4] When Mulan met Tarzan

9 1 0
                                    

Noong bata pa ako, mahilig ako sa fairy tales. Siguro dahil un doon sa mga happy-ever-after scenes na nakikita ko at the end of those movies. I'm a sucker for those kind of endings, siguro na rin dahil hindi ko un nakita sa relationship ng mga magulang ko. Yes, I came from a broken family at hindi ko ikinakahiya un.

Naalala ko ung araw na umuulan nang malakas seven years ago. It was the day before my tenth birthday, ang saya-saya ko noon dahil nandoon sina Mommy and Daddy. In other words, kompleto ang pamilya ko. Perfect birthday gift, di ba? NOT.

"Ang mabuti pa maghiwalay na tayo, Alfredo. Dalhin mo lahat nang gamit mo basta iwan mo sa akin ang anak ko." Nakasilip ako noon sa kwarto nila habang nagiimpake si Daddy sa malaking maleta na nakalatag sa kama.

"Talagang aalis ako. You are a nagger. Napupundi na ang tenga ko sayo!" Lumabas si Daddy nang pinto at nilagpasan ako.

"Dad! Dad saan po kayo pupunta? Sasama po ako." Umiiyak na humabol ako sa kanya hanggang sa pinto. Ni hindi niya man lang ako tiningnan. Tuloy-tuloy si Daddy sa garahe at tinapon ang dala niya sa kotse. Pinigilan ko siya sa kamay. "Dad, birthday ko na po bukas. Wag na po kayo umalis."

Tumingin sakin si Daddy. Blangko ang ekspresyon ng mukha at hindi ko alam kung bakit natakot ako. "Let me go, Keira. I cannot do this anymore. Stay with your Mom, she will take care of you."

"Don't you love us anymore?" Grabe na ang tulo ng luha ko. Natitikman ko na nga ang alat ng sipon ko. He tried to remove his hands on my tight grip.

"Happy Birthday, princess. I love you but I'm sorry." Naialis niya ang pagkakahawak ko sa kanya  and at that time narealize ko na kahit gaano mo man kahigpit hawakan ang isang bagay, you really just have to let go lalo na kung nasasaktan ka na. "Goodbye, Keira. Be a good girl always."He gave me a quick, last kiss bago niya pinaharurot ang sasakyan. Seconds after, wala na si Daddy sa harap ko.

"Daaaaaaddd---!!!" Humabol ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin o kung saan man dumaan ang kotse niya basta ang alam ko hahabulin ko ang pinakaimportanteng lalaki sa buhay ko.

Nakaabot ako sa park ng subdivision na hapong-hapo. Dito ako madalas ipasyal ni Daddy noong maliit pa ko kaya nagbakasakali lang ako na nandito siya. I know iisipin nyo, ano naman gagawin ni daddy dito? Malay nyo naman naisipan niyang magswing muna. Nilibot ko ang buong park pero ni hindi ko man lang nakita kahit ang sasakyang dala niya. From that day on, hindi na kailanman nagparamdam pa samin si Daddy.

Dumating ang araw ng birthday ko. It would have been a perfect day, suot ko ang Princess gown na regalo sakin ni Mommy. Pero somehow hindi ko kayang ngumiti man lang kahit noong kinakantahan na ako ng Happy Birthday ng mga bisita ko. Mas pinili ko pa ang maglugmok sa garden at umiyak kesa makihalubilo sa mga kaibigan ko. 

"Psst!" Narinig ko ang isang sutsot pero wala naman akong nakita sa paligid. "Oist dito sa taas!"

Tumingin ako sa isang batang lalaki na nakatayo sa taas ng puno kung nasaan naroon ang treehouse na ginawa sakin noon ni Daddy. “Yo wassup? Bakit nagdadrama ka dyan ha?” Lumukso siya sa harap ko at muntik na akong mapatili sa gulat. Whoa--ang taas ng tinalon niya ha!   ano siya, tipaklong? 

“Si-sino ka?" Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang ilapit ng batang lalaki ang mukha niya sakin. No one ever dared to be close to me except my Dad. 

"Ako si Tarzan." Buong pagmamalaking sabi niya. He looks a bit older than me at ang una kong napansin sa kanya? Brown ang kulay ng mga mata niya.  "Sino ka naman?” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. A smirk was quite evident in his handsome face habang nakatitig sa kulay asul kong gown.

“This is my birthday and I’m suppose to be Cinderella.” 

“Aha! Ikaw pala ang pasimuno nitong costume party na to. Don’t you think you’re too old for this kind of thing? I mean are we suppose to wear this para lang umattend ng birthday mo? Nakakahiya.” Pinakita niya sakin ang suot niya na pirate suit. Tumaas kilay ko. At kelan naman nagsuot ng ganun si Tarzan?

“Birthday ko to at bisita lang kita. Kung ayaw mo magsuot niyan, di kita pinipilit.” Inirapan ko siya pero sumilay ang isang ngiti sa mukha niya. 

“Bet you’re daddy’s little girl. Naniniwala sa mga walang kabuluhang fairy tales. Don’t you know that they’re all child’s play?”

“Are not!”

Mataman niyang tiningnan ang mukha ko. “And you don’t even look like Cinderella. Tingnan mo nga yang mata mo. Singkit. Eh di naman namamaga ang mata ni Cinderella katulad ng sau. Alam ko na. Mas kamukha mo si Mulan sa itsura mo.” He stepped a little closer at aun na naman po ang kakaibang nararamdaman ko. “Anong pangalan mo?”

Di ako sumagot. “Sungit mo naman.” 

Deadma.

Nagkibit balikat na lang ito. “Okay since ayaw mo magsalita, ako si Lance. Nice to meet you.” He extended his hands pero di ko man lang un pinansin. He shook his head habang nangingiti. "Alam mo ikaw lang ang kilala ko na nagsusungit sa birthday niya." Nilampasan niya na ako. “Oh and by the way-“ 

Lumingon ako at ngumisi siya. “Don’t you ever forget my name or else..”

“Or else what?” Finally nakapagsalita na din ako. Siguro dahil wala na siya sa harapan ko.

A lopsided smile form on his face. “Or else I’m gonna let you remember that name for the rest of your life.” 

Then he walked away, leaving me speechless and confuse for the first time.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon