Masayang masayang umupo si Baekhyun sa isang table kasama ang binili nyang Baskin Robbins na ice cream. Hindi naman kasi maipagkakailang mainit dahil summer ngayon, pero imbis na bumili nalang ng halo halo, mas pinili nyang pumunta sa mall at bilhin ang mamahaling ice cream na to dahil nga hindi daw safe ang halo halong binebenta sa tabi tabi.
Syempre dahil dakila syang famewhore, hindi nya muna kinain ang ice cream. Kinuha nya muna ang kanyang cellphone upang magselfie with the ice cream, nang makita nyang lowbat na sya.
"Shit naman!"
Luminga linga si Baekhyun sa paligid at nakita nya ang isang magsyotang nagchacharge ng kanilang mga cellphone sa di kalayuan. Walang choice si Baek kundi lumapit sakanila at humingi ng pabor.
"Uhm.. Pwede po bang pacharge saglit? Emergency lang.", sabi ni Baekhyun sabay acting na para bang kinakabahan.
Naawa naman ang magsyota at hinayaan syang mag charge.
3%
5%
10%
13%
"Jusko pwede na naman siguro to noh?!"
Ngumiti si Baekhyun sa magsyota at nagpasalamat. Bumalik sya sa kinauupuan nya kanina at tinitigan ang ice cream nyang hindi nya pa nagagalaw dahil nga kelangan daw SELFIE FIRST BEFORE YOU EAT.
"Shit. Matutunaw na."
Agad binuksan ni Baekhyun ang B612 nyang app, saka humanap ng magandang anggulo.
"One.. two.. three-- Ay punyeta!"
Naudlot ang pagseselfie ni Baekhyun nang biglang may magtext sakanya.
Bwisit na bwisit na nagreply si Baekhyun dito.
Pero kung minamalas nga naman sya, hindi nagsend ang message nya dahil wala nga pala syang load. Naubos ang pera nya sa baskin robbins.
Hindi nya nalang pinansin ang text at nagsimula uling magselfie ng biglang..
"PU!%#&* YUNG ICE CREAM KO TUNAW NA!"
BINABASA MO ANG
Once Upon a Text Message [ChanBaek FF]
FanfictionIt was summer when Chanyeol continuously send messages to his mom. It was also summer when Baekhyun received those texts.