Chapter 4

11.1K 327 33
                                    

Investigation Onward!

 

After School ay Inaabangan ni Sheryl si Jacob sa hallway palabas ng University, para kung sakaling harangin si Jacob ng kanyang rabid fangirls ay madali niya itong mahihila palayo. From a distance ay nakikita na ni Sheryl ang guwapong kaibigan kaya agad niya itong nilapitan. Binati pa siya ni Jacob pero hinawakan niya ito sa braso at tumingin-tingin sa paligid. Bago pa man makapagtanong si Jacob kung anong nangyayari kay Sheryl na parang napa-paranoid ay hinila siya nito at tumakbo sila na parang si Eyeshield 21 na nagde-devil bat ghost, na iniiwasan ang lahat ng naglalakad sa hallway. Buti na lang wala na ang hall monitor kung hindi ay they're in a heap of trouble. Sa pagtakbo nila ay nalagpasan nila ang mga babaeng fans ni Jacob na mukhang yayayain na naman itong sumama sa kanila kung saan. In your faces, losers! naisip ni Sheryl na palihim na ngumiti. 

Nung akala na ni Sheryl na nakalayo na sila sa grupo ng mga babae ay tumigil na sila sa pagtakbo. Keri lang ang hitsura ni Jacob na parang wala sa kanya ang ginawang pagtakbo, samantalang si Sheryl naman ay kulang na lang ay isumpa ang lahat ng diyos dahil sa sobrang kapaguran. She can't remember the last time she ran that much. Parang sasabog ang dibdib at tagaktak ang pawis niya. Inabutan siya ng spare towel ni Jacob na agad niyang ipinunas sa noo niya. 

"Jezuuzz christ Sheryl, what were you thinking?" pinapagalitan siya ni Jacob. "Bakit ba tayo tumakbo? May humahabol ba sa atin?" 

Humihingal pa rin si Sheryl pero sinubukan niyang magsalita "<huff> Wala lang, <huff> Baka kasi, <huff> makita ka ulit ng mga babaeng iyon at, <huff> sumama ka pa, <huff> sa kanila. Whew!"  

"God, are you alright? Ni hindi mo magawang magsalita ng maayos." kinuha ni Jacob ang kanyang waterjug at iniabot iyon kay Sheryl. "Heto o, inumin mo. You still can't get over last time? Kahit na yayain ako ng mga babaeng iyon ay hindi ako sasama sa kanila. I promised to help you, di ba?" 

Naubos ni Sheryl ang halos 900 ml. na sports drink in one gulp. "Whew! Mabuti nang sigurado. You'll follow any girl who shows her cleaveage to you, you dog in heat." 

"Uy, h'wag kang feeling! Hindi mo nga pinakita sa aking ang cleaveage mo pero sinusundan pa rin kita." tumingin si Jacob sa dibdib ni Sheryl. "<sigh!> So disappointing." 

Nagtakip ng dibdib si Sheryl at tinitigan niya ito ng masama. "WELL EXCUSE ME FOR BEING FLAT!"

Habang naglalakad ay may nilabas na notebook si Sheryl na ToraDora ang design ng cover. "Listen, nagtanong-tanong ako kanina tungkol sa mystery girl natin," she said while flipping thru' the pages. "Heto: Amy Aguirez, 19 years old Mathematics major, tubong Davao City. Nakapasok siya dito sa Southern Hills Inst. of Technology dahil sa scholarship at isa sa mga promising students of the year. Laging top one sa lahat ng Math quizzez, Physics contests, Science fairs, at kahit anong event sa School na may kinalaman sa numbers. In short, she's a Math prodigy, not to mention she's also quite beautiful. (pero siyempre, mas maganda ako.)" 

"I like your notebook," comment ni Jacob. "May nalaman ka ba sa personal life niya?  

"Unfortunately,----Wala. Sabi ng mga classmates niya, she's unsocialble, parating tahimik, hindi makausap, ayaw makipag-usap, at laging nag-aaral. Looks like all she can do is eat, sleep, and study." Napailing si Sheryl out of disappointment. "I must say, napaka-boring ng lifestyle niya." 

"Alam mo ba na isa 'yan sa favorite anime ko?" Jacob is still talking about her notebook. "Gustong-gusto ko 'yung part na Aisaka and Ryuji had their first kiss. I swear, kinilig ako." 

Clues. Mysteries. Misadventures.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon