Chapter 2 Excited

24 2 1
                                    

Sofia

Nag mamadali at hingal na hingal kaming sumakay ng bus ni Sam.

Nag rereklamong itinatapat ni Sam ang mga aircon sa kanya. "Jusko po! Ang mahal mahal ng bayad dito sa bus na ito! Tapos parang wala man lang lamig!"

Ipinapaypay ko ang kanang kamay ko sa aking muka, habang ang kaliwa ko namang kamay ay nag pupunas ng pawis ko gamit ang isang panyo.
"Malamig naman eh ikaw lang tong pagod na pagod at pawis na pawis, salita ka pa ng salita" Sermon ko

Sumandal siya at nirelax ang sarili para mawala ang pagod at saka pinunasan ang kanyang pawis.

"Nahiya naman ako sa pag hila mo sakin sa pag tatago diba?" Inirapan niya ako sabay cross arms sabay tumingin sa labas. "At sa pag takbo natin dahil baka makita tayo ng Ate mo"

Hindi na ako naka imik sa mga sinabi niya dahil totoo yun. After umalis ng Ate ko ay nag hintay kami ng kaonti sabay hinatak ko siya at tumakbo kami papunta sa may sakayan.

Inayos ko ang upo ko. Kinabit ko ang ear phones ko at nag play ng kanta.

Pinikit ko ang mga mata ko para ma relax ko ang sarili at utak ko, at para na din mawala ang kaba ko para mamaya sa sasalihan kong contest.

Tumayo na kami para makababa. Excited ako na kinakabahan, first time ko ito at matagal ko itong pinangarap.

Nag lakad kami at hinanap namin kung saan gaganapin ang contest, at nang mahanap namin kung saan, ay may mga taong nag aassist para sa mga sasali at pinapapila para sa registration.

"Sofia tutuloy ka pa ba? Wala ng atrasan to" tanong sakin ni Sam na kinakabahan pa sa akin habang inuuga ang braso ko dahil kami na ang susunod sa pila.

"Kumalma ka nga" tapik ko sa kamay niya na naka kapit sa braso ko para tanggalin niya iyon. "Sure na sure na ako wala ng atrasan to matagal ko itong pinaghandaan no"

Pinag patuloy ko ang pag fifill up ko dito sa maliit na papel na ito. Nag dadalawang isip sa mga ilalagay ko.

Kung sana ay pangalan lang ang ilalagay dito ay ang dali lang sana.

"Ano? Back out na?" Pinopoke niya ako sa braso ko ng paulit ulit. "Pero alam ko disidido ka na di ba? Ilagay mo na lang kung ano yung mga nilalagay mo sa mga ganyan na finifill upan mo sa school o kung saan man"

Tumungo tungo ako at nag patuloy sa pag susulat. Napaisip ako bigla sa mga sinusulat ko at nalungkot nangkaunti.

Kaylangan kong maging masaya, dapat isantabi ko muna ang mga iniisip ko at mag concentrate sa contest na ito.

Ilang minuto na lang ay mag sisimula na. Kung titingnan mo ang mga kasali sa contest na ito ay may mga kinakabahan, may mga excited na, may mga inaaral ang gagawin nila, may mga chill lang at yung iba ay pinipilit mag relax.

Napatingin ako kay Sam, nakakatuwang isipan na katabi ko ang best friend ko ngayon at kahit hindi halata ay excited na kinakabahan siya para sa akin at alam ko sa sarili ko na supportive siya.

Sa ups and downs ko simula bata pa kami ay nasatabi ko na siya. Alam naming dalawa ang flows ng isa't isa. Alam din namin ang darkest secret naming dalawa.

Secret kung secret,
Loyal kung loyal,
Honest kung honest,
Trust kung trust.

Ganun kaming dalawa, kaya siguro nagtagal din ng ganito ang friendship namin. Na kahit may mga bago kaming friends o may bagong friends ang isa't isa ay hindi kami nag kakalimutan.

Tawag nga ng mga nakakakilala samin Kambal eh, kasi mag ka muka na daw kami sa lagi naming pag kakasama, pero sabi din ng iba nakakainggit daw kami kasi friendship goals daw kami, ang solid daw kasi namin parang walang makakatibag.

Kinausap kami ng mga nag aassist na mag handa at umayos na dahil malapit na mag umpisa ang gaganaping contest.

Hinihintay na lang namin mag start, parami na din ng parami ang mga tao, dumadating na din ang mga judges, base sa mga upuan na nasa harap na uupuan ng mga judges ay anim ang naka hilera.

Kumpleto na ang mga kasali, dalawa na lang na judges ang hinihintay namin, dalawang babae at dalawang lalaki ang nakaupo na, ang isang babae ay medyo matanda na pero muka siyang may lahi, kapansin pansin din ang mga sobrang kulot niyang buhok, ang isa naman ay mga nasa 30's to 40's at pala ngiti siya dahil bahang nakikipag kwentuhan siya sa mga co-judge's niya ay abot tenga ang mga ngiti niya kahit saang anggolo.

Dumating na ang dalawang judgea at apat na lalaki ang judges at ang dalawa ay mukang mga professionals na ang isa naman ay mukang bata pa siguro nasa 20's na siya pero may isang judge na lalaki na parang halos kasing idad ko lang halos.

"Sofia? Bakit parang ang weird naman ng mga judges ang tatanda na tapos biglang may parang kasing age lang natin? Lokohan ba to?" Reklamo ni Sam na halos mawalan ng interest sa contest na ito.

Tiningnan ko siya at nag isip ng kaunti sabay tumingin ulit sa lalaking halos kasing idad namin. "Hindi ko alam pero nakakasigurado ako na hindi madali itong contest na ito"



Hindi ko alam pero kanina naman ay ayos lang ako, relax lang naman ako kanina pero bigla akong kinabahan ng biglang pa pwestuhin kami sa mga dapat naming pwestuhan.





Makikita mo mula dito sa kinatatayuan ko ang mga judges na inuusisa kaming lahat, kung may mga tama o mali na kaming nagawa.



Bakit parang gusto ko ng umatras shit, pinaghandaan ko ito ah, okay naman ako kanina di ba?

Bakit yung mga tingin nila parang gustong pumatay, masyadong matalim, pero kanina ng hindi pa nag uumpisa ay ang aamo pa. Bakit parang sinasabi nila na one's na nagkamali ka wag ka nang magpatuloy pa at mag kusa ka nang umalis.


Nag salita ulit ang M.C. sinabi niya ang mga rules, at ang kung ano ano pa, isa isang nag pa kilala ang mga judges, yung mga mata nila parang mga panang handa ka ng tamaan.

Tiningnan ko lahat ng mga kasali akala ko ako lang yung kinakabahan ng ganito, may mga kinakabahan pang nanginginig ang kamay at meron pang hindi mapakali ang mga mata at kung saan saan na nakatingin.

Bakit ba ang tagal mag umpisa ng matapos na agad ito, bakit parang ang bagal umandar ng orasan, parang nag popause pa nakakainis.

Tumingin ako kay Sam na nag aalala sa akin dahil siguro ay kita sa kinauupuan niya ang pag kakakaba ko.

Ngumiti siya sa akin at sinabing 'good luck kaya mo yan wag kang kabahan' sabay smirk pa, okay na sana kaso gusto ko siyang sapakin dahil ng aasar pa na parang sinasabi na 'sabi sayo eh back out na ayaw mo maniwala sakin' pero kahit ganun nabawasan kahit papaano ang pag kakakaba ko.


"You may start now" sabi ng M.C pag ka tingin kong sakto sa kanya.

Alam niyo ba yung feeling ng hindi ka na inform na mag start na kayo kasi nakikipag laro ka pa sa kaibigan mo? Ang shit lang di ba? Ang Bullshit!

Please Hold Me Tight [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon