3] Frustrated

12 1 0
                                    

Napapasarap na ang usapan namin ni Clark and I couldn't help but be amazed at how intellectual he is. Grabe ang sarap pa rin niya kausap, same old Clark. Only hotter.   Pinigilan kong wag maglaway sa harap niya ngayon. God I so longed for this moment. Five years is too long!

"Dalaga ka na.." Nakangiti si Clark habang sinasabi un. "I'm sure marami ka nang pinaiyak na lalaki."

"Wala nga eh. No boyfriend. Single." 

His smile widened sa sinabi ko at di ko na rin napigilan ang sarili ko. Gosh ang gwapo talaga kasi ng mamang to. Hmmn may girlfriend na kaya siya? Tiningnan ko ang ring finger niya. Walang singsing.

"Are you staying here for good?" 

"Depends."

"On what?" 

"On some things.." Tiningnan niya ako nang matagal. Parang pinagaaralan niya ang bawat kanto ng mukha ko. "You are so grown up now, Keira. I didn't know you would be this much beautiful. Dati kasi nakikita pa lang kita na naglalaro noon ng putik sa kalsada with Lance. But now..." Napailing-iling ito.

Natawa ako sa sinabi niya. "Well hindi na po ako naglalaro ng putik ngayon."

"I know and you are beautiful."

Hindi ko maiwasang ngumiti. Pangilang beses na kaya niya sinabi ang salitang 'beautiful'? Parang gusto ko na tuloy magtatatalon sa sobrang kilig.

"Yo." Napalingon kami.

Nakita ko ang nakangiting si Lance na papalapit samin. Ngiting-ngiti ang loko na nakasuot na ng itim na tuxedo kumpara sa puting polo nito na suot nung nagtugtog ng piano. In fairness nagmukhang tao ang demonyo. Nakatali ang lampas balikat na buhok nito. Ewan ko ba kung bakit hinayaan nitong humaba ng ganun ang buhok. Nakakainis lang tingnan sa lalaki ang mga ganung klase ng hairstyle. Parang unruly. Pero so far aminin ko man o hindi, bagay din naman kay Lance ang itsura niya.

"Lance." Nag-apir ang dalawang lalaki. "Galing mo kanina ah. Wala ka pa ring kupas, talented ka pa rin. Kaya naman bilib na bilib sau ang daddy mo."

Pagak na tumawa si Lance. "Bilib lang si Daddy saken pag tumutugtog na ako in front of his audience. After that, wala na." May nasense akong animosity sa boses ni Lance. Pero kung meron man di ko na un napagtuunan ng pansin lalo na nang sumulyap siya sakin. "Wassup, Chua? Dami ng kain natin ngayon ah. Hindi ka diet?" Nakakalokong tanong nito.

"Hindi." Simple kong sagot.

"Good. May refrigerated cake pa sa ref. Gusto mo pabigyan kita sa waiters?" Hindi ko alam kung ano na naman ang nakain nito pero ang alam ko he is in the mood para inisin ako nang bonggang bongga. Ayun nga at sinusupil ng demonyo ang isang ngiti sa mukha. Inismiran ko siya.

"Hmmn so childish.." Narinig kong sabi niya bagamat pabulong yun.

"Clark, halika muna. Ipapakilala kita sa mga kumpadre ko." Sumulpot ang daddy ni Lance na si Tito Anton. He was a fat man who had always reminded me of an old Ricky Davao. Noong bata ako, takot ako sa kanya. Paano naman kasi para siyang istrikto kung tingnan and the way he looks at you parang nakakaintimidate. Kahit si Lance ay hindi close dito. Laging si Tita Beatrice ang kasama nito kapag may mga school activites noon. Minsan ko nga lang makita si Tito Anton noon na kasama ni Lance.

"Guys excuse me." ani Clark at tumingin sakin. "Keira, do you mind?"

"No, not at all." sabi ko bagamat gusto kong sumama dito para magpakalayo-layo sa harap ng taong pagiiwanan niya sakin.

"Go ahead and I'll take care of her." Ngiting aso na naman si Lance. Tumango lang si Clark and then disappeared from my sight. 

"So Clark is back. Isn't that amazing?" Napatingin ako kay Lance and saw him already looking at me. Seriously. 

"Yeah, so?" 

"Nakita ko the way you look at him. Don't you think that's far too pacute for you, Keira?" Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyang pagpapacute ko pero I could sense some anger in his voice. Na para bang nang-aacuse?

Parang gusto kong magtumbling sa mga lumabas sa bibig niya. "Excuse me? Pacute? Ano bang sinasabi mo, Lance?"

"Oh cmon. Dont tell me hindi ka nagpapacute sa kanya eh halos isubsob mo na sarili mo kay Clark."

"What?!"

"Look Keira, I know your games. And I admit, you are damn good at it. But don't ever try to use it on Clark." Sinabi niya iyon while standing up."Makakasakit ka lang ng tao.." 

Napamata ako kay Lance habang naglalakad ito palayo. Okay. WHAT WAS THAT? Anong ibig sabihin niya nang huling linya niya? If I hadn't known Lance, I would have spent the next few hours deciphering whatever he meant with those words. Pero since Lance is Lance, ipinagkibit balikat ko na lang iyon.

Damn. That guy sure can frustrate the hell outta me.

That BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon