>> 01 <<

25 1 2
                                    

>> 01 <<

"Hahahahahaha,'' hindi ako makatigil sa pagtawa dahil sa ''Kill me Baby'' na 'to. Kakatawa eh. Hahaha.

''Tawa ka na naman ng tawa dyan, Mei. Manahimik ka nga,'' nagtakip ng tenga ang bestfriend kong si Amila.

''Haha, ehh nakakatawa eh. Paanong makakatahimik pa 'ko? Haha,'' sagot ko naman habang tutok pa din ang mata ko sa screen ng laptop ko.

''Shut up, Mei. Ang ingay mo. Parang walang tao dito eh, noh?'' biglang umepal 'tong Blake na 'to. Nakakainis.

''Parang hindi ka maingay ah. Eh mas malala ka pa nga sa'kin,'' nawalan na ko ng ganang manood ng anime.

"At least, may katuturan ang nalabas sa bibig ko. Eh ikaw, puro tawa lang. Kung hindi tawa, anime.'' may nahimigan akong inis sa boses niya. Pero, ano naman? Ehh inis din ako sa kanya.

 Isinara ko ang laptop ko at tumayo. Pupunta ako sa canteen. Iniwan ko sila doon.

Habang naglalakad sa hallway, naramdaman kong may sumusunod sa'kin. Baka si Amila 'to.

Lumingon ako. "Ami--''

Napasimangot ako nang makita ko si Blake sa likod ko. Psh. Buwisit. Itong engkantong 'to lang pala ang nasunod sa'kin.

''Bakit mo 'ko sinusundan?'' nakapameywang kong tanong sa kanya.

Sumimangot siya. ''Hindi kita sinusundan. Papunta ako sa canteen. Wag kang  assuming,'' anya sabay nilagpasan ako. 

Aba naman! Nakakainis talaga siya!

Pumapadyak na dumiretso na ko sa canteen. Maya-maya, may humarang sa akin.

''Mei !" sabi ng Student Council President na si Andrew. Psh. Basta na lang susulpot. Hindi porke gwapo ka ehh pagbibigyan na kita. Chos.

''Ano na naman pres?'' tanong ko. May iniabot siya sa'king papel.

"Paki-fill up-an yan. Ito, pakibigay naman sa classmates mo. Madami pa kasi akong gagawin.'' nag please-sign siya.

''Ano yan?'' may humablot sa papel na hawak ko.

''Oy--'' huh? Akala ko ba nasa canten 'to?

''Hoy! Akala ko ba nasa canteen ka?'' -ako

''Huh? A-ah, may naiwan ako sa room eh.'' kinuha niya yung mga papel sa kamay ko.

''Ako na magbibigay sa kanila. Baka di mo maibigay ng ayos eh,'' sabii niya saabay takbo palayo.

''Hoy! Teka!" hindi niya ko pinansin.

''Tsk,'' nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papuntang canteen.

Nakakainis talaga yung president na yun. Bakit ba hindi na lang siya ang magbigay? Buti na lang, di ko siya ka-section. Kung hindi, lagot siya sa'kin.

Tiningnan ko yung papel na binigay niya sa'kin. Yung natira sa kinuha ni Blake.

Aww, students' career form.

What the fudge? Eh next year pa kami ga-graduate ng Senior High, tapos pinapa fill-up an na sa amin ito? But, I'm already seventeen! Kailangan ko nang mag isip kung anong gusto kong carrer sa future.

Pero, mamaya ko na lang iisipin 'to. Kailangan ko nang kumain. Gutom na 'ko.

Habang kumakain ako sa canteen, may napansin akong tumigil sa harap ko.

Pagtingin ko, si Blake. Fudge. Bakit ba sulpot ng sulpot 'to? May lahing kabute ba siya? Nakakainis siya. Masakit siya sa mga mata.

''Oh bakit?'' medyo asar kong tanong.

''Wala. Uupo ako dito. Walang vacant seats.'' umupo siya at sinimangutan ako.

''Wag kang mag-assume ha. Wala lang bakante kaya dito ako nakaupo.'' sabi niya sabay kain niya. Napabuka ang bibig ko. Excuse me? Ako? Mag a assume? Tsk. Siya yata nag-a-assume eh.

Itinuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi na lang siya pinansin. Pero maya-maya may lintang lumapit sa' min.

''Hi Blake! Makikiupo, ha?'' iniusog niya ang isa pang upuan sa tabi ni Blake. As in dikit na dikit siya kay Blake,

Eto namang si Blake, walang pakialam. Argh! Naiinis na naman ako. Nakakabuwisit sila.

''Ah, Jane? Medyo lumayo ka sa'kin. Kasi, ang sikip. Di ako makakain,'' sabi ni Blake. Nag-pout naman si Jane. Yuck. Talanders talaga 'to. Kaya sikat siya bilang Girlfriend ng Bayan sa campus eh.

''Aww Blake, just let me stay like this, huh? Aww, you're so cute,'' pinisil niya yung dalawang pisngi ni Blake. 

Oo na, cute siya. Gwapo din. Pero nakakainis siya eh. Di ko alam kung bakit naiinis ako sa kanya pero nakakainis siya, period. Tinapos ko na ng madali ang pagkain ko para mawala na sila sa paningin ko. Nakakairita na eh.

-----------

may exam! aral mode muna TT^TT

The Mischievous Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon