Itim at puti

13 0 1
                                    

Oktubre 15, lunes ng umaga. Hinahanap ni Collin ang itim niyang damit ngunit kahit saang sulok man niya ito hanapin, hindi nya ito nakita.

Collin:            Hoy ate! Asaan na ho yung itim kong v-neck na damit?

Jane:              Hanapin mo kasi gamit ng iyong mga mata. Hindi ang iyong bibig!

Collin:            Ate! Hindi ko talaga mahanap. Bigay pa naman sa akin yun ni Istan.. Wala rin dito sa aking aparador! Naghanap na ako sa lahat ng sulok ng pamamahay na ito. Tsk

Jane:              Bulag ka talgang bata ka. Tabi!
Oh ayan!  Hay di kasi naghahanap.

Collin:            Hahaha patawad na po. Kaya mahal na mahal kita eh hahaha.

Jane:              Tseh. Wala nang magagawa ang paghihingi mo ng tawad

Collin:            Asus si ate! Humugot pa.

Jane:              Hahaha oo na biro lang. Oh ayan, suotin mo na ang itim  na damit. Mag ingat ka.. Baka may mamamatay tao dun..

Collin:             Psshhh wirdo. Sige po ate. Paalam na!

Habang naglalakad si Collin papunta sa bahay ng kaniyang kaibigan, iniisip niya ang pagkakasunus-sunod na pangyayari sa kanilang buhay sa eskwelahan. Hindi nya parin lubos maisip at matanggap na darating sa puntong sa lamay ng kaibigan niyang si Istan na niya  huling makikita ito. . Nang makarating na siya sa lamay, naabutan nya ang mga mapapanglaw na bakas sa mukha ng kaniyang barkada.

Cielos:            Uy Collin. Andito ka na rin sawakas.

Collin:            Hindi ko kasi nahanap itong bigay sa akin ni istan agad-agad.

Cielos:         Ang bait mo talagang kaibigan. Pinahalahgahan mo talaga ang inyong pagkakaibigan pati yung mga binigay nya sayong damit hanggang ngayon.

Collin:            Syempre naman noh. Hindi naman maaaring sayangin ko lang ang mga ito.

Cielos:         Hay buti ka pa. Eh yung iba dyan sinasayang lahat lalo na yung pagmamahal ko.

Collin:            Batukan kita diyan eh. Para ka talagang nanay ko. Hugot ng hugot.

Cielos:         Oh eh atleast sa akin totoo noh hahaha.

Collin:            Hindi kaya. Ikaw kaya yung nag-sayang. Sinisisi mo lang sa iba eh.

Cielos:            Haluh haluh oy tama na. Iwanan na natin yan sa nakaraan hahaha.

Collin:            Pero pre, di ko parin ako makapaniwala sa mga pangyayari..

Cielos:         Oo nga eh... Ni minsan hindi talaga sa atin nakinig si Istan.

Cielos:            Hindi naman talaga. Lagi niyang iniisip na tama ang kaniyang mga paniniwala.

Collin:            Hay wala na tayong magagawa diyan. Ipaubaya nalang sa Diyos ang kaniyang kaluluwa.

Cielos:            Pero sandal lamang. Di parin pumapasok sa utak ko ang pagkakasunod-sunod na nangayri sa kanya. May mga tao kasi na nagsasabi sa akin ng totoo at may mga tao naman na mukhang nanghula lang sa bawat pangyayari

Hibo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon