4. Her What?

9 3 5
                                        

4. Her What?

  "THOSE JERKS!" napatayo ako at halos maputol yung litid ko sa malakas na pagsigaw ko. 

Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa loob ng gym..yung iba ang sama ng tingin sakin.. Napukaw ko yata yung buong atensyon ng mga tao pati yung mga players at referee napatingin sakin.

Parang bigla naman akong nahiya sa ginawa ko.. Waaaah center of attraction na ako ngayon! 

"Tss. Sino ba siya para sabihang jerk yung mga player ng section two!"

"Kala mo naman porket gumanda mapapansin na siya, di hamak na isang nerd lamang sya."

"She's so kapal naman! Naku if Prince First hear her paniguradong makakatanggap yan ng mga WARNINGS came from SkyFive. "

"Tsk tsk. Kawawang nerd." samu't saring usapan ang naririnig ko. 

Napakuyom ang kamao ko. I want to spunk them! right here, right now!

Tatayo na sana ako para harapin yung mga monggoloid na humahamak sa akin ng....

"Hoy kayong mga tsismakers dyan! Alis! Ano di kayo aalis dito!?"

"A--aalis na po Miss Gab." sabay-sabay silang umalis kung kanina dito lang sila nakaupo malapit samin ngayon ang layo-layo na nila.

"Hey Sab. Ok ka lang ba?"

"Ahh oo." wala sa sariling sagot ko.

"Sure ka ah. Sige balik muna ko dun." tumango na lamang ako. Nagsimula na pala yung laban..

Ang score:

 section 1- 22;section 2- 27 

5 puntos ang lamang ng section two. 

Naagaw ni Hans yung bola at shinoot! Naka-3 points siya... 2 puntos na lang ang lamang. . Nakuha naman nung isang matangkad na section two yung bola ishu-shoot na sana niya ng maagaw nung ka-section namin at sabay lay-up... shoot sa ring..naka-score siya ng 2 points.

Ngayon pantay na ang score, dikit ang laban nila.. Makikita mo sa mga mukha ng mga manonood at mga players ang tensyon na namumuo..

1 min na lang... Running time. 

Bola ng section namin.. Hawak siya ngayon ni Hans... Itinatakbo niya na yung bola sa ring nila malapit na siya......

pero para bang hangin na nakuha nung jerk na First na yun yung bola.

10 seconds remaining time... Tinatakbo na niya yung bola sa ring nila... 5 seconds na lang pero nasa gitna pa lang siya. . 3 seconds.. Shinoot niya yung bola kahit malayo siya.. 1 second... eeeeeng.... '3 points shot!'

Nagstanding ovation ang mga manonood.. Maraming naghiyawan kahit na natalo ang section namin masaya pa rin sila, sa katunayan tuwang-tuwang pinagtsi-cheer nila yung jerk na First na yun! Hmmmp! 

Umalis na ko sa bleacher, pinuntahan ko si Gab sa baba.

"Oy Sab nandito ka na pala!" nilapitan niya ko. 

"Tara! May papakilala nga pala ako sayo." masayang sabi niya saka niya ako hinatak papalapit dun sa.....MGA JERKS!

Nung nakalapit na ako sa kanila bigla silang tumigil sa mga ginagawa nila.

"Hey Guys! May papakilala ako sa inyo." seryoso silang nakatingin sakin samantalang hindi maipinta ang mukha ko." Galit at inis ang nararamdaman ko..

"Sab, meet the SkyFive! This is Eight Ton Scott,  Steven Miller, Addison Six Nielson ,  Skyler Four Collins andFirst Caden Hudson ."

'Oh. Baka meet the numbers kamo.' inirapan ko na lamang sila.

"And SkyFive! Meet my friend, Sabrina Evette Fortalejo." nagkatitigan kami nung First.. Imaginin nyo na lang na may kuryente na dumadaloy sa pagitan namin. Makikita mong wala pa rin syang pinapakitang reaksyon.

"Ah guys, by any chance... Do you know each other?" bigla namang naputol yung pagtitigan namin ng magsalita si Gab.

"No." deretsong sabi ko.

"Oh. Okay! Nga pala Sab, First is my twin brother." Napanganga naman ako sa nalaman ko.

"Your What!!?" 

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

143 Warning!Where stories live. Discover now