Chapter 5

9.3K 280 17
                                    

Ehihihihiiii----

 

Ang laki ng problema ni Sheryl sa progress ng kanyang investigation kahit nasa ikalawang araw na siya ng kanyang paghahanap ay wala pa rin siyang napapala. Out of the equation na ang lugar kung saan natagpuan ang katawan ni Amy dahil wala naman silang nakita doon na nagli-link sa suspect. Ang tanging pag-asa na lang niya ay makausap ang School janitor na si Mang Rene para matanong niya kung ano ang lagay ni Amy nung makita niya ito. Nanggigigil siya sa frustration kaya napabigat ang stroke ng kanyang brush sa canvas at nasira ang landscape na pinipinta niya. "Aw, c'mon!" naiinis na sabi niya sa sarili. 

"Mukhang malaki ang problema mo, Ms.Armitage," nasa likuran niya ang Art teacher na si Ms.Nerissa at tinitingnan ang painting. "Lumalabas sa painting ang emotions mo. Masyadong mabigat at problematic." 

"I'm so sorry, Ms.Nerissa. Marami lang po akong iniisip." hinging paumanhin niya. Susubukan sana niyang burahin ang smudge pero tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang landscape drawing class niya. Bumuga siya ng hangin at iniwan ang kanyang easel para lumabas ng silid. Inayos niya sa isang magulong likaw ang kanyang buhok at tinusok iyon ng chopstick to hold it into place. Hinubad niya ang suot na salamin para punasan iyon dahil natalsikan ito ng pintura na thankfully, madali namang nabura. Hindi pa man niya nasusuot ang salamin ay may bumangga sa kanya at napasandal siya sa kalapit na locker. (THUD!) 

"Ay, kabayo!" 

"Aww, I'm sorry. Did that hurt, nerd?" nag-angat siya ng tingin at nakita ni Sheryl ang grupo ng fangirls ni Jacob na tinakasan nila kahapon. "Next time kasi, huwag haharang sa daan. Masyado ka kasing pandak kaya hindi kita nakita." nagtawanan ang mga ito at nagpatuloy sa paglalakad at iniwan si Sheryl. Gusto sana niyang habulin ang mga ito para konprontahin pero pinalagpas na lang niya. Alam niyang talo siya kapag napikon siya sa mga paandar nito. And besides, may mas mahalagang bagay na dapat siyang ginagawa. 

Nasa bukana si Sheryl ng Gym para hintayin si Jacob na lumabas. Hindi na siya nag-abalang pumasok dahil naroon ang mga rabid fangirls ng kaibigan niya, at yung mga bumangga sa kanya sa hallway. Paglabas ni Jacob ay nakakabinging hiyawan ng mga babae ang nag-echo sa buong Gym at agad itong napalibutan. Sa malayo ay nakita ni Jacob si Sheryl at sinenyasan siya nito na magkita na lang sila sa labas. 

"Prince Jacob, may lakad kami ng mga girls. Gusto mong sumama later after School?" anyaya ng isang babaeng nakatirintas ang buhok. 

"Sorry girls, pero nakapangako na ako sa isang friend na sasamahan ko siya today. Baka next time na lang?" hinging paumanhin niya at lumabas ng gym. Hinabol pa siya ng mga ito, buti na lang ay nakapagtago siya sa halamanan, na pinagtataguan rin ni Sheryl. 

"Nakakatakot ang mga fans mo," ani Sheryl. "Alam mo bang binangga nila ako kanina sa hallway papunta dito?" 

"What?! Ginawa nila 'yon? I'll talk to them." 

"Huwag na. Pumunta na tayo sa cafeteria para pag-usapan ang next step natin." 

Tumaas ang isang kilay ni Jacob. "You're taking this way too easy. Dati-rati ay halos makipag-away ka sa kanila. Anong nangyari sa iyo?" 

"Shut it." saway niya. "Kumain na tayo, pagkatapos ay hanapin natin si Mang Rene. Oh, by the way, I'm not taking that easy, I'll take it out on you. Fans mo sila so you have to take responsibility. Ililibre mo ako ng lunch." 

"Aww, C'mon!"

Inabot lamang ng fifteen minutes ang ginawang kain nina Sheryl at Jacob (this is Sheryl's suggestion, much to Jacob's dismay) para ang remaining time ay gagamitin nila para hanapin si Mang Rene. Masyadong malaki ang buong University at palagi pa naman itong galaw ng galaw kaya mahirap talaga itong hagilapin, pero kapag hindi mo siya hinanap ay lagi siyang nandyan. Nagsimula sila sa 'other Sunken Garden' dahil baka naroon ito at nagwawalis ng mga tuyong dahon. 

Clues. Mysteries. Misadventures.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon