Chapter 8

250 21 12
                                    

Chapter 8

"Hyunnie?"


Agad na napalingon si Baekhyun kay Chanyeol habang nanlalaki ang mga mata nya.


Ngumiti naman sakanya si Chanyeol. "You're Hyunnie's cousin, right?"


Tila nanlambot ang tuhod ni Baekhyun sa kaba saka muntikan nang mahimatay sa harap ni Chanyeol, ngunit mabuti nalang ay nahawakan sya kaagad ng binata sa balikat.


"Hey! Okay ka lang Baekhyun?!" Tanong ni Chanyeol saka tinapik ng mahina ang pisngi ni Baekhyun.


"This wont do. I will bring you to clinic, whether you like it or not."


***


Kasalukuyang nakaupo si Baekhyun sa isa sa mga kama sa clinic, habang si Chanyeol naman ay nakaupo sa isang monoblock sa tabi ni Baekhyun.


"Nagpaalam na ko sa teacher natin, you don't have to worry. Mas mabuting magpahinga ka nalang dito hanggang matapos yung klase." bilin ni Chanyeol sa namumutlang si Baekhyun.


Tahimik na tumango si Baekhyun saka tumungo.


"By the way, pinsan ka ni Hyunnie diba?" Sabi ni Chanyeol na dahilan para tumingin sakanya si Baekhyun. "Sabi ko na parang pamilyar yung muhka mo eh. Nung magkachat kasi kami nung isang bes, she sent a stolen picture of you. Magkasama daw kayong nag dinner nun. Ikaw yun diba?"


Napatango nalang si Baekhyun.


"I'm Hyunnie's boyfriend. Nice to meet you, pinsan!" And then, Chanyeol giggled.


Tipid namang ngumiti si Baekhyun sakanya. "Nice to meet you."


Nang magkaroon ng ilang minutong katahimikan sa pagitan nilang dalawa, Baekhyun broke the silence.


"Anong nagustuhan mo kay Hyunnie?" curious na tanong ni Baekhyun kay Chanyeol out of the blue.


Bigla namang lumiwanag ang muhka ni Chanyeol saka namula ang kanyang pisngi at napangiti ng malapad. Kitang kita ni Baekhyun sa mga mata ni Chanyeol kung gano sya ka-inlove.


"Anong nagustuhan ko kay Hyunnie? Hmm." Chanyeol smiled. "Marami eh."


Napatingin si Chanyeol saglit kay Baekhyun saka iniwas din nito. "Para sakin, kahit palamura sya at parang amazona, she has a warm heart."

Once Upon a Text Message [ChanBaek FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon