bat ba ako umaasa sa mga bagay bagay na alam ko namang di mangyayari. katulad ng manalo ang cavs sa gsw (sinulat ko to nung 3-1 na tagal na no?. at cavs pala ako hahaha yey!). pero syempre magkaiba yun, yung cavs may pagasa pa ako wala na.
para akong isang kabit na umaasa sa pangakong papakasalan ako ng mahal ko na may asawa. kumakapit sa mga bawat salitang sinabi niya sa gabing iyon. nakabisado ko pa.
babalikan kita pramis.
paano mo ba kakalimutan ang isang taong tumatatak sa isip mo. iniisip mo kung iniisip ka rin ba niya. na sa bawat sulok ng kwartong ito may memorya mo. na sa bawat singhot ko amoy mo ang hanap hanap ko. na sa bawat sandali iniisip ko kung okay ka lang ba? kumain ka na ba? natagpuan ko ang sarili kong nakatayo lang at walang ginagawa sa mga memorya mong nagmumulto sa akin. hindi ko sila malabanan at burahin, dahil yan lang ang iniwan mo sa akin. mga memories. ayaw kong alisin ito dahil umaasa parin ako sa pangako mong babalik ka.
"ms. de leon!" oh shocks tinatawag ako ng teacher namin.
"ma'am ano po yun?"
"tinatanong ko kung ano ang python baka alam mo kasi." shit ano ba ang python?
"uhmm... diba ahas po yun?" tumawa mga kaklase ko.
"ahhhh ahas pala, sige download mo yung ahas na yun sa laptop mo."
"ma'am ayaw ko po baka matuklaw ako" tumawa ulit sila. guys ano ba kasi ang python?
"ms. maraguinot turuan mo nga yang si de leon i face yung fear niya sa python" tinignan ko yung katabi ko. ay oo nga pala yung katabi ko ay yung bestfriend ni maddie. naiinggit nga ako sa kanya eh mas close kasi sila ni maddie. kaya medyo ayaw ko siya.
"ok po ma'am" hmm... masunurin parang si maddie lang.
lunch break at nag kita kami jho ba yun? jho ba pangalan nun? sorry ambivert ako selected lang yung mga ginugulo kong tao.
"so ano yung di mo naintindihan kanina?"
"halos lahat, actually lahat talaga"
"hay nako, nakinig kaba oh hindi?"
"naririnig ko yung mga sinasabi ni sir pero. di prinoprocess ng utak ko." magkaiba ang nakinig at narinig. parang hearing at listening lang
"naman kasi eh"
"tuturuan mo ba ako o sesermonan mo lang ako?"
"eh ikaw naman kasi so ganito yun kapag mag priprint ka itype mo print "hello world". parang c++ lang pero mas simple. di na kailangan ng semi colon" nakatitig lang ako sa kanya. totoo pala yung kapag palagi mong kasama ang isang tao nahahawa ka sa ugali nito. pati pala itsura (sorry guys anlayo nila maddie at jho isipin niyo nalang magkahawig sila XD) pero mas maputi si mads
naalala ko nananaman si maddie. yung first na pagkikita namin. sermon din inabot ko.
----flashback----
may pakulo ang math club this year. may fund raising sila. magbibid yung mga students para sa food na dala nung member nung math club members at kasama mong kakainin yun with the student who brings it. pero may twist yung food lang ipapakita di kasama yung nagdala baka raw merong hindi bilhan hahaha ang hard nila. isa lang naman kasi ang cute sa math club si ate den yun. nag rereklamo nga mga guys eh dapat aw ipakita para exciting kapag kay ate den na. kaya napag isipan ng adviser ng math club na yung kay ate den lang yung ipapakita.start na nung bid.
palaging nagsstart sa 100.
"hay nako hs lang kami eh paano kami makakakuha ng maraming
pera" narinig kong sabi ng katabi ko. nag smile nalang ako. buti nalang iskolar ako. gagamitin ko nga yung stipend ko para dito eh.
BINABASA MO ANG
someone (not) like you. (jhobea)
Fanfiction"is it wrong to fall inlove to someone who in the first place just reminds you, your past?" "she talked to me because I was like her past, and I regretted talking back because now I'm falling"