CHAPTER 2: GREEN HEART

471 18 12
                                    

I.

Sa loob lamang ng isang araw ay ang dami na agad nagbago sa buhay ko. Namatay ako tapos ay muling nabuhay na parang walang nangyari ayon sa mga taong nasa paligid ko. 

Binuhay ako ng kakaibang nilalang na nag-ngangalang Memonemo, ngunit bilang kapalit ay pumayag ako sa kondisyon nito na hanapin ang 7 Colors of Love. 

Isa na ngayon akong Heartcaptor na may misyong hanapin at paibigin ang pitong lalake na nagtataglay ng iba't-ibang kulay ng puso.

Dapat nga ba akong matuwa dahil tila matutupad na ang ninanais kong maranasan o dapat akong mangamba dahil alam kong wala akong kakayahan upang magawa ang mga bagay na ito.

"Waaah! ang daming gumugulo sa isip ko!" sigaw ko habang nakahiga sa aking kama sa kwarto

"Ang aga-aga sigaw ka na ng sigaw" nagising sa ingay ko si Memonemo at agad na bumangon mula sa kanyang maliit na kama na ngayon ay nakapwesto sa ibabaw ng study table ko.

Dito na sya sa kwarto ko nagpasyang manatili para daw mabantayan nya ako at maturuan.

Pakirandam ko ay sumikip ang paligid ko dahil ang dami-daming gamit ang dinala nya sa kwarto ko.

Tatlong araw narin syang nanggugulo. Hindi ako makapanood ng Anime ng maayos dahil lagi nya akong kinukulit na maghanap ng project nya.

"Rina kailangan nating makahanap ngayon! libutin natin ang buong bayan."

Ayan na naman sya. Kahit ilang beses na akong nagpaikut-ikot sa mga lugar na sinabi nya ay palagi akong umuuwing bigo.

"Lalabas muna ako ng kwarto, gutom na ako. Dadalhan nalang ulit kita ng makakain."

"Sige damihan mo hah." masaya nitong pagsang-ayon

Pagbaba ko sa may kusina ay may nakahanda ng almusal.

Maagang umaalis ng bahay si Mama at Papa upang pumasok sa kanilang trabaho. Kahit sobrang busy nila ay hindi nila nakakalimutan ang mga obligasyon nila sa aming tahanan.

"Si Mama talaga, ang dami na namang niluto. Gusto yata nya akong tumaba hehe."

Naupo na ako at nagsimulang kumain. Naisip ko si Memonemo, mamaya ko na ngalang sya dadalhan. Ang Alien na yun gusto pa hinahatidan sya ng pagkain, pwede naman syang sumabay. 

Pagkakagising nya palagi nalang nyang inaatupag ang pagbabasa ng mga Magical books na hindi ko naman maintindihan ang mga nakasulat. Ang sipag nyang mag-aral, siguro Top 1 ito sa klase nila hehe. 

Habang kumakain ako ay narinig kong bumukas ang pinto mula sa labas.

Dumating na siguro si Kuya. Apat na araw ko na syang di nakikita. Palagi itong abala sa pag-aaral ng iba't-ibang uri ng Martial arts. Malalayong lugar ang dinadayo nito kaya minsan hindi sya natutulog dito sa bahay.

"Kuya Renz ikaw naba yan?" paniniguro ko

Nakarinig ako ng mga yabag ng paa papunta sa aking kinaroroonan.

Lumitaw ang isang imahe ng lalakeng pamilyar saakin.

Lumapit ito at...

Kinuha ang pandesal na isusubo ko na sana.

"Kuya! akin yan eh!" sigaw ko dito

"Ang takaw-takaw mo Rina, mag-diet ka naman." tugon ni kuya sabay subo sa pandesal

Iyan si kuya Renz. Ang nag-iisa kong kapatid na strict at gusto akong inaasar palagi. Simula ng mag-High school sya ay nag-aral na sya ng Martial arts tulad ng Taekwondo at Judo. Kahit nasa huling taon na sya ng College ngayon ay hindi sya tumigil sa pag-eensayo, siguro ay hilig nya ito talaga. Buti na lamang ay hindi nito naaapektuhan ang grado niya sa School dahil maayos nya itong napagsasabay.

MY REVERSE HAREM WORLD (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon