CHAPTER 1: THE END IS THE BEGINNING

648 22 4
                                    

I.

Isang linggo narin ang nakalipas simula ng manirahan  kami dito sa bago naming bahay. Maganda ang nilipatan naming lugar, tahimik at payapa dito. Maraming pasyalan ang matatagpuan at higit sa lahat ay malinis ang kapaligiran. 

Naalala ko tuloy yung dati naming tirahan. Kahit may mga hindi magandang ala-ala ako doon ay hindi ko pa rin maiwasang mamiss ang lugar na iyon. Siguro dahil sa dun na ako lumaki at nagkaisip. Pero salamat na rin sa work ni Papa dahil nakalipat kami sa mas malaking bahay at pabor din ito sa kanya dahil mas malapit ito sa lugar ng trabaho nya.

Muntik ko ng malimutan, ngayong araw nga pala ako mamimili ng mga gamit ko sa School. 

Kahapon ay nag-enroll na ako sa isa sa pinakasikat na School dito sa lugar na ito. Ang bilis talaga nang panahon, College na pala ako, pero di pa rin ako nakakaranas magkaroon ng boyfriend at kaibigan. Teka hindi ko na pala kailangan dahil ang puso ko ay para lang sa Anime. Alam ko namang walang magkakamaling magkagusto sa tulad ko dahil sa weird ako tapos hindi rin attractive.

Habang inaayos ko yung mga dadalhin ko ay narandaman ko na naman na parang may nakatitig saakin. Simula nang lumipat kami dito ay madalas ko nang marandaman ang ganito.

Nagpaalam na ako kay Mama na mamimili ng gagamitin ko next week sa School.

"Alam mo na ba ang papunta dun?"

"Opo Mama wag na po kayong mag-alala." sagot ko

"Sige mag-iingat ka Rina."

"Salamat po"

Habang naglalakad ako ay pinagmamasdan ko ang mga bahay na malapit saamin. Napatingin ako sa isang lalake sa harap ng isang bahay. May itsura ito at masasabi kong hindi nagkakalayo ang edad namin. Nagulat ako ng nginitian nya ako, nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalayo.

Nang makarating ako sa Mall ay agad kong hinanap ang mga bibilhin ko. Sobrang daming tao, hindi pa naman ako kumportable kapag ganito. Sanay kasi ako na lagi lamang sa loob ng bahay. Nakarandam ako ng pagkahilo ngunit nagpatuloy parin ako sa paglalakad.

Nang pababa ako ng hagdanan lalo akong nahilo, nawalan ako ng balanse. Nagtuloy-tuloy ang hulog ko tapos ay bumagsak ako ng malakas sa pinakababa.

Ang daming nagsigawan. Sobrang sakit ng ulo ko. Nakita kong ang daming dugo ang lumalabas saakin, hanggang sa unti-unti ng nagdilim ang paningin ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Yung Part II ng Chapter 1 ay...

To be continued...

Kapag dumami ang readers ipagpapatuloy ko kaagad :) hehe

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Eto na yung Part II & Part III ng Chapter 1! Enjoy!!! :D

MAG-COMMENT PO KAYO PARA MALAMAN KO KUNG MAY NAGBABASA TALAGA... TNX ♥

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

II.

Wala akong maaninag na kahit na ano. Wala akong marinig, wala rin akong marandaman, at wala akong maalala.

MY REVERSE HAREM WORLD (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon