Chapter 6
"Kyungiee! Malapit na yung anniversary namin ni Bhie! Huhu, anong dapat kong gawin?" Tanong ni Baekhyun sa nagbabasa ng libro na si Kyungsoo.
"Anniversary NYO ba talaga?" Tanong ni Kyungsoo pabalik habang hindi parin iniaalis ang tingin sa librong binabasa nyang pinamagatang 'Guide to personal relationships for successful life'.
Humiga naman si Baekhyun sa kama ni Kyungsoo. "Kontyabahin ko kaya si Taeyeon na magrecord ng video na nagsasabing 'Happy Anniversary bhie!'? Kunyari para sainyong dalawa ni Jongin! O di kaya, gumawa ako ng scrap book tungkol saming dalawa? Ano sa tingin mo Kyung?" sagot ni Baekhyun na nahalatang hindi pinansin ang sinabi ni Kyungsoo.
Tuluyan ng ibinaba ni Kyungsoo ang librong binabasa nya saka seryosong tumingin kay Baekhyun. "Seriously Baekhyun? Ni hindi man lang ba pumasok dyan sa utak mo na aminin at sabihin na sakanya ang totoo?"
Nag pout si Baekhyun. "Kyungsoo naman! Wag muna ngayon. May tamang panahon para dyan--"
"At kailan naman yung tamang panahon na yon? Kapag 5 years na kayo?"
Napalunok si Baekhyun. "Kyung.."
"Baek, alam ko masaya ka sa nangyayari ngayon. Alam kong masaya ka sa relasyon nyo, pero tao din si Chanyeol, Baek. Gaya natin, meron din naman syang nararamdaman. Isipin mo nalang Baek, pano kung ikaw pala ang niloloko ni Chanyeol? Anong mararamdaman mo kapag nalaman mong yung taong isang taon mo ng katext, yung taong laging nagpapangiti sayo, yung taong sinasabihan ka lagi ng i love you ay hindi naman pala si Chanyeol?" Huminga ng malalim si Kyungsoo. "Hindi ba't masasaktan ka ng sobra?"
Walang ibang nasabi si Baekhyun. Napatungo nalang sya.
"Best friend mo ko Baek, pero hindi ibig sabihin nun e kukunsintihin na kita sa ginagawa mo. Ayoko lang na masaktan si Chanyeol, at ayoko lang din namang masaktan ka. Kaya kung tinatanong mo ako kung anong maganda mong gawin para sa anniversary nyo, tingin ko dapat sabihin mo na sakanya ang totoo."
Dahan dahang napatango si Baek. "Tama ka Kyungsoo."
***
"Bakit ka ba nakikitulog dito samin?! Kala ko ba mag i-sleep over kayo ni Kyungsoo?!" Sigaw ni Jongdae kay Baekhyun nang bigla nalang may yumakap sakanya sa gitna ng gabi.
"Bat di ka nalang maging masaya at ikaw ang pinili kong makasama kaysa kay Kyungsoo?! Choosy ka pa! Kala mo naman yummy ka!" Sigaw pabalik ni Baekhyun.
"Woo! Parang kanila lang iniinggit nyo kong dalawa dyan! Sus! Nag-away kayo noh?" Tuluyan nang humarap si Jongdae kay Baekhyun.
"Hindi kami nag away. May pinag usapan lang kaming malupit. Masyadong awkward pag dun pa ko natulog sakanila kaya dito ko dumarecho." Paliwanag ni Baekhyun habang nakapikit at yakap yakap ang teddy bear ni Jongdae.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Text Message [ChanBaek FF]
FanficIt was summer when Chanyeol continuously send messages to his mom. It was also summer when Baekhyun received those texts.