May naka isip ba sa inyo na ibabalik ko si Jake sa buhay ni Sharlot? LOL.. xD
[SHARLOT'S POV]
Irish just called me. May nagpapadesign na daw ulit sa akin. *sigh, mas mabuti narin sigurong magpaka busy na muna ako. Wala namang mangyayari kung tutunganga na lang ako at magmumukmok sa kwarto. Wala pa talagang nakakaalam ng mga nangyayari, si JL pa lang, at wala na din akong balak na sabihin pa sa iba. May sarili din naman silang problema na inaalala, kaya ayoko na dumagdag pa ako.
Hay, bakit ba kasi nangyayari to? Buti pa si bessy, kasal na kay Seb, at may baby na rin sila, may sarili na syang pamilya, eh ako, hindi pa nga kami ikinakasal ni Lance ganito na? Ayoko namang isipin na kaya nangyayari ito dahil sa hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Pero kung hindi talaga kami, bakit pa kami umabot sa ganito? I mean, ang dami na naming napagdaanan diba? Hindi pa ba sapat ang lahat ng yon?
Sila ni Leslie kaya? Ghad!! Kung hindi lang din kami ni Lance, hindi naman ako papayag na mapunta sya dun sa babaeng yon!! Kahit na sila pa yung destined para sa isa't isa, pwes, gagawin ko ang lahat para hindi mangyari yon. Babaguhin ko ang future ni Lance at sisiguraduhin kong kami ang magkakatuluyan! Pero paano? T^T, ayaw nga nyang sabihin sa akin kung bakit nya kasama yung babaeng yun eh. :'(
"Ma'am nandito na po tayo."
"a-ah, sorry po, hindi ko napansin. Heto ho yung bayad manong."
Bumaba na ako sa taxi at pumasok sa office namin nina Irish. Pagpasok ko sa loob, nakita ko kaagad ang mukha ni Jake. Jake Russel de Verra. Pero hindi sya mag isa. Kasama nya si Celina Espiritu, fiancee' nya.
"Andyan ka na pala Miyuki! Si Mr. de Verra nga pala yung client natin, gusto daw kasi nya na magpadesign ng bahay para sa kanila ng fiancee' nya na si Ms. Espiritu."
Lumapit sa akin si Irish at bumulong.
"Ikaw na muna ang bahala sa kanila. May gagawin pa kasi ako eh. Hihihi."
"Sure. Enjoy your date."
"haha, yeah, so alis na ako ha?"
"Sige."
Umalis na si Irish. kaming tatlo na lang ang natira. So tuloy na talaga ang kasal nila? Tss, ayoko talaga sa fiancee' ni Jake! Bakit kasi yan pa, ang dami namang pwede. Hindi ako bitter no, ayoko lang talaga kay Celina. -___-
"Oh, so you are Ms. Parco?"
"Y-yes."
Anong problema nito? Ms. Parco daw? Ilang buwan lang kaming hindi nagkita hindi na nya ko kilala? Upakan ko to eh!
"Hahaha, bakit ganyan ka maka react dyan, Ms. Parco? May nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan?"
"Wala. Hindi lang kasi ako sanay na may tumatawag sa akin na Ms. Parco."
"Haha, ganun ba? Pasensya ka na, so ano na lang pala ang itatawag ko sayo?"
Talaga bang inaasar ako ng lalaking to? Makakatikim ka sakin mamaya Jake!! Grrr.
"Miyuki, just call me Miyuki."
"Hmm, but I don't want to call you Miyuki."
"Tss, ano pang sense ng pagtatanong mo kung iba din pala ang gusto mo?"
Kainis ha! Nakakakulo ng dugo! Umayos ka de Verra, baka sipain kita dyan! (sadista talaga, kanina uupakan, ngayon naman sisipain. :D)
"Haha, wala naman. Ang cute mo pala mainis, Sharlot."
"a-ano?!"
"hahaha, look at your face Miyuki! So how's life? Miss me?"
"Che! Bwisit ka! Wala ka pa ding pinagbago! Sira ulo ka pa din!!"

BINABASA MO ANG
SADIST LOVER FANFIC
SonstigesI love sadist lover so much that i tried making a fanfic of it. hope you'll like it!!! Special credits to Aril_Daine, ^___^ Read, comment and vote!!! thanks