1. First Encounter
"Ano ba! Ibigay nyo nga sakin yan!" pilit kong inaagaw yung bag ko sa kanila.
"Haha dito! Akin na bilis!" pinagpapasa-pasahan nila yung bag ko para akong baliw na naghahabol sa bag ko!
Mukhang tuwang-tuwa pa sila sa ginagawa niala.
"Whooo~ kunin mo muna kung kaya mo. Hahaha" hays sa wakas tumigil din kaso... Waaaaah di ko maabot!
Nakakainis naman oh! Kakapasok ko pa lang sa eskwelahang ito, mga bully agad nadatnan ko!
"Dude..." may dumating na lalaki. Gwapo rin katulad ng mga mokong na nanti-trip sakin. . Hinawakan niya yung braso nung lalaking may hawak ng bag ko tapos kinuha niya yung bag ko..
'tutulungan niya ba ko?' napangiti naman ako.. Lumapit siya sakin..
'ibibigay na ba niya sakin yung bag ko?'
Pero mali. Mali ako ng akala. Bigla niyang binuksan yung bag ko saka niya ito itinaob bale nahulog lahat ng----Waaaaah! Mga gamit ko! Saka niya ibinato sakin yung BAG ko!
Sinamaan ko siya ng tingin, napayukom na lamang ang kamao ko. Nagtawanan yung mga kalalakihan sa likuran niya. Kasamahan niya pala yung mga yun.
Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko saka biglang may kung anong idinikit sa noo ko saka niya ako tinalikuran..
Agad ko naman itong kinuha, isang note na may nakasulat na "First Warning"agad ko din itong nilamukos at ibinato sa kanya. Nataan siya sa likod ng ulo nya.
'Buti nga sau!' tumigil siya sa paglalakad,nilingon ako at walang emosyong tiningnan saka ulit binagkas ang daan paalis.
Napalingon ako sa paligid. Buti na lang di gaano karamihan yung mga estudyante sa campus dahil oras yata ng klase ngayon. Humanda sila! Lalo na yung isa!
"Ugh! Those Jerks!"
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
![](https://img.wattpad.com/cover/77032126-288-k410491.jpg)
YOU ARE READING
143 Warning!
General FictionWe're always contradicting ourselves. We want people to tell us apart.... yet we don't want them to be able to. We want people to get to know us... but we also want them to keep their distance. We've always longed for someone to accept us...