Chapter 3- The Deal

509 6 0
                                    

Today is Thursday....at ngayon kami magkikita ulit ng Jake na yun hindi ko pa nga alam kung saang venue kami mag-uusap, para akong tanga mag-uusap lang naman kami hindi ko alam kung saan hindi naman ito date! tsk! kita mo nga puro girls ang friends ko, never pa nga ako ngkaroon ng friend

na lalaki as in yung super friends yung close na close na malapit ng maging best friend kasi mailap ako sa mga lalaki, nagkakaroon rin naman ako ng crush pero mostly celebrities kasi mapili ako hahahaha! Oo na maarte na! all of my suitors,I turn them down kasi nga ayoko ng commitment diba?

mahirap nga kasing pumasok sa isang relasyon, kunwari ikaw seryoso ka sakanya tapos siya hindi naman pala siya seryoso diba masakit yun? tska ang lalaki pare-parehas lang yan mga manloloko, ang bilis makapag palit ng gf akala mo damit lang ang mga babae na mamaya kapag ayaw na niya nung damit niya papalitan na niya.

Those are my reasons, actually I have million reasons kung bakit ayaw ko ng commitment at ayaw ko sa mga lalaki hindi ko na ikukwento muna kasi nga million diba? mahahabaan pa tayo hahahaha!

Cindy: Ley! tinatawag ka ni Mam

Ley: huh?

Cindy: tinatawag ka ni Mam!

Ms. Juarez! kanina pa kita tinatawag to come in front para sagutin yung nasa board ano ba iniisip mo?!

Ley: Mam, sorry po

Cheska: hay naku! hayaan mo mamaya mag ba-bar tayo ulit tutulungan na kitang mag hanap ng bo---

Ley: sige banggitin mo pa!

tapos naglakad na ako papuntang board para sagutin yung pinapasagot nitong prof namin sa Trigo, graduating na nga ako may Trigo pa! bwisit!! 

buti nga hindi naman ako masyadong tangga sa math ang pinaka tangga samin si Cheska hahaha! kapag tinanong mo yan wala talaga yan alam, pero kapag tinanong mo yan tungkol sa fashion, make-ups tska lalaki alam na alam niyan pang Cum Laude na!

pagkatapos kong sagutan yung nasa board

Good Ms. Juarez! you got the right answer! now you Ms. Dumingez sagutan mo yung number 2

Cheska: Mam...ahhh...you know that

I know what? Ms. Dumingez? mag pa-pass ka na naman halos bumagsak ka na nga sa subject ko nung prelims tapos ngayon mag pa-pass ka na naman board work lang yan hindi mo masagutan?!

hay naku...naku talaga itong si Cheska hindi kasi nag-aaral puro lalaki ang inaatupag, ang ginawa ko habang sinisermonan siya ng prof namin ginawa ko na yung number 2 para sa kanya sa isang papel then I throw it to her

Cheska: ano to?

Ley: sagot sa number 2

katabi ko kasi siya nasa left side ko si Cindy siya naman nasa right side ko

Cheska: uyy, girl! thanks I owe you one! I love you talaga!

Ley: pumunta ka na sa harapan bago ko pa bawiin yang papel

Cheska: Oo na! I will treat you later

Ms. Dumingez! kanina pa kita hinihintay na sagutan itong number 2, your wasting the time in my class.....

tapos ayun pumunta na siya sa harapan para sagutan yung number 2, magkaibang magkaiba kami ni Cheska kaya nga hindi ko alam kung pano ko yan naging barkada basta bigla na lang nasama siya sa amin ni Cindy 

pagkatapos na pagkatapos niya sagutan yung number 2 bigla namang ng bell na for dismissal 4:30 na may 30 minutes pa ako para maka-punta sa....sa??? saan nga ba? takte saan kami mag-uusap ng Jake na yun?!! hindi pa ako makapag-isip kung saan takte talaga! bakit ba kapag lalaki ang kakausapin ko ganito ako?! usap lang naman yun hindi naman date!

My fake Boyfriend (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon