Halos umikot na ang one week at laking pasasalamat ko dahil ni anino ni Lance ay hindi ko nasilayan man lang. Although alam kong magkatabi lang ang building ng Photography sa Architecture, tineyempo ko talaga na hindi makabanggaang balikat ang taong un.
"Anong club ang sasalihan mo?" Sa isang linggo na lumipas ay nadagdagan ang circle of friends namin ni Barbie. Kasalukuyan kaming nakatambay sa isang kiosk kasama ang bago naming kakilala na si Carla.
"Young Artists' Guild. Balita ko maganda daw doon at maraming outdoor activities na gagawin at the middle of the term."
"Doon ako sa Swimmer's Club."
"Marunong kang lumangoy?" Tanong ni Carla kay Barbie.
"Hindi. Marami lang gwapo doon."
Naikot ko ang mga mata ko. Naglalandi na naman si Basilio.
"OMG!" Biglang napahiyaw si Carla.
"O bakit?"
"See that guy? Yung gwapo na naglalakad papunta dito?"
"Asan? Asan?" Parang radar na tumayo si Barbie para tingnan ang tinuturo ni Carla. "OMG! Si Lance ba?"
"Kilala mo?"
"Oo. Ex ni Keira yan." Tiningan ko nang madilim si Barbie. Anong ex ang pinagsasasabi nito? "Joke lang. HAHAHA."
"Ow? Swerte mo naman. Matagal ko nang crush yan. Nagpapart-time model kasi siya sa agency ng Tito ko. Dito lang pala siya pumapasok.. Ow syet papalapit siya dito." Halos hindi makahuma si Carla. Nainhale, exhale pa ito.
Tumingin ako sa ibang direction, kunwari di ko nakita si Lance. "Hi Lance!" Shoot. Ang mahaderang bestfriend ko tawagin ba naman ang demonyo! Natural lilingon un.
"Oh hi ladies." Huminto sa tapat ko si Lance. Dedma. "Bas, pakilala mo naman ako dyan sa kasama nyo." Tinanguan nito si Carla.
Agad na iniumang ni Carla ang palad niya. "Carla. Carla Bautista. Architecture student. Hello!"
"Pleasure to meet you." Kinindatan ito ni Lance at ngumisi naman ang haliparot nang makita akong inirapan ko siya. Flirt! "Would you like some drinks, ladies?"
"Ah hindi na. Tutal aalis na rin lang kami. Let's go girls."
Kumunot ang noo ni Lance. "Nandito na ba ung sundo mo?"
"O-oo."
"You're lying."
"Anong--"
"Why don't you join me? Are you avoiding me? Can't you see that sooner or later magtatagpo din tayo?" He looked at me as if I'm the only person na nandoon sa harap nito ngayon. Nagpabalik-balik ang tingin sa amin nina Barbie at Carla. Parehong hindi makarelate.
"You're crazy, Lance." Tinalikuran ko na siya. Bahala na humabol sa akin ung dalawa. Ang mahalaga ay makaalis ako sa magnetismo ng mga matang iyon.
Nakakainis! Nakakairita! What are the odds na muli kaming magtatagpo ng Lance na un? It was a 1/10 chance. Anong nangyari?
Bakit nandito na naman ulet siya sa buhay ko..
Kakauwi ko pa lang sa bahay ay pinagbihis na agad ako ni Mommy. May pupuntahan daw kami. Di naman ako nagtanong basta nagbihis na lang ako. Pagdating namin sa pupuntahan namin ay parang ayaw ko na bumaba ng kotse.
Paano ba naman kasi.. Bahay ito nina Lance..
"Kumare mabuti naman nakarating kayo. Hi Keira. You look beautiful, hija." Sinalubong kami ng mommy ni Lance na si Tita Beatrice. Sa edad na 55 ay pretty pa rin ito.
"Thank you po, Tita. Kayo din po. Wala pa ring kupas ang ganda."
Napangiti ito. "Last time I saw you before kayo lumipat ay JS Prom nyo nina Lance. Nene pa kayo nun." Tumuloy kami sa loob ng bahay ng mga Cruz. Andami namang tao. Naisip ko. Tamang-tamang pangiwas sa anak nito.
"Nasaan si kumpadre at nang mabati naman ng Happy Birthday?" tanong ni mommy.
"Nasa sala. Tumutugtog kasi si Lance. Halikayo at nang makita nyo."
Pagdating namin sa sala, true enough the devil is playing the piano. Sa harap nito ang daddy nito na tila amused na amused habang nakapalibot ang maraming tao kay Lance. Nagtaas ng tingin si Lance and he caught my eyes. And for a split second, parang may nakita akong kung ano sa tingin niyang iyon.
"Yan ang paborito ni Lance tugtugin. Always ng Bon Jovi. Ewan ko ba dyan sa batang yan at ang kanta na yan ang palaging tinutugtog."
Natapos ang lahat sa malakas na palakpakan. Syempre nakipalakpak na din ako at umexit na mula sa sala. Dumiretso ako sa dining table. Pinuno ko ng pagkain ang plato ko. Leche, bukas na ang diet-diet na yan. Gutom na ako kanina pa.
"Hinay-hinay lang. Mahina ang kalaban."
Napatingin ako sa lalaking nakangiti sa harap ko. Hmmn he looks familiar..
"Hi Keira."
Rumihestro sa utak ko ang isang pangalan. "C-Clark?? Oh my God, ikaw ba yan?" Napatayo ako sa kinauupuan ko. Si Clark, ang batang-batang uncle ni Lance.
"Kumusta ka na? You're looking lovely. College na?"
"Yes. College na. Ikaw? Kailan ka pa bumalik from Canada?" Eye candy. Ang agang dessert sa mata to. Napansin ko mas lalo atang gumwapo si Clark after those years.
"Kahapon lang. My, my. You didn't changed at all. Nakausap ko si Lance, sabi niya you are in the same university as him." Ngumiti siya.
Saglit akong napasimangot nang banggitin ang pangalan ni Lance. Napatawa tuloy si Clark. "Still not feeling my nephew, huh?"
Kumibit balikat lang ako. "Tell me about what happened to you sa Canada." Iniba ko ang usapan. Sabay kaming naupo sa mesa at nagsimulang magkwento si Clark.
All the while, I stared at him in awe. Hindi ako makapaniwala. He IS back. My one true love is here.
Walang iba kundi si Clark Anthony Cruz lang..
BINABASA MO ANG
That Boy
Teen FictionThat Boy (: "...One is loved because One is loved. No reason is needed for loving..." -Paulo Coelho-