"KEIRA CHUUUUAAA!!!"
Okay. >''< Isigaw ba naman ang buong pangalan ko sa loob ng napakatahimik na auditorium? Natural tinginan saken ang lahat. Gusto kong magtago sa kinauupuan ko. Pero dahil sa may naghahanap saken, tinaas ko ang kamay ko.
"Namiss kita, bestfriend!" Kulang na lang idaluhong ako ng yakap ni Basilio (na mas gustong tawagin siyang Barbie) pero mabuti na lang nakaiwas ako. Jusko! Baka isipin ng mga tao na boyfriend ko ang timang na to.
"OA ka, alam mo ba un? Nagsummer break lang tayo ng two months at noong isang linggo ay bisita pa lang kita sa bahay namin taz over acting ka ngayon makamiss ng tao?"
"Eh keri na. Syempre padramatic entrance ko lang un kanina. O kita mo. Tinginan saken lahat ng madlang tao? Achieve na achieve ang purpose ko." Ngumiwi ako kay Barbie. Bestfriend ko na to nung highschool pero bakit di ko pa rin maipaalala sa sarili ko na baliw ito? Talagang bagay dito ang pangalang Basilio.
"Ah Kuya excuuse me. May nakaupo na ba dito?" Tanong ni Barbie sa lalaking katabi ko.
"Meron. Ako, bakit?" Avaaah. In fairness may katarayan sumagot si kuya na kamukha ni Pooh. Pero syempre hindi magpapatalo si Basilio Madlang-awa sa patarayan man lang.
"Ay tao ka ba? Akala ko kasi maligno. Kamukha mo kasi ung gumanap na undin noon sa Shake, Rattle and Roll--" Nakita kong sumimangot si kuya kaya siniko ko si Barbie.
"Halika na nga. Doon tayo sa likod. Gagamitin mo na naman yang bunganga mo para makipagaway." Kinaladkad ko na siya. "Pasintabi po. Makikiraan lang."
Dumaan kami sa gitna. Kung bakit ba naman kasi doon ako sa unahan umupo eh. Rampadora tuloy kami papunta sa likuran. Pero syempre dahil may kasama akong narcissistic na bakla ay natagalan ang paglakad ko. Susme! Ikembot-kembot ba naman ang balakang na ala-MariMar.
"Hoist Chua!" Narinig kong may tumawag ng apelyido ko kaya napalingon ako.
Na sana hindi ko na lang ginawa...
"Oy si Lance! Tara doon tayo maupo. Dalii!!" Si Barbie na ang kumaladkad sa aken patungo sa kinauupuan ng lalaking gusto ko sanang iwasan sa buong stay ko sa college.
"Kumusta, Chua?"
Ngumiwi ako sa tanong ni Lance. "Okay lang." Tingin ako kay Barbie na nakaplaster ang tingin sa lalaking un. "Ah Barbie saan naman tayo uupo dyan, eh wala nang upuan? Doon tayo sa kabila. Tara."
"May upuan dito.. Teka.. Hoist pogi.." Kinalabit ni Lance ang lalaki sa tabi niya. "Pwede bang doon ka sa kabila umupo? Nandito na girlfriend ko eh." Sinasabi niya un habang nakangisi saken.
Bumuka ang bibig ko barahin siya. Ang kapal. First day of school pa naman! Bumulong saken si Barbie. "Wag kang assuming bestfriend, ako ang tinutukoy niyan."
Ewan ko ba sa kung anong maligno meron itong si Lance at tumayo naman ang lalaki pati ang katabi nito. No choice na umupo na lang kami ni Barbie pero doon ako sa malayo kay Lance. At dahil matagal nang pinagnanasaan ng bestfriend ko si Lance ay todo pa-cute na ito. Mabuti naman dahil hindi ako ang pinopollute nito.
"Oi Chua! Tahimik ka. Sige ka babaho ang hininga mo nyan."
Oops. I spoke too soon.
"Okay lang."
Nilaktawan niya si Barbie at inilapit ang mukha niya sa aken. "Ayan o. May naninigas ka ng laway."
"Ha?"
Hinawakan niya ang baba ko at para akong nakuryente sa di ko malamang dahilan. "Lance, ano ba. Wag mo nga akong mahawak-hawakan!" Pinalis ko ang kamay niya at pinunasan ang parte ng baba ko na hinawakan niya.
Napangisi siya sa ginawa ko. "Sungit mo naman Chua. Meron ka ba ngayon? Talo mo pa ang nagmemenopause na pusa dyan."
Di ko siya pinansin. Bahala nga siya magngangangawa dyan. Nagsimula ang orientation. Maliban sa Dean ay wala akong ibang marinig kundi ang parang kinikiliting tawa ni Barbie sa mga sinasabi ni Lance. Hanggang sa natapos ang speech ay wala pa rin akong naintindihan.
"O saan ka pupunta? Tara libre ko kayo ng snacks sa cafeteria. Pang-welcome ko sayo dahil sa wakas my favorite girl is in now in college." Binigyan niya ako ng makahulugang tingin pero inirapan ko lang siya.
"O sige sig-" si Barbie
"Sorry pero may mga mas importante pa kaming gagawin ni Barbie. Isa pa hahanapin pa namin ang room namin." Kinuha ko ang bag ko at tumalikod.
"Okay, then. I'll see you around sa campus." Hindi ko alam kung sadya niyang pinarinig sakin ang huli niyang sinabi dahil paglingon ko ay naglalakad na siya palayo sakin. Kung pinarinig niya man, well, hindi ako mamimilipit sa tuwa.
"Grr. Presko."
"More like gwapo!" Kinikilig na sabi ni Barbie. "Teka nga, bakit ba palagi ka na lang galit kay Lance? Di ba magkababata kayo niyan? Curious lang ako.."
Hay nako. Eto na nga ba ang tanging pinangangambahan ko buong college; ang muling magkrus ang landas namin ng bwiset na si Lance Angelo Cruz at ang sagutin ang tanong ng mga tao tungkol sa aming dalawa out of what? Just plain curiosity lang naman.
"Wala. Imbyerna lang ako sa kanya."
"Tell me, totoo ba ang bali-balita nung highschool tayo tungkol sainyo, ha?"
Napapikit ako nang maalala ko ang tsismis na halos ikamatay ko noon sa hiya. "Barbie. Please."
Barbie sighed. "Okay fine. Hindi na ako maguusisa pa. Pero next time ishare mo ha? Tandaan mo. Bestfriend." Tinuro nito ang sarili.
Wala sa loob na tumango na lang ako para matahimik na si Barbie. Ang bali-balita.. ang nakakahiyang tsismis.. that was three years ago. Hindi pa ba makamove on ang mga tao doon?
May narinig akong malakas na tawanan sa labas ng auditorium. Nandoon si Lance at mga barkada niya. Isang babae ang nakapulupot sa braso ni Lance habang may binubulong ito dito. Nakita kong ngumiti si Lance at inakbayan ang babae at sabay na silang umalis. Napailing na lang ako.
Tsss. Clearly, one had already moved on..
BINABASA MO ANG
That Boy
Teen FictionThat Boy (: "...One is loved because One is loved. No reason is needed for loving..." -Paulo Coelho-