5. Confused

9 3 2
                                        

5. Confused

"Your What!!?" 

"My twin brother. Hey Sab, okay ka lang?" No..no it can't be. Ugh, malaking gulo ang pinasok ko! 

"Hey Sab! Wait!" di ko na siya pinakinggan. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo palabas ng gym.
Nagtungo ako sa rooftop ng computer building..

Hays. Kahit ilang beses ko iwasan ang gulo, pilit pa rin akong hinahabol nito. Pangalawang school ko na 'to sabi ng mga magulang ko.. Naospital kasi ako, naaksidente daw ako sa una kong school.. 

Di ko lang matandaan kung anong nangyare, nagkaroon kasi ako ng minor/short term memory loss kaya simula ng malaman ko yun.. Nasa mind set ko na ang lumayo sa kahit anong magdadala sakin ng gulo.

*Kring...

Nagring yung phone ko.. Sinagot ko agad ang tawag. 

"Hello."

("Kamusta Samantha?") Samantha?

"Uhmm. Sorry Miss, you dialed the wrong number." 

("Wag kong subukan Sam! Magbabayad ka sa ginawa mo!---toottoot)

"Hello!?" tss. Frank call.

"Hoy. Ang ingay mo..nakitang may natutulog e." bigla naman akong napalingon dun sa nagsalita.

"It's a free country. I can do what I want." tss. Istorbo naman 'to nagmo-momment ako e.
Tumayo siya at nilapitan ako. 

"Tss. So palaban ka na ngayon?" napakunot naman ako sa tinuran niya.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ko. Di niya ako pinansin, bagkus ginulo niya yung buhok ko. Napa-automatic naman yung kamay ko sa pagbatok sa kanya.

"Ouch! Grabe naging sadista ka na rin?" Ano bang pinagsasabi niya.

"Huy teka lang Sabrina!" di ko na siya pinansin.. Nagtuloy-tuloy lang ako sa pag-alis. Ugh! That guy! He made me confused!

Sa Classroom...

Shocks late na ko! Di ko namalayan yung oras. Di din ako nakapagpracticum sa P.E.

"I'm sorry Ma'am i'm late." 

"Oh Miss Sabrina, nakakapanibago.. Nalate ka."

"Ma'am?" kunot noong tiningnan ko si Ma'am. Why these people keep confusing me. 

Di ko na lang siya pinanansin. Nakinig na lang ako sa klase.. Two weeks din akong di nakapasok sa school, simula first day of classes..so ngayong araw talaga ang first day ko.

"Hey Sab!" kinalabit ako ni Gab.

"Why?" kunot-noong tinitigan niya ko. Para bang ang laking kasalanan yung nagawa ko sa kanya. 

"Magsabi ka nga ng totoo. Di ba talaga kayo magkakilala ng kapatid ko?" Ano bang pinagsasabi nito? Malamang! Ngayon ko lang na-meet yung kapatid niya sa buong buhay ko tapos tatanungin niya ko kung magkakilala daw ba kami.

"Yes. Why?" deretsong sagot ko.

"Waaaah! Yung totoo? E ba't sabi niya hindi ka naman daw transfery. Matagal ka ng estudyante dito sa SkyHigh." pasigaw na pabulong na tugon niya.

Napamulagat naman ako sa mga narinig ko. Matagal na akong estudyante dito? How come? So nagsinungaling sakin sina mommy? Waaaah A.YO.KO ng mag-isip! Sumasakit na ulo ko. Kukomprontahin ko na labg parents ko about dun sa mga nalaman ko. 

"Eh kung matagal na nga ako dito.. E bakit hindi mo ako kilala? Edi dapat----"

"Sssh marinig ka ni Ma'am."

"Ah kasi transfery lang din ako dito..hehe." oh kaya pala. No wonder nakabisado niya agad yung blueprint ng school na 'to...

Class Dismissed...

Pauwi na ko. Pero dumaan muna ako sa locker ko.. Pagdating ko dun ang daming tao.. Sa tapat ng locker ko.. 

Pagtingin ko may nakadikit na pulang triagle na sticker may nakalagay na namang "First Warning".. Parang alam ko na kung kanino galing 'to ah.

Nung binuksan ko yung locker ko.. Biglang may bumuhos na malagkit na kulay puti sa buong katawan ko. Naiyukom ko ang kamao ko.. Nang kukunin ko na yung pamunas sa locker ko..may nakita akong note:

 "Leave my sister alone." -First  


+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

143 Warning!Where stories live. Discover now