, iwan na naman ako mag-isa.

''Karl,'' tawag din ni Amila kay Karl. 

''Sabay na tayo kumain,'' sabi ni Karl. Tapos bumaling siya sa'kin.

''Sabay ka na din sa'min, Mei.'' sabi ni Karl habang nanlalaki ang mga mata. Natatawa na lang ako. Halatang gusto niyang masolo si Amila. Close nama kami. Ako nga ang naging tulay dati para magkatuluyan sila, eh. Ang totorpe kasi.

Si Amila naman, hindi niya nakita ang reaksyon ni Karl dahil sakin siya nkatinign.

''Ahh, wag na, wag na. Okay lang. Kakain na lang ako mag-isa dito. Enjoy kayo,'' ani ko at kumaway pa sa kanila.

The Mischievous Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon