8. Her Bestfriend
"Huy bakit ang tahimik mo?"
"Wala lang masama bang tumahimik?" Sa totoo niyan kanina pa sumasakit yung ulo ko.. Alam nyo yung pakiramdam na para kang pinupukpuk ng isang milyong martilyo..
"Hehe sabi ko nga---Uy ok ka lang ba? Hala namumutla ka!"
.
.
.
.
"Wala kang karapatan manakit ng kahit na sino.." seryosong saad ko."Pwede ba Samantha wag kang makialam dito!" nilapitan ko siya, tiningnan ko siya at saka binulungan..
"Pakikialaman ko kung anong gusto kong pakialaman, makikialam ako dahil gusto ko. Naiintindihan mo?" tiningnan ko siya at saka nginisian.
Tiningnan niya naman ako ng masama.
"Aish! Tara na nga." saka sila nagmartsa paalis.
Tiningnan ko yung nerd na binully nila.
"Stand up nerd. Clean yourself. Don't enter the classroom with that look of yours." at saka ko siya tinalikuran.
"Thank you Miss Samantha!"
.
.
.
.
.
"Sab--Sabrina wake up! Help me please!" I heard Gab's pleading and everything went black...Hospital...
"Mommy ok na po ako. Don't worry about me."
"Are you sure?" tumango-tango na lang ako bilang sagot. "Then tell me if you feel uneasy, ok?"
"Sure Mom." saka ko siya nginitian.
"Nga pala Sam---"
"It's Sab mommy."
She sigh. "ok Sab anak, invite mo si Marc sa bahay, dun na kamo siya magdinner.."
"Marc?" kunot noong tanong ko.
"Bestfriend mo--- I mean, your sister's childhood bestfriend." Oh I don't know, actually I really don't know my sister's background. All I know, she's a good person. Magkaibang magkaiba kami, kumbaga..She's the fairy and i'm the witch..Anyways...
"Why would I invite him?"
"Kasi baby binantayan ka niya hanggang sa magkamalay ka, di na nga si nakapasok ng mga klase niya para lang sayo. ..so in return, sa bahay na natin siya magdinner.
Seriously? Binantayan niya ako hanggang magising ako? 8 hours kaya akong tulog... Para naman naawa ako dun sa bestfriend ng kapatid ko at the same time natuwa dahil alam kong may nag-aalala at nag-aalaga sa kapatid ko.
Pagkatapos naming mag-usap ni Mommy iniwan niya muna ako para magpahinga..
Pero mayamaya lang may kumatok..
"Pasok." baka si Doc..
Umayos ako ng upo sa hospital bed, isinandig ko muna yung likuran ko...
"Kamusta na pakiramdam mo?" Teka.... si rooftop boy to ah...
"Ok na--" napamulagat ako dahil bigla niya akong niyakap..
"Sorry di ko alam.." kumalas ako sa pagkakayakap niya.. Tiningnan ko siya ng may pagtataka.. Makikita mo sa mukha niya ang labis na pag-aalala.. Bigla na naman niya akong hinigit at niyakap muli.. Hindi na ako nakapalag..
"Ok lang kahit di mo ako maalala. Ok lang kahit malaki ang ipinagbago mo.. Ang mahalaga nandito ka at ligtas ka." madadama mo ang lungkot sa kanyang boses..
Pilit akong kumakawala sa bisig niya. ngunit lalong humigpit at yakap niya, para bang ayaw niya akong pakawalan...
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Waaaaah! Ang totoo nyan baka di na or madalang na lang akong makapagFb..
May pasok kasi kami, you know pag college student... Sobrang busy!

YOU ARE READING
143 Warning!
Fiction généraleWe're always contradicting ourselves. We want people to tell us apart.... yet we don't want them to be able to. We want people to get to know us... but we also want them to keep their distance. We've always longed for someone to accept us...