Shower Room....
Ugh! Ano ba'tong pinaligo niya sakin! Ang baho..ang lagkit lagkit pa, parang pandikit! Gawgaw ata 'to e!
Argh! Humanda talaga sakin yung First na yun! Hintayin niya ang paghihiganti ng isang Sabrina Yoon!
****
Yoon's Residence...
"I'm home." walang ganang sabi ko.
Agad naman akong nilapitan ni Mommy.
"Oh baby, How's your first day?" talagang tinanong pa ni Mommy yun ah.
"Worst." deretsong sagot ko.
"What! ! What happened? Did they bully you again? Ano baby, sinaktan ka---" so totoo nga ang hinala ko. They lied.
"Bully me again? So natural na pala ng bully-hin ako sa school huh Mom?"
"N--no baby, what I mean is---" napailing na lamang ako.
"Please stop lying! Just tell me the truth!" inis na bulyaw ko.
Napayuko si Mommy, narinig ko na lamang siyang humihikbi.. Parang na-guilty tuloy ako sa inasal ko.
"I'm sorry po."Iniangat niya yung ulo niya, she looked straight into my eyes and then umiling-iling siya.
"You're right. We lied. I'm sorry baby."
"Mom, can you tell me the truth?" mahinahong tanong ko. Tumango-tango siya bilang tugon.
"Sabay kayong naaksidente ng kapatid mo...You saved her." may kapatid ako?
"Kapatid?"
"Yes baby, identical twins kayo..mas nauna ka lang iluwal." so mas matanda ako..
"Nasan na siya?" simula pagkagising ko two weeks ago, di ko pa siya nakikita.
"Nasa America siya, doon siya magpapagamot. Meron siyang sakit sa puso..." what!?
"Pero pano ang pag-aaral niya?"
"You took her place baby. Yung pinag-aaralan mo ngayon, dun siya nag-aaral." what!!? Kaya pala.. So ibigsabihin kilala nga ng kapatid ko si First at kung ganon nga.. Binubully siya ng mga yon! Naikuyom ko ang kamao dahil sa galit na nararamdaman! Those jerks! Specially that First! Magbabayad sila sa ginawa nila sa kapatid ko!
"I'm sorry baby kung nagsinungaling kami ng Dad mo.. Hayaan mo, kung gusto mong bumalik sa school mo hahayaan ka namin ng Dad mo.. Makukuha mo na rin yung totoo mong pangalan, Samantha." No need Mom, I have decided. So my real name is Samantha Yoon.
"No Mom, I will stay." napatingin nan si Mommy sakin, yung tingin na inaalam kung seryoso ba ako o hindi.
"Yes mom i'm serious. I will take her place. I will live as Sabrina Yoon."

YOU ARE READING
143 Warning!
Ficción GeneralWe're always contradicting ourselves. We want people to tell us apart.... yet we don't want them to be able to. We want people to get to know us... but we also want them to keep their distance. We've always longed for someone to accept us...