Jake's POV
Napangiti ako nung hinawakan ni Ley yung kamay ko, ang sarap ng feeling parang heaven lang nung una nagulat ako kasi hindi naman siya ma touchy sakin tska isang hamak na manliligaw niya lang naman ako ngayon at ang fake boyfriend niya. So ibig sabihin ba nito may nararamdaman narin ba siya para sakin? kaya ba ginawa niyang pagselosin ako dahil she's testing me?
kung ano man ang nasa-isip niya ngayon ay hindi ko na alam basta ang maganda mukhang may improvement na kami, basta all I have to do sa loob ng 2 weeks is to make her fall for me kahit imposible na 2 weeks lang
(A: hay naku! hindi nga imposible ehh! ang kukulit niyo naman! parehong-pareho lang kayo ni Ley)
wag ka na epal Author!
pero siguro naman hindi ako mahirap mahalin diba? pero kung sagutin man ako ni Ley napaka swerte ko na at ako ang maging first boyfriend niya, kapag nangyari yun hinding-hindi na talaga ako babalik sa dati kong buhay ngayon palang ngang nanliligaw ako sakanya nagbago na talaga ako ehh hindi na ako yung babaerong Jake Ramirez
ang laki talaga ng pagbabago ko simula ng nakilala ko si Ley, may something talaga sakanya hindi ko lang ma explain kung ano yun at ngayon pang mahal ko na talaga siya, alam ko napaka bilis naman pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, takte! ginagawa mo na akong bakla Author!
****************************************************************************************************************
Ley's POV
Andito kami ni Jake ngayon sa Robinsons Galleria ewan ko ba diyan sa mokong na yan! pinapunta lang ata ako dito para painggitin ng iPhone 4 na bagong bili daw niya, at eto kami tambay sa harap ng Department store, pero syempre naka upo kami hindi naman pwedeng naka tayo lang nakakapagod kaya yun lalaki pa ang mga muscles ko sa binti
Jake: Ley! tignan mo !ganda ng kuha ko oh! wahahahahahahahhahahaa!!!!!
sobra naman to makatawa wagas! pagkatapos ko siya tignan ng masama hinablot ko na yung iPhone niya at tinignan, ayy!! peste talaga tong Jake na to! kanina pa pala niya ako pinipicturan ng patago bwisit lang!
Ley: peste ka talaga kahit kailan! pasabugin ko kaya yang pinagmamalaki mong iPhone 4 na yan??!!
ang ginawa ko piningot ko siya sa ilong pagkatapos ko siya pagsigawan, wala akong pakialam sa mga tao dito well sila rin naman walang pakialam may kanya-kanya kaming business matters
tinignan ko si Jake pagkatapos ko siya pingutin hahaha!! namilipit siya sa sakit, natawa ako kasi naman ang pula na nung ilong niya
Ley: hahahahahah!!!!! tapos na ang Christmas! January na kaya! mukha kang si Rudolph the red nosed raindeer!!!!
tapos humagalpak ako sa kakatawa...again wala akong paki sa mga tao dito, bigla naman hinawakan ni Jake yung magkabilang pisngi ko, nagulat ako, hindi dahil sa hinawakan ni Jake yung mga pisngi ko kundi may naramdaman kasi akong kuryenteng dumaloy galing sa mga kamay ni Jake
pero may isa pa akong ikinabigla, kinurot ba naman ni Jake yung magkabilang pisngi ko!!! ayaw na ayaw ko pa namang ginagawa yun sakin!! bwisit lang!!!
Jake: ahahahahahahhaha!!!! ang cute-cute ng Ley ko!!! sarap pisilpisilin ang cheeks, ang tataba!! hahahahaha!!! cute-cute
habang sinasabi niya yung cute-cute pinipisil pa niya lalo yung pisngi ko, bwisit talaga oh! imbyerna!!
Ley: A-aaa-aaaaray ko! peste ka talagang linta ka!!!
Jake: linta?? paano naman ako naging linta?
Ley: paano? dikit ka kaya ng dikit sakin, sunod ka pa ng sunod!
Jake: ano ka ba?! natural lang yun, manliligaw mo ako! hahahahahhaa!!! ikaw talaga!
naman! kinurot na naman niya ako, pero napabitaw siya bigla sa pagkaka-kurot sakin....buti nga! papasabugin ko na talaga internal organs ng lalaking to kapag kinurot niya ulit ako
Jake: pero kung ako linta, ikaw naman ang teddy bear ko
sabay yakap niya sakin
O____O
o____O
O____o
ano daw???!!! Teddy bear??!!! ginawa pa akong teddy bear, bakla siguro tong ungas na to??
![](https://img.wattpad.com/cover/715387-288-k226920.jpg)
BINABASA MO ANG
My fake Boyfriend (on going)
Teen FictionLey Juarez ang babaeng NBSB kaya napag sasabihang tomboy hangang sa nakilala niya si Contract boy Jake Ramirez would they continue the contract or both of them will fall in love with each other?