Chapter 9

249 18 5
                                    

Chapter 9

"So dapat gawin nyo syang ganto tapos makikita nyo na yung a,b, at c. Nakikita nyo naman sa libro nyo kung pano diba? Oh ganun yon. Di ko na ieexplain. Basta ganon, napag aralan nyo na naman yan last year, di ko na kailangang ituro yan." Tamad na sabi ng Math teacher habang nakade-kwatro sa ibabaw ng teacher's table.


Maya maya tumayo sya at nagsulat ng equation sa board. At nang matapos nya na itong sulatin, humarap sya sa kanyang mga estudyante at nakita nya ang inaantok na si Chanyeol.


"You.." Turo ng teacher sakanya. "Ikaw poging inaantok, solve this equation tapos hanapin mo yung a,b, c."


Napatingin si Chanyeol sa mga kaklase nya saka kay Baekhyun. "Ako daw?" Tanong nito kay Baekhyun habang nakaturo pa sa sarili nya.


"Sino lang ba pogi sa klase na to? Tayo lang naman ah? Sabi ni ma'am, pogi na inaantok. Kaya ikaw yun." Sabi ni Baekhyun kay Chanyeol. Natawa nalang ang binata saka pumunta na sa harap ng white board.


Ngunit ilang minuto na ang nakalipas nang pumunta si Chanyeol sa harapan, ay nakatitig parin sya sa mga numerong nakasulat. 


"Sus. Bobo naman pala ng oppa nyo." tukso ng dating hearthrob sa school na si Tao.


"Ano na tol? Mag ta-time na!" sabat din ng tropa ni Tao na si Jun.


"Hala. Nakakaturn off naman si Chanyeol. Kahit nga ata pinsan kong elementary kayang isolve yan eh." Dismayadong sabi ni Sulli.


"Ano ba yan. Puro muhka lang pala." Napapailing iling na bulong ni Nana.


Lumapit nalang ang kanilang guro sa whiteboard saka pinabalik si Chanyeol sa kanyang upuan. "Kala ko naman kahit di nakikinig, makakasagot." Napa-tsk ang guro. "Puyat kasi kayo ng puyat! Kayong mga kabataan imbis na nag-aaral, nagdodota, nakikipaglandian. Tapos pag nabuntis ng maaga iiyak iyak! Bakit ba simpleng tanong lang hindi kayo makasagot?! Ha?! Bakit?!"


Tahimik na umupo si Chanyeol sa arm chair nya, at tahimik lang din naman syang pinagmamasdan ni Baekhyun.


"Sinong gustong sumagot?!" Iritang sabi ng teacher saka dinuro duro ang white board.


Agad na nagtaas ng kamay si Baekhyun saka ngumiti. "Ma'am ako po!"


Sinenyasan sya ng teacher nya na pumunta sa harapan kaya naman walang alinlangan na tumayo si Baekhyun at lumakad sa papuntang white board.


"Sagutin mo yang equation na yan!"


Napatakip si Baekhyun sa bibig nya. "Ay eto pala sasagutin? Shocks. Di ko pala alam to. Ma'am pwedeng call a friend?"


Kumunot ang noo ng teacher nya. "Tataas taas ka ng kamay dyan tapos di mo naman pala alam ang sagot?! Nakikipaglokohan ka ba?! Mr. Byun?!"


Once Upon a Text Message [ChanBaek FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon