Ley's POV
Pagkabukas ng elevator
Jake: Ley! tara na! andito na tayo
Ley: alam ko
sabay inirapan ko siya
siya naman nginitian lang ako, ibang klase talaga tong lalaking to tinatarayan ko na't lahat-lahat na hindi parin marunong magalit sakin
Ley: ano ba problema mo?
Jake: huh? problema? wala naman akong problema
nakangiti niyang sabi, naguusap kami habang naglalakad papuntang unit niya
Ley: tss...nevermind na nga lang
Jake: okie dokie
Ley: tss parang bata
tumingin siya sakin sabay kurot sa kaliwang pisngi ko
Ley: aray! ano ba?! laki talaga ng problema mo!
Jake: hahahahaha!!!! wala nga akong problema tska ang cute mo talaga Ley! hahahahaha!!
pagkatapos niya akong asarin kinurot niya ulit ako, naku talaga tong lalaking to nakakarami na siya sakin! pasabugin ko siya eh!
bigla namang idiniin niya yung pointing finger niya sa itaas ng ilong ko dun sa gitna ng dalawa kong kilay
Ley: hoi! anong ginagawa mo?
Jake: naka kunot na naman ang noo mo hahahaha!
Ley: paki mo!
Jake: sorry na po ^____^V
Ley: asan na ba kasi yung unit mo?
Jake: eto na po oh
tapos tinuro naman niya yung pinto, haaaaaaaaaaaaay salamat naman andito na kami! pagod na pagod na rin naman ako no!
Ley: hay salamat naman! after 548 years!
binuksan naman niya yung pinto gamit yung susi niya then pagkapasok namin napansin ko kaagad yung kulay ng unit niya black and white halos lahat ng makikita mong kulay, lalaking-lalaki talaga kung titignan ang unit niya si Jake naman dumiretso kaagad sa kwarto niya
Ley: paupo sa sofa mo ha?!
Jake: sure! feel at home lang ha?! wag kang mahihiya
pagkaupo ko naman napansin kong color black and white yung sofa niya ang cute tignan parang chessboard, tapos napatingin ako sa tv niya flat screen tv well natural lang naman ehh yan ang uso ngayon kahit nga ako may flat screen tv sa room ko
Jake: Ley eto oh twalya mo pasok ka na lang sa room ko andun yung CR pwede kang maligo
Ley: ahh sige salamat
sabay kuha ng twalya niya, dumiretso naman kaagad ako sa sa kwarto niya pagkapasok ko amoy lalaki na kaagad ang naamoy ko, actually maarte ako pagdating sa mga pabango pero yung amoy ng pabango niya hindi ko maikakaila na gusto ko yung amoy ng pabango niya
hindi kasi masyadong matapang yung amoy yung tama lang, kaya nga nung una kaming nagkita yung scent niya ang una kong nagustuhan sakanya hoy! hindi ko sinasabing gusto ko na siya yung amoy niya lang! hay naku! makaligo na nga lang oh!
pagpasok ko sa banyo niya amoy pabango niya parin, siguro kahit dito sa loob ng CR niya nagpapabango siya hangang sa kwarto niya oh baka malakas lang talaga siya may spray hay naku! ano bang paki ko! makaligo na nga lang!
isinabit ko na yung twalya at nagsimula na akong maghubad isinampay ko yung basa kong mga damit at nagsimula na akong maligo, bago pala ako maligo napansin kong medyo kakaiba etong shower head niya, mamaya na nga lang ako magtatanong basta pinihit ko na lang dapat ipihit para mabuksan yung shower at bumuhos yung tubig
BINABASA MO ANG
My fake Boyfriend (on going)
Teen FictionLey Juarez ang babaeng NBSB kaya napag sasabihang tomboy hangang sa nakilala niya si Contract boy Jake Ramirez would they continue the contract or both of them will fall in love with each other?