Unti-unti nang binabalot ng kagitlahanan at pangangamba ang utak ni Istan. Hindi niya alam kung pagkakatiwalaan niya ba ang taong hindi nya gaanong kilala ngunit alam ang mga sikretong tinatago niya o sasabihin ba muna niya sa kanyang tunay na kaibigan subalit alam niyang pipigilan siya ng mga ito. Tinago nya ito sa kaniyang sarili at simula na non ay hindi na niya kinakausap ang kaniyang mga tunay na kaibigan na si Cielos at Collin.
Collin: Hoy Cielos, asan na naman ba si Istan?
Cielos: Hindi ko alam. Ba't ako ang tinatanong mo oy.
Collin: Ano ba ang problema ni Istan ah? Hindi na nya tayo kinakausap.
Mahigit dalawang linggo na siyang hindi pumapasok ah? Saan ba nagpunta yun?Cielos: Ano ba collin. Hindi ko nga alam. Wala na nga akong nababalitaan tungkol sa kaniya eh.
Collin: hay bahala na..
Cielos: Saka ano bang magagawa natin ha? Mukha ngang wala na siyang pake sa atin.
Collin: meron yan! Baka madaming ginagawa. Wag ka ngang magsalita ng ganyan.
Cielos: Jusko ano naman kaya ang ginagawa nya? Naglilihim ng pasubaybay kay Elly? Iba na yun noh! Tsaka kahit na ganun, papasok parin yun.
Collin: Eh ano bang nasa isip mo?
Cielos: Nangaliwa ata yun ng barkad.
Collin: Shunga eh wala naman tayong alam sa nangyari kaya hindi dapat tayo nanghuhusga. Tsaka paano mo naman nasabi yun?
Cielos: Nakita ko si Istan na pumunta sa bahay ni Marc. Lagi nalang nila ginagamit si Istan tsk.
Collin: huh? Kailan?
Cielos: Dalawang linggo na ring nakakalipas..
Magkapit bahay lamang si Cielos at Marc kaya naman mabilis nalaman ni cielos ang pasikretong pagpunta ni Istan dalawang linggong nakakalipas pa lamang. Habang ang ate naman ni Collin na si Jane ay may dorm na katabi lamang ng bahay ni Marc. Nahiwagaan si collin sa bawat pangyayari at habang malalim ang pagiisip ni Collin, pagkatapos na pagkatapos ng klase agad-agad na niyang tinawagan ang kaniyang kapatid.
Jane: Helloo? Oh Bakit?
Collin: Ate si Istan.
Jane: Oh anong meron kay istan?
Collin: Si Marc ate!
Jane: huh?? Anong pinagsasasabi mo dyan? Huminahon ka nga! Sino ba talaga. Si istan o marc?
Collin: Parehas ate.
Jane: Parehas? Nako kapatid. Wag mong sabihing nababakla ka na ah.
Collin: Baliw talaga itong babaeng toh. May tanong muna ako! Nakita mo ba si Istan diyan?
Jane: ah oo. Laging silang magkakasama nina Marc, Elly, at Rian. May mga araw na may dala siyang maliit na maleta. Nagtataka ako kung ano bang meron sa maletang yun.
Collin: Hindi ka ba binibisita ni istan ate?
Jane: Malamang hindi noh. hindi naman ako ang kaibigan nun. Anong akala mo sa akin pido?
Collin: pido agad? Puro ka kasi lovelife hay nako. Ate naman eh. Pero request naman ate.
Jane: Haluh sya matapos nya akong asarin oh. Maswerte ka't kapatid kita. Ano naman yun?
Collin: Kung may oras ka man pakibatayan mo naman si Istan oh. Dalawang linggo na kasi siyang hindi pumapasok eh.
Jane: Huh? Dalawang linggo? Oh sige sige akong bahala.
Collin: Sige ate salamat ah!
BINABASA MO ANG
Hibo
HorrorLahat ng bagay na meron ang iba at wala sa atin ay nanaisin talaga nating makuha. Ang hili ay parang isang apoy sa ating puso. Kung ito ay pababayaan na manatili sa ating loob, ito ay lalago ng lalago hangga't sa ito na ang dahilan ng ating pagkatao...