Makalipas ang tatlong araw, nagkaroon na ng malay si Jane. Tulog si collin sa kadahilanang gusto niyang bantayan ang kaniyang kapatid buong magdamag. Wala itong matandaan sapagka't ayon sa doctor, mayroon siyang Retrograde Amnesia. Kung saan hindi niya maalala ang mga nangyari noong naaksodente siya.
Jane: Teka.. Asaan ako?
Cielos: Ate??
Jane: S-sino ka..
Cielos: Gising ka na!
Jane: Teka.. C-cielos... Aray!
Cielos: Ate Jane wag ka munang tumayo. Huy Collin gumising ka diyan! Gising na yung ate mo!
Collin: H-h-ha? Sino?
Cielos: Pre umayos ka naman! Yung ate mo gising na!
Collin: Ate! Gising ka na!
Jane: Asaan ako?
Collin: Nasa Hospital ka ate. May naaalala ka bang kahit ano?
Jane: Sa totoo lang wala eh. Ang sakit ng ulo ko.. Teka ano nga ba talaga ang nangyari?
Collin: Maraming bumisita sayo ate. Yung iba sa kanila di ko kilala. Pero nagulat ako nang binisita ka ni Istan..
Jane: Ah.. May pasok pa kayo ah? Tsaka ba't di kayo magkakasama ngayon?
Collin: Saka ko na ikukwento ate..
Cielos: Collin tignan mo oh, may pulis sa labas.
Collin: Pulis? Bakit naman kaya?
Pulis: Andito po ba si... Collin T. Arnisto?
Collin: Ah.. Bakit po?
Pulis: Sumama ka muna sa akin sa labas? May paguusapan lang tayo.
Collin: Ano po bang problema?
Pulis: Kaibigan mo ba si Istan A. Reyes?
Collin: Ah oo naman po. Bakit ho? Anong nangyari sa kanya?
Pulis: Naabutan namin ang kaniyang bangkay alasyete na ng umaga.
Narrator: Nagsimulang tumulo ang kaniyang mga luha.
Pulis: Nahanap namin ito sa kaniyang pantalon. Sayo nakapangalan ang sulat.
Narrator: Pagkabasa niya ng sulat, hindi lungkot ang kaniyang naramdaman, sa halip ay kilabot.
Collin: "Dear collin. Hindi ako pumasok na halos dalawang linggo sapagka't ang kinikita kong pera ay galing sa droga. Hindi ko masabi ito sa iyo ng deretsuhan dahil alam kong hindi ko na kayang kontrolin ang sarili ko sa dami ng drogang nasisinghot ko araw-araw. Pera ang laman ng maleta ko at lahat ng pera ko ay ibibigay ko sayo. Bantayan mo ang iyong kapatid. Magiingat ka kay.."
BINABASA MO ANG
Hibo
HorrorLahat ng bagay na meron ang iba at wala sa atin ay nanaisin talaga nating makuha. Ang hili ay parang isang apoy sa ating puso. Kung ito ay pababayaan na manatili sa ating loob, ito ay lalago ng lalago hangga't sa ito na ang dahilan ng ating pagkatao...